Bestfriends

430 3 0
                                    

Naging mag bestfriend kami. Naging super close nga kami eh. Lagi kaming magkaramay at mag kasama kung san man mag punta. Pag recess lage kami nabili ng favorite namin na sampaloc. tig pipiso lang yun kaya minsan nabili kami isang plastic nun. adik talaga kami dun. Minsan pag lunch nag pupunta kami sa katabi ng school namin which is a high school kasi may grandstand dun na parang bleachers sya, umuupo kami dun habang kumakain ng ice scramble. Masaya ako pag kasama ko sya, feeling ko nga crush ko na sya eh.

"Tara na, male-late na tayo" sabi nya at hinigit nya kamay ko at tumakbo kami ng mabilis papunta sa classroom.

"buti naka abot tayo" sabi nya.

"galing mo kaya tumakbo, ang bilis mo" sabi ko sakanya.

Pagka tapos ng klase nag takbuhan muna kami sa court habang hinihintay namin sundo namin.

"taya", sabay hawak ko sa balikat nya at bigla nya ako hinabol, ang bilis nya tumakbo. bigla akong nadapa. "aww, huhu" umiyak ako.

"ok ka lang ba? sorry camille".

"nagka sugat ako lagot ako kay mommy".

"akin na ihipan ko." sabay ihip nya. "masakit pa ba?" tanong nya.

"oo eh." sagot ko.

"gusto mo pumunta tayo sa clinic?", tanong nya.

"wag na, hintayin ko nalang si yaya." sabi ko.

Dumating na yaya nya pero si yaya wala padin, huhu nasan na kaya sundo ko.

"camille hindi muna ako aalis, sabi ko kay yaya hintayin namin na dumating sundo mo, pumayag sya" sabi nya.

"talaga best? thank you hah" sabi ko. sabay yakap sakanya. Hanggang sa dumating na sundo ko.

"yaya bakit ngayon ka lang? nasugatan po ako, may band aid ka po ba dyan? wag nyo po sabihin kay mommy hah" sabi ko kay yaya.

"ano ba nangyari sayo. wag ka kasi makulit" sabi ni yaya. "oh eto band-aid. buti meron ako dito at alcohol, akina linisin muna natin yan".

"aww aww, masakit. huhu" iyak ko.

"best alis na kami, ok ka na ba dyan?" tanong ni justin.

"oo best ok na ako, salamat hah. bye, ingat kayo" sabi ko.

Kinabukasan. "best kamusta sugat mo?" tanong ni justin.

"ok na best, gasgas lang naman to eh", sagot ko.

"best maya punta tayo sa playground sa lake hah" sabi nya. "ahm sige pag lunch? baka hindi tayo payagan ni yaya" sabi ko.

"pag alis nila, kaya bilisan naten kumain. hehe", sabay tawa pa nya.

Tumawa din ako,"ikaw talaga, sige go ako dyan. hehe"

after namin kumain . . . .

"ayan best wala na sila yaya, tara na", pagyaya ni justin

"sige tara"

Pag dating namin sa lake tumakbo agad kami sa playground at nag padulas sa slide, nag siso kami, at nung napagod kami nag duyan nalang kami. Habang kasama ko sya parang gusto kong ihinto ang oras. Ewan ko ba, bata pa ako pero nararamdaman ko na to. gusto ko ba sya? hindi pwede dahil bestfriend ko sya.

"Best mukhang uulan, tara na bilisan naten at baka abutan tayo ng ulan tsaka baka ma late tayo" sabi nya.

"oh cge, tara na" kahit ayaw ko pa kasi sobrang nag eenjoy ako, feeling ko tuloy hindi manlang sya nag enjoy or ako lang nag iisip nito. hayy.

Bago kami mag uwian nag linis kami ng classroom, kasi thursday ngayon. araw ng pag lilinis ng group namin. syempre magka group kami ni Justin. favorite day ko nga ang thursday eh kasi mas matagal ko sya nakaka sama.

"Best thursday ngayon" sabi nya

"I know best, kukunin ko na yung walis", sabi ko. sya kasi ang leader ng group eh, pag dating sa pag lilinis mahigpit sya, magaling na leader yan, walang bestfriend bestfriend sakanya, pag oras ng gawa kailangan lahat gumagawa. kaya sya din ang naging class president namin sa klase.

Tapos na kami mag linis. nag punta na kami ni best sa court at nag hihintay na sundo namin dun.

"bye best, ingat ka."

Bestfriends or LoversWhere stories live. Discover now