Chapter 12 : 3rd Try

10 1 0
                                    

Sabi nila try and try until you succeed. Kaya ito ako ngayon nasa tapat ng opisina ni Michael para tanungin ulit siya. Isang linggo na ang nakalipas pero wala parin,hindi na kami nagkausap tungkol sa 'let's see' na sinasabi niya. Litchi! lang talaga kasi umasa ako ,akala ko magkakapagdate na kami. Pero hindi ako susuko,kaya ito ako ngayon. Susubukan ko ulit siya. Susubukan ko ulit na ayain siyang makipagdate.



"Michael" tawag ko sa kanya habang inilalapag yung cake at pink flowers sa lamesa niya

"Yes?" Pormal niyang tanong

"About dun sa .. Sa date." Panimula ko

"Akala ko ba magdedate tayo?ha?!isang linggo na----

"Sabi ko.let's see. Hindi ko sinabing oo"  natahimik ako sa sagot niya. Alam kong prangka siya pero hindi ko inaasahan ito,parang may tumutusok sa dibdib ko. Pero hindi ko iyon pinakita. I'm GEORGIA DELA PEÑA. hindi ako tumatanggap ng pagkatalo,hindi ako tumatanggap ng rejections.

"Okay." Sabi ko at tumalikod na pero bago ako lumabas sinabi ko sa kanyang ..

"I'm not yet done. WE'RE NOT YET DONE"




Bumaba na ako dahil may pictorial pa kami. Well,last day namin ngayon kaya naman whole day ang pictorial. Si Scarlet ang nakasalang kasama si Margaux [N/A: Ang basa sa Margaux ay MAR-GOW] Pumasok na ako ng dressing room ko para makapagayos.

Lalabas na sana ako para makita ang partner ko nang makita ko ang nakasalang. Si Axel at Percy.



"Percy" i call him ng matapos agad ang pictorial nila

"Georgia!"  Masaya niyang sigaw at niyakap ako

"How are you? It's nice to see you again Percy." I said ang hug him back

"I'm all fine. How about you?Balita ko may nililigawan ka." Kwento niyang ikinamula ko

"So it's true huh?The GEORGIA DELA PEÑA suddenly fell inlove. At siya pa ang nanliligaw.who's this lucky man then?" Sasagot na sana ako ng bigla siyang tinawag ni Scarlet

"Percyyyyy!!!!!" She squiled ng makita ito

"MyGOSH!!Hindi ka nagrereply" sabi ni scarlet sabay pout

"Sorry. Nakipagkwentuhan lang ako kay Georgia" paliwanag niya habang napapakamot sa batok

"Maybe,you're chatting other girls"   -scarlet

"WHAT?!NO!!!" dipensa agad ni Percy sa sarili niya. Nakita ko pang hinawakan ang kamay ni Scarlet

"I think .. I think you're just----

"Hey. I'm sorry okay? I just really saw georgia passing by. So naisipan kong kamustahin siya."   Sabi ni percy sabay yakap kay scarlet

"EHEMMMM!!!" i ruined there cheesyness. Like duhhhh!!!andito pa kaya akoooo. Mukha namang naalala nila ang presensya ko kaya napatingin sila sa akin.

"Care to explain?" They both laugh at inaya akong maglunch later



Nagpapicture muna ako sa photographer. Nung  Una .. Ako lang magisa pero nung pangalawa may kasama na ako which is sina Scarlet,Margaux and Myla. Mamaya daw ay may huli pa akong pictorial with a guy. Napaisip naman ako kung sino yun,kung ano ano na ang pumapasok sa imagination ko. Naiisip ko kasing si Michael ang makakapartner ko tutal nagmomodel din naman ito paminsan. Naiinip na ako dito sa upuan kaya naman tinanong ko na sila scar kung kilala ba nila ang magiging co-model ko mamaya.



"Mamaya?hmm~ hindi ko alam eh. Tapos na kasi ako"   -scarlet

"Ako din georgia" sabi ni percy sabay akbay kay Scarlet

My GAY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon