Hi :) sana subaybayan nyo padin itong story kooooo .. yun lang .. simula ngayon lagi na tayong third person huh? game
'''''''''''''''''''''''
"nakikita mo sya manang?" nagtatakang tanong ni jane kay manang . ngunit tumawa lang ito ng bahagya
"oo anak , dati ko pa sya nakikita simula nung inutusan kitang bumili ng mantika . nagmaang-maangan ako na hindi ko sya nakikita dahil nung una ay ayaw ko sakanya . dahil baka gawin nya din saiyo ang ginawa nung lapastangan na dati kong nobyo . pero habang tumatagal ay napatunayan ko na hindi sya masamang nilalang kaya pumapayag na ako . nawa'y mahalin mo ng lubusan si jane anak" mahabang speech ni manang
"e teka manang ? eh paano mo syang nakikita ? may third eye kadin po ba? tsaka sino yun sinasabi mong lapastangan?" sunod sunod na tanong ni jane
"kagaya mo ay mayroon din akong third eye . ngunit hindi kagaya ng sayo . ang third eye mo kasi ay masyado pang mahina kung ikukumpara mo sakin . kaya ang maaari mo lamang makita ay ang mga normal na multo hindi kagaya ko na ibat ibang klase nito . mayroon akong naging nobyo at ang pangalan nito ay ricardo . nakilala ko sya nuong dalagita pa ako . minahal ko sya nang lubusan ngunit dumating ang araw na iniwan nya ako ng ganun ganun nalang kaya wala na akong nagawa kung hindi umiyak ng umiyak" pagpapaliwanag nito na parang nakamove-on na talaga siya
"ayy ganun po ba manang sige ho mauna na kami" sabi nito at tuluyan ng umalis
FAST FORWARD
nakauwi na ng bahay ang magkasintahan at ngayo'y nag naagyos para puntahan ang sinasabing albularyo .
" jane natatakot ako" sabi ni crey kay jane
"bakit ka naman matatakot?" tanong naman nito
"ewan ko basta natatakot ako . taa na nga!" sabi nito at hila sakanya palabas
papasok na sila sa loob ng bahay ng albularyo ng magsalita ito
" natagpuan mo na ang magiging kabiyak ng iyong puso habang buhay" sabi ng matanda na ikinagulat ng dalawa "ano ang dahilan at kayo'y naparito?" tanong ng matanda
"nais lamang po naman na magtanong ng iilang weird na nangyayari" magalang na sabi ni jane at huminga ng malalim " nay , bakit po lagi sumasakit ang ulo ni crey?" tanonv nito
"ito ay may dalwang kadahilanan lamang . maaaring malapit na dumating ang paghuhukom kung saan mapupunta ang iyong kaluluwa . maaaring sa langit at maaari ding sa impyerno at ang ikalawa naman ay maaring bumabalik na ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan" pagpapaliwanag nito
"kung ganuon ay maaring buhay pa pala ang katawan ko? at maari ko na ding mayakap si jane na may katawan?" masayang tanong ni crey at agad na tumango ang matanda
"kung sakali poba na bumalik na ang kaluluwa ni crey sa katawan nya ay hindi na nya ako maaalala?" confuse na tanong ng dalaga
"maaaring oo at maaari ding hindi . ngunit naniniwala ako na kahit sino pa ang dumating sa buhay mo o kahit mabura pa ang mga nasa isip mo ay iisa lamang ang tinitibok ng puso mo" nakangiting sagot ng matanda
"maraming salamat po " sabay na sabi ng dalwa at umalis na
BINABASA MO ANG
Chasing Fate
Teen FictionMakakalimutan na ang nakaraan o ibabalik ni tadhana para muling magmahalan 😂😍