Regine's POV
Hi, I'm Regine Angelica Alcaraz. 15 years of age. From Batangas. Hindi ako maganda, hindi ako sexy, hindi ako maputi, hindi ako katulad ng ibang babae na lahat ng lalaki naakit dahil sa sobrang ganda, sexy, kinis ng balat at sa puti ng kutis nila. Ako kasi yung babaeng baduy kung manamit. Hindi marunong pumili ng babagay sakin. Simula kinder ako nasa honor na ako. Kinder 1st honor ako pero paglipat ko sa probinsya namin umikot ang honor ko sa 7,8,9,10. Nahirapan ako sa mga naging kaklase ko e. Hanggang grade 5 may honor ako. Ang mama ko ay nasa italy para magtrabaho kaya ang nag aalaga sakin ay ang tita at lola ko. Okay enough na sa kadaldalan.
"Angel, gising na. 5 na" sabi sakin ng lola ko ng gisingin nya ako ng 5 am. Hindi agad ako bumangon dahil sobrang inaantok pa talaga ako. Pagkatapos ng 5 minuto bumalik ang lola ko.
"Angel, malelate ka. Gising na. Handa na ang pagkain mo." Wala na kong nagawa kaya tumayo na ako at niligpit ko ang higaan ko.
Umupo na ako sa harap ng pagkain ko at kumain, nakaupo naman sa tabi ko ang lola ko. Tahimik lang akong kumakain habang ang lola ko ay nagkakape."La, ayaw ko na." Tsaka dinala ko ang pinggan ko sa lababo. Dumiretso ako sa kwarto ko para ihanda ang uniform ko. First day of school. First day din ng pagiging highschool ko. Ng maayos ko na ay nagpunta na ako sa cr para maligo. Sobrang lamig ng tubig pero tinitiis ko. Ng matapos na ako maligo bumalik na ako sa kwarto ko para magbihis. 6 ng tinawagan na ulit ako ng lola ko.
"Angel, nandine na ang service mo."
"Opo, lalabas na po ako." Sagot ko sa lola ko. Kinuha ko ang baon kong kanin at nilagay sa bag tsaka lumabas ng bahay.
"La, una na po ako." Pagpapaalam ko sa kaniya. Hindi naman kasi kami mayaman. May kaya lang.
"Oh, eto ang baon mo. Ay iintindihin ang pag-aaral ha." Paalala ng lola ko sakin.
"Opo." Tsaka ako umalis. Habang nasa daan kinakabahan ako dahil panibagong mga kaklase na naman ang makikilala ko. Umalis na yung girl bestfriend ko kaya wala akong kasama ngayon. Pagdating ko sa room ko ay may nakita akong kakilala. Tinawag nya ako.
"Regine, dito ka."
Ngumiti ako tsaka lumapit sa kaniya."Kamusta na Regine?"
"Okay naman. Ikaw?"
"Ayos lang naman din."
Sya si Reyn, naging kaklase ko sya ng isang beses nung elementary kami. Naging kaibigan ko din sya noon. Tuwing first day ng school kinakabahan ako. Ayaw ko kasi talaga ng introduce yourself portion.Lumipas ang mga araw at nagkaroon ako ng bagong barkada. Si Pamela, Reyn, Angela, Ashi. Palagi kaming magkakasama. Nagdadala kami ng gadgets sa school kahit bawal. Kinonfiscate ng advisers ang phone ng bawat estudyante. 2 ang dala ko. Ang isa ay yung sira at ang isa ay ang ginagamit ko. Dinala ko din yung tablet ko nung araw na yun. Ibinigay ko sa teacher namin yung sira kong phone pero nakasipit sa palda ko yung phone ko na gumagana. Habang nagdidiscuss ang teacher namin sa math nakaheadset ako tapos nagbabasa ako ng story sa wattpad gamit ang tablet ko tapos yung mga barkada ko naman nakaheadset din ang phone naman nila ang gamit nila. May isa naman samin na nakikinig para kung sakaling isa samin ang tawagin ay may maiisagot kami pero bigla na lang nawala sa pagkakahawak ko ang tablet ko.
"Anak ng- mam, hehe. Bakit po?"
"Naggagadget sa oras ng klase? May pinapasagutan ako."
"Sabi ko nga po mam magsasagot na po." Tsaka ko kinuha ang notebook ko at nagsulat.
YOU ARE READING
BestFRIEND
DiversosSi Regine ay nagiisang anak ni Lin. Broken family sila. Ang kinamulatan ni Regine ay patay ang kaniyang ama ngunit nalaman nya sa kaniyang tita na may iba palang pamolya ang kaniyang ama. Nang dahil sa pangyayari iyon ay nagrebelde sya. Nawala sya h...