Kakanta kanta pa akong nag rereview , Nakasalampak ako sa sahig .Nakapatong yung mga libro ko sa sofa .Ganito ako mag aral.
Biglang may ingay akong narinig .
Umuulan –
Habang tumatagal lalong lumalakas ang ulan .
Nag ring ang cellphone ko , sinagot ko iyon.
Janice ?
Hindi ako uuwi , malakas ang ulan . Iinom nalang kami .
Alam ko ang tinutukoy nitong iinuman yung isang bar na malapit sa school.
Sino ang kasama ------
Di ko pa man naitatanong yung gusto kong itanong pinatay na nya hmp !
! ( x__x)
Sige , wag kang umuwi ! bahala ka dyan gumapang sa kalasingan napaka Pasawaymo!!
Nag aral a lang ako , pag sinabi nitong di sya uuwi di talaga ito uuwi.
10 pm –
Inaayos ko na ang mga gamit ko pabalik sa bag ko .
Matutulog na ako . Wala naman akong hilig manood.
Binukas ko yung kwarto ni Janice ,
Tutal di sya uuwi dito muna ako sa mala pang prinsesa nyang kwarto.
Nangingibabaw ang kulay purple sa kwarto nya . Favorite color
Inilagay ko sa side table ang bag ko , nakita ko yung picture ni Janice at blake sa side table.
Ang gwapo nya talaga ..
Tinakpag ko ang mukha ni Janice tyaka ko hinalikan
Blake i love ----
Naputol ang pag de day - dream ko ng may kumakatok sa pintuan !
Akala ko di sya uuwi ????
Dali dali kong nilapag ng maayos ang larawan , kinuha ko ulit yung mga gamit ko .
Naman baka mahuli nya kong pumapasok sa kwarto nya magagalit yun !
Lasing na siguro ito at nagawa pang kumatok . May sarili naming susi .
Inihagis ko ng bahagYa ang bag ko sa sofa , tyaka ako tumungo sa pintuan.
BLAKE ???
Gulat kong bulalas .