TNPI 16: Hara Amihan
Masayang naghahanda ang lahat para sa kuronasyon ng bagong Reyna mamayang gabi,masayang masaya si Amihan pagkat siya ang nagwagi ngunit may kaba siyang nararamdaman
"Hara Amihan!"napatingin naman si Amihan sa kanyang likuran kung sino ang tumawag sa kanya walang iba kundi ang kanyang bunsong kapatid na si Sangre Danaya
"Hara Amihan..kay sarap pakinggan Danaya"masayang tugun ni Amihan
"Na nararapat sayo aking,ideya"turan ni Danaya
"Ngunit,may bumabagabag saakin..Danaya?"
"Ano iyong..Hara?"tanong ni Danaya,naglakad naman si Amihan patungo sa azotea
"Si Pirena....batid kung kinamumuhian niya ako!"may halong lungkot sa boses ng bagong Hara
"Wala ka dapat ipag-alala...Hara,balang araw..matatanggap niya rin,na hindi siya ang itinakdang maging Reyna at ikaw yun...ikaw ang karapatdapat!"naka-ngiting turan ng Sangre sa Hara
"Baka....hindi ko kayang protektahan ang aking nasasakopan!"nag-aalalang turan ni Amihan,umiling naman si Danaya
"Amihan!....matalino ka,may pusong isang Reyna at gaya ka rin ng ating ina at ng iyong ama!...matapang at malakas!"pagpapalakas loob ni Danaya,napa-ngiti naman si Amihan sa tinuran ng kanyang kapatid ngunit na pawi rin ito..nag taka naman si Danaya
"Tila...malungkot kang muli,Hara?"tanong ni Danaya
"Pagkat may bumabagabag parin saakin"saad ng Hara
"Ano?"tanong muli ni Danaya
"Hindi ano,sino?"pagtatama ni Amihan,napakunot noo naman si Danaya sa tinuran ni Amihan
"Hindi kita maunawaan,Amihan"saad ni Danaya
"Si Ybarro"turan ni Amihan
"Si Ybarro?....hindi bat,siya ang iyong ini-ibig?"tanong muli ni Danaya
"Oo Danaya...at kami na!"sabi ni Amihan
"Ibig mong sabihin....kayo ay mag i-rog na?"tanong ni Danaya,tumango naman si Amihan bilang sagot,hindi naman maka paniwala si Danaya sa kanyang nalaman
"Batid mo Amihan,na hindi maaaring may kabiyak ang Reyna...pagkat ito ay sagabal lamang hindi ba....alam mo iyan dahil pinag aralan mo ang mga batas dito!"sabi ni Danaya,hindi naman mapigilan ni Amihan ang umiyak,kaya niyakap na lamang ito ni Danaya
"Ngunit....hindi ko kayang mawalay o mawala siya saakin,Danaya!"umiiyak na saad ni Amihan
"Tatagan mo ang iyong,loob Amihan...malalampasan mo ang pagsubok na ito!"turan ni Danaya,habang sila ay magkayakap ay dumating naman ang punong dama na si Ades
"Mahal na Reyna,Mahal na Sangre"masayang bati ni Ades,mabilis naman pinahid ni Amihan ang kanyang luha
"Ades"turan ni Danaya
"Bakit Ades?"tanong ni Amihan
"Hara Amihan,nasa iyong silid na ang iyong kasuotan mamayang gabi,pati rin sa iyo Sangre Danaya"saad ni Ades
BINABASA MO ANG
Encantadia:Tunay na Pag-ibig
Fanfictionavisala KyRus and YbraMihans nais ko kayong imbetahan na basahin ang ka unang-una kung istorya na ginawa..agape ave kung hindi masyadong maganda pagkat hindi ako bihasa gumawa ng mga istorya...sana inyo magustuhan ginawa ko ito dahil sumusuporta ako...