Napunta na sa stage ng pag seselos, kahit sino mang makasama nya o nakakausap pinag seselosan ko, iniisip ko na ako nag bestfriend nya na ako lang dapat kausap nya at kasama. Alam ko naman na hindi dapat ganito nararamdaman ko eh dahil hindi ko naman sya boyfriend, mag bestfriend lang kami.
"best halika na, may assembly tayo" tinawag nya ako.
"sige best susunod nalang ako, may hinahanap pa ako sa bag ko" sagot ko.
"sure ka ba na mauna na ako?" tanong nya. "or gusto mong antayin kita?"
"hindi ok lang, mauna ka na" sabi ko.
Ayun nakita ko din, hinahanap ko kasi yung wallet ko eh, gusto ko bumili ng sampaloc para kainin namin ni Justin mamaya sa assembly, gusto ko sya ma surprise kaya pinauna ko na sya. alam ko magugustuhan nya to, pareho kaya kaming adik sa sampaloc.
Pumunta ako sa canteen para bumili. "ate sampaloc nga po, 10 lang po, paki lagay nalang po sa plastic"
"ohh eto neng"
"salamat po" at agad na akong dumiretso sa assembly namin.
Nakita kong magkasama sila ng isa naming classmate na si Lindsay, sobrang lapit nila sa isa't isa at mukhang masaya sila. Nakita ko pang nag haharutan silang dalawa. Hindi ko alam nararamdaman ko, bigla nalang ako nag selos at parang ayaw ko nalang lumapit sakanila.
Pumunta ako sa isang sulok at bigla nalang akong naiyak. Ano bang nangyayari saken? bakit ako umiiyak? nag seselos ba ako? bakit naman ako mag seselos? Ahh bahala nga sila, forget it Camille. Bestfriend lang kayo ni Justine, pilit kog sinasabi sa sarili ko.
Nakita akong umiiyak ng mga classmate ko sa sulok at pinag sabi nila. "Si Camille umiiyak" sabay sabay na sabi ng classmates ko. Lumingon si Justin at nilapitan ako.
"Best ano nangyari?, ayos ka lang ba?, bakit ka umiiyak?" tanong ni Justin.
"Wala best, inaasar kasi nila ako kaya ako umiyak, pero ok na ako, thank you" sabi ko at sabay inabot ko sakanya yung sampaloc at kinain na namin.
Nakatingin sya saken at parang nag tataka padin sya kung bakit ako umiiyak kanina. Tila hindi sya naniniwala sa sinabi kong dahilan kanina.
Pag uwi ko sa bahay napa isip ako kung ano bang katangahan yung ginawa ko kanina. dapat hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Sorry readers for short chapters, It's my first time so bare with me. I think kasi na baka ma bored kayo pag long eh. Please COMMENT and VOTE. Let me know what you like or don't like in what I am writing. Thank you. :)

YOU ARE READING
Bestfriends or Lovers
RomantizmSabi nila "Friends can be lovers, but lovers cannot be friends". Si Camille at Justin ay matalik na magkaibigan ngunit ang pag kakaibigan ba na ito ay masisira ng dahil sa nararamdaman nila o pipigilan ang kanilang nararamdaman para hindi masira ang...