El Mural (One-Shot)

39 9 16
                                    

Dedicated to Nanang! No other than Serialsleeper dahil s'ya ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para magsulat yieee. *sabog plorwaks* lab lab kita Nang *insert multiple heart*

********

"I hear the ticking of the clock, I'm lying here the room's pitch dark

I wonder where you are tonight, no answer on the telephone.

Kinuha ko ang cellphone ko upang tingnan kung anong oras na. Pasado alas-otso na pala ng gabi. Nasaan na ba kasi si Jella? Tsk.

And the night goes by so very slow, Oh I hope that it won't end though

Alone..."

Pinatay ko na ang music at sinimulang magligpit ng gamit. Habang nagliligpit 'di ko maiwasang isipin ang mga nangyari sa akin this past few years. Hindi madaling maging kilala sa larangan ng arts, kaya ganoon na lamang ang aking pasasalamat dahil 'di nagtagal may nakadiskubre sa aking talento.

"Hey Ash. Sorry ngayon lang ako. Kinausap ko pa kasi si Angelo tungkol sa kaso ng kapatid ko."

Di ko napansing narito na pala si Jella. Mukhang hingal na hingal s'ya. Dapat lang anong oras na kaya. Halos isang oras na s'yang nawawala. Tsk.

"It's ok I understand. Tapos na rin naman ako sa pagl-layout ng design eh." Sabay ngiti sa kanya.

"Btw, yung paint pala nabili mo na?"

"Gosh I'm so sorry Ash nakalimutan ko! Sabi ko na may nakalimutan ako eh. Sorry talaga huhu"

"Nako Jella sige na nga, at dahil di ka masyadong tumulong today, tulungan mo na lang ako sa pagkulay nitong Mural tomorrow ok? Saka alam mo naman yung client natin, atat ng makita ang finished product hahaha"

"Hahaha ok, ok I will. Pero di ka man lang ba nagtataka kung bakit sa lahat pa ng design yan pa napili ng client natin." Sabay kuha ng mga basahan at paint brush.

"Hayaan mo na s'ya. Gusto ata n'ya ganyang mga trip eh hahaha"

Mula sa peripheral vision ko napansin kong may kung anong maliit na bagay ang bumagsak mula sa bulsa ni Jella. Kaya tiningnan ko ito. Isa itong name plate na may nakalagay na pangalang Endrew Flores.

Tila ba naguluhan ako ng mabasa ang pangalang naroon. Napansin ko ring napatigil si Jella sa kanyang ginagawa.

"Ah Jella, mukhang may nalaglag ka ata."

Di umimik si Jella at nanatiling nakatayo sa gilid.

"Jel?" Isa ko pang tawag pero bungisngis lamang ang narinig ko.

"Ano nga ulit yun Ashley? Sorry may iniisip lang ako." Habang patuloy pa rin sa paghagikhik.

Sa pagkakataong iyon agad na pumalo ang matinding kaba sa buong sistema ko. Boyfriend ko si Endrew at namatay s'ya 2 years ago dahil sa sinabing nagsuicide s'ya. All of us naniniwalang hindi iyon suicide dahil ng matagpuan si Endrew na patay, nandoon ang kapatid n'yang si Jamie.. Si Jamie Jella Flores. Tsk. Bat ang tanga ko?!

Agad napako ang tingin ko sa kanya ng bigla na lamang s'yang kumuha ng kahoy at saka ipinukpok sa ulo ko.

Agad akong nanghina sa nangyari at agad akong napabagsak sa semento.

"Ta..tama na Jamie. W-wa...la akong kasalanan sayo!" Habang hawak hawak ang ulo kong parang matatanggal na sa sobrang sakit.

"Tumahimik kang babae ka!" Agad n'yang hinugot ang aking buhok at hinawakan ako sa panga.

El Mural | One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon