Almost One week na simula ng may mangyari samin ni Blake .
Hindi na din kami muling nagkita.
Wala man lang syang sinabi na kahit ano , Sorry nga wala .
Pinipilit kong matulog ngayon , alas dose na ng madaling araw , tuwing ipipikit ko yung mga mata ko naalala ko yung mga oras na pinagsaluhan namin isang linggo na ang nakakalipas.
Nawala ang iniingatan kong virginity , Biglaan , pero totoo naman na ginusto ko .
Mas nakasama pa yata kase mas minamahal ko sya.
FLASHBACK ******
Nang imulat ko ng umagang iyon yung mga mata ko , kahit masakit ang katawan ko pinilit kong maupo ng makita ko si Blake na abala sa pagbibihis.
Wala akong mahanap na salita para kausapin sya ,
Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Gising ka na pala , sabi nya.
Oo , aalis ka na ?
Tumango lang sya bilang sagot . Nakagat ko ang pang ibabang labi ko pakiramdam ko kase naging isang babaeng taga aliw lamang ako , wala akong mabakas na emosyon sa pananalita nya. Wala rin syang balak pag usapan , hindi man lang sya lumingon sakin .
Nahiga na ako muli , hanggang makaalis sya.
Buong oras akong umiyak hanggang makatulog ako ulit .
********
Namulat ako sa ala alang yon , doon ko napansin na may luha na pala na umalpas saking magkabilang pisngi .
Masyado na yata kong nagiging tanga ,
Sinayang ko na nga yung virginity ko , Minamahal ko padin yung walang kwentang lalaking yon !!
Masama pa nagkabalikan sila ni Janice, at akong luka luka sa kaybigan ko pa ako galit kesa sa lalaking iyon na sinaktan ako .
Isa lang ang nasa isip ko maghihiganti ako .
Sa lalaking yon , alam ko na sarap na sarap sya ng gabing yon dahil hindi lang isang beses may nangyari samin ng araw na yon .Tatlong beses nya kong ginalaw ,
Simula ng may mangyari sa amin , hinahanap hanap ko na .
Matatamis nyang halik , mga hawak ng matitipuno nyang braso at ang pinaka masarap naming pag iisa.
Sa tuwing maalala ko yun i cant help myself !
Ganito ba talaga ? Obsessed .
MAGKIKITA TAYO ULIT BLAKE , at sa araw na yon gugustuhin mo ko at ikaw naman ang makaramdam ng obsession sakin .
![](https://img.wattpad.com/cover/8174859-288-k516692.jpg)