Nag inom kami. Pinakamarami akong nainom. Naglabas ng yosi si Lex kaya kumuha agad ako.
"Tumigil ka nga, kababae mong tao." Panenermon sakin ni Lex. Pero sa halip na intindihin sya ayun tinawanan ko lang. Ng maubos ko na yung isang stick tumagay ulit ako bago kumuha ng panibagong stick ng yosi. 2 na agad ang kinuha ko at hindi naman yung nahalata ni Lex. Nakatingin lang samin si Joe at si Tan. Nung sinindihan ko na yung isang stick kukunin sana ni Joe kaso lumayo ako hahah.
"Inihabilin ka samin ng mga tropa mong babae tas gaganyan ganyan ka. Itigil mo nga yan. Kababae mong tao naninigarilyo ka." Panenermon sakin ni Joe. At sinangayunan naman nung dalawang mokong.
"Maalam pa kayo." Pagmamatigas ko naman sa kanila. Nung tatagay na ulit ako namura na naman ako nung 3 dahil nakakarami na daw ako. Namumula na yung mukha ko at medyo umiikot na din ang tingin ko. Di pa ubos yung isang bote itinapon na ni Lex sa dagat ang bote para di na ako makainom. Kukuha sana ako ng isa pang stick ng yosi ng biglang nakipagagawan sakin si Lex sa yosi. May nakuha akong isa kaya wala syang nagawa ang itinago nya na lang ay yung lighter. Sumimangot naman ako.
"Nakakadami ka na sa alak pati sa yosi. Tama na." Sabi naman ni Lex. Ako lang ang babae sa aming 4. Dumating naman sina Dave na barkada naman nila. Humingi ng Yosi kay Lex si Dave kaya binigyan nito at pinahiram ng lighter at akong si mautak. Hiniram ko yung yosi ni dave para dun magsindi. Kaya lalong nagalit sakin si Lex dahil nakadaya na naman ako. Nung nagaya na akong umuwi ay hindi kami makauwi dahil walang magdadrive. Nakahiga si Joe sa labas ng tricycle tapos kami ni Lex nasa loob ng tricycle nakaupo. Tapos si Tan naman ay nakatayo sa labas ng tricycle habang kinakausap kami ni Lex. Ng mahimasmasan kami ng kaunti ay umalis na din kami agad. Pagdating ko sa mga ninang ko amoy alak pa ako. Naamoy ako ng isa sa mga tito ko na medyo kaedadin ko.
"Naginom ka?" Tanong nya sa akin.
"Ha? Bakit?" Kinakabahang tanong ko naman.
"Amoy pag nagsasalita ka e." Sabi nya sakin.
"Ah, oo. Kasama ko sina Joe."
"Ah." Akala ko magagalit sya pero hindi. Ipinagpaalam nya ako sa tita ko na uuwi muna ako dahil tinatamad ako duon kaya pumayag ang tita ko.
Pagkauwi ko. Humiga agad ako dahil medyo lula pa ako. Walang tao ni isa sa amin.
"Hayss." Bago nakatulog ako.
YOU ARE READING
BestFRIEND
RandomSi Regine ay nagiisang anak ni Lin. Broken family sila. Ang kinamulatan ni Regine ay patay ang kaniyang ama ngunit nalaman nya sa kaniyang tita na may iba palang pamolya ang kaniyang ama. Nang dahil sa pangyayari iyon ay nagrebelde sya. Nawala sya h...