✍Thirteenth Note✍

1.3K 51 0
                                    

[A/N: Sarah Shane Lopez picture on multimedia above 👆]

SARAH

"Oh my gosh! Where have you been?! Alam mo bang anong oras na ha? Hija?" Salubong sa'kin ni ni Mom, nasa likod naman niya Dad at ate Savannah na nakasalubong ang mga kilay. Napalunok tuloy ako ng laway ng wala sa oras.

"Ahh... Nagpahangin lang ako sa seaside Mom. Don't over react." Sagot ko sa kanya while praying they won't interrogate me anymore.

"Okay I trust you won't lie to us. Pumasok ka na sa kwarto mo." Saad ni Dad bago kami tinalikuran. Napabuntong hininga naman ako but guilt is building me up. Eversince I was a kid i never lie to them.

"Kumain ka na ba?" Mom ask.

"Tapos na po Mom, matutulog na po ako, kayo rin po wag masyadong magpagod. Good night." I tell her at agad na hinalikan ang kaliwa niyang pisngi.

Alangan akong ngumiti sa kakambal ko dahil seryoso parin siyang nakatitig sa'kin hanggang ngayon.

"Good night ate." saad ko sa kanya at kumaripas na ako ng takbo sa itaas papunta sa kwarto ko.

"Not so fast my dear sister." Biglang sulpot ni ate sa harapan ko sinundan niya pala ako.

"Where have you been?" Mahina pero madiin niyang sabi.

"I told you pumunta ako ng seaside." Sagot ko sa kanya.

"Are you kidding me? With those high heels and dress you've been to the beach? I can't even see sand on your feet." She said mocking.

I sign in defeat at sinabing, "Fine, pumunta ako ng club."

Ang kaninang nakasalubong niyang kilay ay umangat na ngayon at bigla niya akong hinila papasok sa kwarto ko.


"For real? You've been to club!? Oh my, I can't believe this! Since when?" Sunod-sunod niyang tanong with amusement on her face.


"Ano ka ba naman ate nakalimutan mo na bang I was once a teenager who used to hang out with friends. Syempre, I've tried clubbing long ago. Gusto ko lang ulit makinig ng maingay na musika para sa composition ko." I lie again. Tsk!

"What!? Are you out of your mind paano kung may nakakakilala sa'kin dun? Malaking skandalo yun!" Medyo pasigaw niyang sabi.

"Relax, walang makapapansin sa'kin dun, I wear thick glasses, isa pa madilim at sa VIP lounge ako tumambay." Pagsisinungaling ko na naman sa kanya. Perks of being a composer. Magaling na rin akong magcompose ng kasinungalingan.

"Whatever. Siguraduhin mo lang na wala akong maririnig na may masamang balita bukas. Sa susunod be careful and conscious about your surroundings, mahirap na baka mabuko tayo." Huling habilin niya bago tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at agad na tumayo upang magbihis ng pamtulog.


After changing clothes I immediately dive into my bed, papikit na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*New Message Received*

From: 0912*******

Hi, are u asleep already?

Huh? Sino kaya 'to?

To: 0912*******

Who's this please?

From: 0912*******

Ouch. Ang bilis mo namang makalimot, it's me Hyuno.

Oo nga pala I gave him my number kanina. I was about to reply nang biglang nagring ang phone ko. It's him calling...

I answered it.

"Hello?" Alangan kong saad.

"Hey, Nakadisturbo ba ako?" Saad niya sa kabilang linya.

"Hmm, kinda. It's already eleven in the evening." Pangtitrip ko sa kanya.

"Shoot! I'm sorry, oo nga eleven na pala. Bukas na---

"Kidding, okay lang hindi pa naman ako inaantok eh." Putol ko sa kanya. Ewan ko kung anong nangyayari sa'kin, pero pag siya ang kausap ko nawawala ang hiya ko.

"Ohw, you sure?" Tanong niya.

"Yeah?" I said half unsure. Nababaliw na yata ako.

"Alright. Ba't hindi ka makatulog? Problem? O hindi ka makaget over sa date natin kanina?" He said and chuckled on the other line. Grabe ha, hindi pa rin nalolowbat ang kayabangan niya.

"You wish. Hmm may favor sana akong hihingin sayo." I said in a serious tone. Ayokong mabuko niya ang sekreto namin ng kapatid ko.

"Kung pwede maging tayo na? Hmm, pag-iisipan ko muna medyo strict kasi sina Eomma." Sabi niya. Hayy nako, bakit ko ba kinakausap ang mahangin na'to.

"Huwag na lang matutulog na pala ako---

"Te-teka lang! Parang nagbibiro lang eh." Tarantang saad niya.

"Seriously hindi siya nakakatawa. Promise." Plain kong sabi sa kanya.

"Okay fine, titigil na po. What's your favor anyway?" Tanong niya.

"Bukas, if we meet again sa set. Gusto ko ganun pa rin ang turingan nating dalawa. Let's pretend that we are still not okay and comfortable with each other and as if we didn't have a conversation today. Okay lang ba iyon sayo?" Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"What? But why?" Medyo tumaas boses niya kaya na pa pikit ako at marahang inilayo ang phone sa tenga ko.

"Basta... Just say yes please. Promise after work pwede na tayong mag-usap." I said pleading.

I heared him sighed on the other line at sinabing, "fine, kung 'yan ang gusto mo. Basta after work---

"Yeah, yeah nagpromise ako hindi ba? Anyway thanks." I cut him off.

"No problem. Inaantok ka na ba? It's already midnight sorry kung napuyat tuloy kita." Saad niya.

"Medyo, no worries. I enjoy talking to you naman let's just rest for now, mahaba pa araw natin bukas." I replied.

"Okay, thanks for your time. Good night. Dream of me 'kay?" Humirit pa ang loko.

"Che! Matulog ka na nga." I said faking i'm pissed but i'm laughing out loud.

"Okay good night again." Saad niya at narinig kong tumawa rin siya sa kabilang linya.

"Good night." I said and ended the call.

Ilang segundo kong tinignan ang cp ko bago ko ito nilapag sa bed side table and I accidentaly caught my reflection on my mirror. It's been ages since I last saw my face smiling.

Nung una kong makilala at naka-usap si Paeng.

Then I frowned I can't let my guard down. Not with him, dahil mali.

Niloloko ko lang siya at niloloko ko lang sarili ko, dahil ang Shane na inakala niyang ako ay ang ate ko.

~Thanks for reading!

Leave some thoughts and vote if you like this chapter.

Love lots :-* Ciao!

The Substitute Singer✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon