Chapter 11 : 2nd Try

9 1 0
                                    

Georgia's POV

Matapos namin magluto ni Tita. Oo!!!tita na daw ang itawag ko sa kanya dahil magiging mommy ko din naman siya. Ang baliw lang noh?pati tuloy ako nahahawa sa kanya. Nawawala yung pagkamaldita ko simula nung nagkagusto na ako kay Michael at lalo pa yung nawala nang makilala ko si Tita. Kahit iilang oras palang kami magkasama ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya. Namimiss ko tuloy si mommy.

So anyways nandito kami sa dining at nagsisimula ng kumain ng lunch at 3:00PM. katabi ko kumain si Michael katapat ko si Tita at katabi naman niya si Mr. Moelker.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsimulang dumaldal ulit si Tita.


"Hon,you know what?tinulungan ako ni Georgia. Pwede na siyang magasawa." Sabi niya sabay tingin sakin at kay Michael. Pinamulahan naman ako ng pisnge dahil sa papuri ni tita.

"Really?hmm~ pwede na" sabi naman ni Mr. Moelker

"Oo nga. Pwede na" sabi din ni Michael na ikinagulat namin ni Tita. Dahil sa kami lang ang may sikreto hindi naman yun pinansin ni Mr. Moelker.

"W-were e-eating" nauutal na paalala ni Michael.


Nang matapos kami kumain at magusap usap.nagpaalam na kami ni Michael dahil maggagabi na at mahirap bumyahe. Pinaalalahanan pa ako ni Tita na bumisita ulit dahil tutulungan niya daw ako "magluto". Pero alam ko namang hindi niya ako tuturuan sa pagluluto dahil sa kakaibang ngisi nito at kindat.

Nasa byahe kami ng biglang umulan ng malakas. Patuloy lang sa pagmamaneho si Michael kahit na medyo malabo na yung daan.


"Michael,kaya mo pa ba?" Tanong ko medyo nahihirapan na rin kasi siyang makakita dahil sa dilim at wala pa kami sa kalahati ng byahe.

"Y-yeah,kailan kitang iuwi"

"Pwede namang dito na lang ako maghahanap na lang ako ng taxi" pagsasuggest ko

"What?are you crazy? Hindi pupwede" -Michael

"Okay.sorry" sabi ko na lang


Maya-maya nang medyo nakikita na namin ang High way bigla na lang tumigil yung sasakyan.

Nakita kong sinusubukan niyang iistart ang sasakyan pero ayaw na talaga gumana.


"GREAT!!!Sumabay panitong sasakyan!" Sigaw niya

"Calm Down. Walang magagawa yang inis mo" -me

"Paano kita mauuwi. Wala pa tayo sa kalahati oh?" Tanong niya sabay turo sa daan

"I-i don't know .. " sagot ko dahil hindi ko rin naman talaga alam kung paano ako makakauwi.

"Georgia.s-sa bahay ka na lang kaya muna?kahit ngayong gabi lang" -Michael

"S-sige" sumangayon na ako dahil wala rin naman akong magagawa dahil sa lakas ng ulan


Hinubad ni Michael yung jacket niya tapos binigay sa akin. May kinuha rin siyang malaking payong sa likod tapos tumakbo na sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Kinuha ko yung bag ko tapos sumabay na ako sa kanya. Nilock niya yung pinto at nagsimula na kaming maglakad pabalik. Magtataxi na lang sana kami kaya lang bihira daw talaga ang taxi sa subdivision nila.

Habang naglalakad kami nagiisip ako ng mapaguusapan para hindi akward sa kanya itong walking in the rain namin.

"Michael"

"Georgia"


Nagkasabay kami ng tawag kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong deretcho parin yung tingin niya sa kalsada.


My GAY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon