Chapter 4- Sweet Moments [Ayieeh! :D]

35 4 2
                                    

MARZ' POV

Nagpahinga na kami sa unit namin, siyempre kasama ko ang K-2. Tatawagin na lang daw kami kung lunch time na. Ayos na din yun, pwede pa ako magshower...huh! Ang init kasi eh kahit mahangin naman since nasa 2nd floor ang unit naming lahat. Nasa 1st floor ang dining area.

Infairness, love na love ko 'tong unit namin. Hindi naman OA sa pagka-royal blue kasi may combination ng white and pink. Bagay na bagay sa amin ni Stitch.hahaha! Dinala ko pala si VEA-STITCH. Si Veastitch pala ay stuff toy na binigay sa akin ni Ebro nung nasa isang parlor game kami sa mall. Napanalunan niya si Veastitch. Hindi ko akalain na ibibigay niya sa akin.Tamang-tama lang yung size niya para i-hug. Ang lambot-lambot!!! haha :D 

Kasing sarap din kaya nito kapag yakapin si Ebro???... Yay!!! Ano ba 'tong iniisip ko?! Pinagnanasahan ko na ata si Mokong...nyahaha!!! Kung sa bagay, muntikan na nga niya ako may accidentally dati noong 17th birthday niya...

#Flashback#

Uwian na namin, di ko pa rin na-greet si Ebro sa birthday niya. Hindi uso ang regaluhan sa aming magbabarkada. Basta present ka sa okasyon, ayos na yun sa amin. Ka-birthday niya yung isang kaklase namin na babae, si Samantha or Sam...

Sa tingin ko, ok lang na hindi ko na siya batiin eh. Masaya naman siya eh. Hindi pa nga niya ako masyado pinapansin..tsk! Tinutukso ng mga kaklase namin si Ebro at si Sam na soulmate daw sila..haha! Care ko ba!? Naputol na lang yung tuksuhan ng magsalita si Che...

"Ui Ebro may nagseselos na siguro..", sabay sabi at tingin sa akin ni Che..

Inirapan ko ng tingin si Che. Kalagot talaga ang babaeng 'to, kung sinusumpongng pagkatopak, hindi mapreno ang bunganga...tsk tsk!

"Hah? Sino?", tanong ni Ebro kay Che..

Nasa labas ng classroom namin ang ibang tropa. Hinihintay na lang nila kami habang nanonood sila ng game ng table tennis sa harapan ng room namin. May mga benches kasi dunna pwedeng tambayan kung walang klase.

"Yung isa dyan..", sagot ni Che sabay ngiti at turo ng nguso niya sa akin.

Ahai... Che naman eh, pinapahamak mo ako!

"Ah... Hmp Marz, nagseselos ka?", tanong niya sa akin ni Ebro habang nakangiti ng nakakaewan!!!

Bago pa man ako nakasagot, nagsalita na naman si Che...

"Di ba mukhang di ka pa niya na-greet ah?"-Che

"Kaya nga eh...", pag-sang ayon naman ni Ebro. "Nagseselos ka nga ba Marz?", dugtong na naman niya.

"Hmp ako magseselos? Hindi naman ah.. Wala akong dapat ikaselos..", drama ko yan. Syempre, denial mode ako eh..

Lumabas ako ng room namin at sumunod sina Che at Ebro.

"Ahmm Happy Birthday Ebro!!! :) ", sabay ngiti sa kanya. Buti na lang di ako nautal sabihin yun. May selebrasyon ang barkada, pero dun lang din sa tambayan namin. Kami ang manlilibre, girl's department.. Kuripot kasi ng boys eh!!! Kung hindi lang birthday ni Ebro, magdusa sila!!! haha

Nagpasalamat si Ebro sa akin... Pumunta sila ni Che sa table tennis area. Sumunod naman ako. Mukhang maganda ang laro. Si Che ay umupo na sa bench kung saan andun ang ibang K-2. Ako naman, pupunta ako sa gilid  ng table tennis court upang makita ko ng mabuti ang laro. Si Teddie at John ang naglalaro, parang mga bata na gagawin ang lahat makuha lang ang prize nila.

Palapit na ako sa table tennis kung saan nakatayo din si Ebro. And surprisingly, uamatras si Ebro ng one step at naapakan niya ang paa ko ng hindi sinsadya. Napaatrasnaman ako at pilit na hinihila ang paa ko... Waah ang tsakit naman!!!! T___T

Naramdaman naman ni Ebro ang pagkaapak niya sa paa ko at humarap siya sa akin kaagad. At dahil dun, na-out balance ako. Pero bago pa man ako bumagsak sa lupa, nahawakan na ni Ebro ang mga braso ko at hinila niya ako papalapit sa kanya!!!

BOOOM!!! BOOOM!!! BOOOM!!!

Parang huminto ang oras sa pag-ikot ng mundo. Feeling ko, may mga fireworks sa paligid namin. Feeling ko, naglalaro ang mga paro-paro sa paligid namin.. Ang lakas ng feeling ko noh?!..haha

Nagkatitigan kami ni Ebro, parang patunawan lang!!!!

Feeling ko, safe na safe ako sa pagkakahawak niya sa akin, habang bahagyang nakaarko ang katawan ko. Parang wala kaming pakialam sa mga tao na na nasa paligid namin na kilig na kiligsa amin. Nahimas-masan lang kami noong nagsigawn sila ng "uyyy!'..

#End of Flashback#

Hayyy! One of kilig moments ever!!! Ano ba yan?! Ang daming ko naman naiisip... Nakalipas na yun Marz, di na yun mauulit!!! Malabo na maging kayo kasi wala naman gusto sa'yo si Ebro eh... Mas pinili nga niya na maging si Jassy na hindi naman niya gusto o mahal, di ba? Hindi niya sinunod yung feelings niya, di ba?!

For the meantime, enjoy mo ang outing na 'to na walang iniintindi... Be happy! :)

Ahaha kinakargahan ko na ang sarili ko, makaligo na nga muna...tsk tsk...

Aftera while, tapos na din ako maligo. Nagbihis na ako ng black jeans, T-shirt na blue na may white print na, "I'M HAPPY W/O YOU!!! x_x" then converse gray rubber shoes. May games pa kasi kami na gagawin mamaya eh...Mamayang gabi na lang kami maligo sa pool...Then bukas, continuation ng games na gagawin sa tabing-dagat... Ang game namin mamaya ay magaganap sa mini park na resort...

Kainan na, sa bawat isang table, ang mga magkakasama ay ang magkakasama din sa unit. Grabe talaga ang mga kasama ko! Mapuna agad nila yung nakaprint sa damit ko..

"Marz, hindi ka magiging masaya kung wala ako! haha", sabi ni Teddie yan sa akin.

"Hmp! Mas okay nga yun na wala ka, walang asungot...bleh! xD", sagot ko naman sa kanya.

"Ouch! Sakit naman nun pare...", pagkakarga ni John sa kanya.

Umaakto naman si Teddie na umiiyak kuno!..haha Trying hard talaga! Ang cute-cute!!!! :D

Papunta na ako sa table namin na malapit din sa table nila Teddie. Tumayo si Ebro at nagkasalubong kami sabay sabi na, " I WON'T BE HAPPY WITHOUT SEEING YOU EACH DAY..."

Medyo nalampasan ko na siya pero napatigil ako sa paglalakad. Parang pabulong niyang sinabi sa akin pero sapat lang ang lakas ng boses niya para marinig ko. Paglingon ko ng bahagya sa likod ko, naglakad na siya papuntang handwashing area. Ang mga kasama namin, busy sa tawanan at kwentuhan habang nagsisimula na silang kumain...

Ebro?!! Ano bang problema mo?! Ano ba yang ibig sabihin ng pinagsasabi mo?! Ang gulo-gilo mo talaga!

----------------

Aja! Sorry heto lang nakayanan ko i-type.. T_T

I hope, you appreciate it..

Thanks my beloved readers!!! mwaaaahugs ko oh..hehe 

marzx <3 

Time check: 1:55 am :))

Bullet Of Truth And Lies [Tinamaan Ako Ng Akala!]- On HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon