First day of school

1K 5 0
                                    

First day of school. Grade 4 na ako hindi ako makapaniwala. Gumising ako ng maaga para pumasok. Unang araw ng klase. Pag dating ko ng school hinanap ko agad ang classroom ko. Hanap dito, hanap doon. Ang hirap naman mag hanap, ang daming classroom sa school namin. Pumunta ako sa pinaka dulo. Tiningnan ko ang list ng mga pangalan dun sa pinto. Finally nakita ko na name ko. pumasok na ako sa classroom ko, nakita ko ang mga bago kong kaklase, konti palang kami sa classroom, siguro naghahanap pa yung iba. Tahimik nun at tila mga anghel ang mga kasama ko, nasa isip ko na ganun lang talaga siguro sa unang araw ng pasukan.

*Bell ring*

Nag si-upuan na ang mga estudyante. Nagpa kilala sa amin ang guro.

"ako si Sir. Dennis, ang magiging guro nyo ngayong taon na ito. Ngayon magpakilala kayo isa isa".

Kinabahan ako, nahihiya akong tumayo sa harapan ng klase.

"Ms. Camille Montes" tinawag ang pangalan ko, nagulat ako at tumayo kaagad sa unahan ng klase.

"Hi Good Morning. My name is Camille Montes. I'm 9 years old turning 10. I'm not snob, I'm just really quiet. I can be your friend, If you need something just let me know", pakilala ko.

Natapos na mag pakilala ang lahat at binigyan kami ng teacher namin ng assign seats. Naku sino kaya makakatabi ko, sana mabait.

"Camille and Justin please sit on the last seat second row" sabi ng teacher.

At umupo agad ako. Nasa isip ko na bakit lalaki pa nakatabi ko. Sana mabait to. Kakausapin ko ba sya o wag ko nalang pansinin, baka sabihin suplada ako.

"excuse me, may eraser ka?" Tanong nya. Aba kinausap ako, di naman pala suplado.

"Yes, eto oh" sabay abot ng eraser.

"salamat, ako nga pala si Justin" pakilala nya.

"Ahh oo nga sabi mo nga kanina, nice to meet you" sagot ko sakanya.

"oh eto na eraser mo, salamat ulet hah, mabait ka pala, akala ko suplada ka eh" sabi nya.

"hah? ako mabait? hindi naman. walang anuman" sabi ko sakanya pagka kuha ko ng eraser.

*Bell ring* for recess

"recess na, gusto mo sabay tayo? wala pa ako masyadong kilala dito kasi bago ako sa school na to" sabi ni Justin.

"ahh sure. sige sabay tayo. talaga bago ka dito? kaya pala parang ngayon lang kita nakita" sabi ko."Tara tour kita sa bago mong school" yaya ko sakanya.

"sige" mabilis nyang sagot. Parang excited sya ahh. mabait naman pala sya. buti nalang mabait katabi ko sa classroom. Masaya syang kasama. nag enjoy ako talaga sa first day of school.

Lage kami magkasama at pareho kami nag eenjoy. Lage kami sabay mag recess at mag lunch kasi pareho kami dinadalhan ng food ng yaya namin tuwing lunch. Magka group din kami lage kahit saang activities sa school. Week after may sinabi sya saken na kinagulat ko.

"Camille simula ngayon bestfriend na tayo hah. okay ba yun?.

Hindi naman sa nagulat ako, hindi lang ako maka paniwala kasi pwede palang maging mag bestfriend ang lalake at babae, hindi ko pa alam yun nun eh.

"Oo ba, bestfriend?", sagot ko sakanya, dahil masaya naman ako pag kasama ko sya at mabait sya.

"bestfriends forever" sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Bestfriends or LoversWhere stories live. Discover now