Restless Heart

30 2 0
                                    

I'm just a girl.
 
Oo babae lang ako. Ano naman?

Babae akong may prinsipyo. May dangal at paninindigan.

Nagiging matapang kung kinakailangan. Madaling magpatawad. Madaling magmahal at masaktan.

Ganyan kaming mga babae. Nakangiti kahit na sobrang sakit na.

Nakakatawa hindi ba?

Bakit hindi nalang kami umiyak at magmukmok sa aming mga kwarto. Bakit kailangan pa naming magpanggap? Bakit kailangan pa naming ngumiti kahit sobrang lungkot na ng sitwasyong hinaharap namin?

Bakit nga ba?

Simple lang.

Kaming mga babae, hindi kami madaling magiba. Hangga't kaya lumalaban. Hangga't may nakikitang pag-asa syempre umaasa. Hindi kami madaling sumuko.

Naisip n'yo na ba kung ilang kasinungalingan ang nasabi namin para lang mag-mukha kaming masaya? Ilang ngiti ang nagawa namin sa kabila ng luhaan naming puso. Ilang "Ayos lang" ang naging bukambibig namin kahit hindi at kung gaano kami nagtiwala sa katagang "Everything will be alright".

Alam n'yo bang hindi madali ang pinagdadaanan naming mga babae? Ng dahil lang sa mga walang kwenta at hindi deserving na mga lalaki? Naisip n'yo ba kung gaano karaming luha ang nadama ng mga unan namin bawat gabi? Gaano ka mugto ang mga mata namin kada umagang dumarating? At kung gaano kasikip ang mga dibdib namin dahil lang sa pagpipigil ng luha. Sana lang alam n'yo.

Sana hindi n'yo kami sinasaktan. Malabo ba masyado? Hindi n'yo ba kami maintindihan? Anong mali? Bakit kami galit? Nalulungkot? Bakit? Kung hindi sana kayo manhid maiintindihan n'yo kami. Malalaman n'yo ang mga punto namin.

Mga lalaki nga naman.

Mali bang umasang akala mo sa iyo s'ya? Mali bang umamin kung ano ang tunay mong nadarama? Mali bang maniwala sa lalaking unang nagpakita ng motibo, at ipinaramdam sa iyong sa iyo lamang s'ya? Na ikaw lang at walang iba? Mali bang umasa na mahihigitan n'ya yung pagmamahal mo? Mali bang magconclude na mamahalin ka din n'ya? Kasi kung mali bakit pakiramdam namin tama?

Ako. Nagmahal na ako. Pero nasaktan din.

Masakit s'yempre pero sa una lang naman pala. Habang tumatagal na-immune na rin ako. Wala lang feeling ko kasi wala na 'kong magagawa. Masasaktan at masasaktan lang din naman ako kaya dinama ko na lang hanggang sa mapagod ako. Hinayaan ko nalang, sanay na 'ko e.

Tanggap ko naman na walang lalaking mag seseryoso sa akin. Nakakasawa na rin kaya. Nakakasawa na ring magmahal tapos iiwan ka na lang basta. Ewan ko kung bakit. Ewan ko kung paano. Basta sa tuwing magkaka-boyfriend ako ilang araw palang na nagiging kami nawawala na lang s'ya basta. Iniwan na pala ako. 

*sighs*

Maganda naman ako e. Mabait naman ako at matalino. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit iniiwan ako ng mga taong minamahal ko. Sumpa ba ito? Ewan.

Kahit iniwan ako ng mga lalaking minahal ko may nag iisang lalaking hindi umalis sa tabi ko. May nag-iisang lalaking tumulong sa aking bumangon muli. May lalaking nag paniwala sa akin na magiging ayos din ang lahat.

 Siya yung kasa-kasama ko kapag umiiyak ako. Siya yung nag papatawa sa akin kapag sobrang lungkot ko na. Siya yung tinatakbuhan ko kapag broken hearted ako. Siya yung nag silbing pader na sandigan ko. Siya yung nand'yan lagi para punasan ang mga luha sa mata ko. Sa tingin ko nga mahal ko na s'ya. Kaya lang natatakot ako.

Natatakot ako na kapag sinabi ko sa kanyang mahal ko siya ay lumayo siya, umiwas, at iwanan ako. O baka nami-misinterpret ko lang yung mga ginagawa niya para sa akin. Na hanggang pagiging bestfriend lang pala ang kaya niyang ibigay sa akin. Natatakot ako. Kaya sige! Ililihim ko na nalang ito, kaya ko naman e. Magiging masaya naman ako dito. Kahit bestfriend niya lang.

Restless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon