Prologue

54 10 13
                                    


(R-18)

EDITED VERSION!

SDS Series no. 3
Ilan Gilford Cervantes's Story

Storyline by: Provokersss
Published by: niina_chan
Book Cover by: LunaticAllyLeny
All Rights Reserved
2017

Note:

This story contains matured scenes and lines. This is a work of fiction. Any names, persons (dead or alive), events, scenarios, etc. are only from the product of the author's mind.

Strictly no COPY PASTE and PLAGIARISM specially without the author's permission.

                               ~●~
"Mga inutil!.. Mga bopols!"

Nangigigil na inihagis ng matandang lalaki ang baso ng alak na kanyang iniinom. Tumama ito sa malaking orasan na naka tayo malapit sa bintana.

Nagkalat ang bubog sa sahig at ang mamahaling alak ay nagmantsa sa pulang carpet na naka latag sa sahig.

"Mga tatanga-tanga!" Marahas itong tumayo at padabog na inihampas ang magkabilang kamay sa lamesa.

"Nag-iisa lang papatayin nyo hindi nyo pa napatay! Napaka dami nyo pero naisahan lang kayo at natakasan ng hayop na yun?! Mga inutil!!"

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng apat na sulok ng opisina ng matandang lalaki.

Napa singhap ang isa sa nakikinig sa sermon ng huli nang walang malay na bumagsak ang kanyang katabi sa sahig. Palihim nya itong sinipat at napa lunok nang masulyapan ang hindi kumukurap nitong mata at ang butas nitong noo na may tumutulong dugo.

Napa kuyom sya sa kamao at muling ibinalik ang tingin sa nagaamok na amo, hindi ipinahalata ang takot na naramdaman.

Gamit ang mata, ay isa-isa nyang sinulyapan ang ibang kasamahan. Halata din sa mga mukha ng mga ito ang takot.

"I'll give you one week.. One fucking week!! Bring that guy to me, dead or alive"

Napa iktad sya nang magulat sa paglagapak ng isang enveloped sa lamesa ng matanda. Nabuksan ito sa pagkaka bagsak at nagkalat ang mga laman, mga lilibuhing papel na naka tali sa lastiko.

"Ayoko na ng palpak. Alam nyo na ang mangyayari oras na sumabit ulit kayo"

Iika-ikang naglakad ang matanda palapit sa kanya. Ang bawat paghakbang ng kaliwang bakal na paa nito ay lumilikha ng matinis na tunog sa tahimik na silid ng opisina.

Muling napa lunok ang lalaki nang dahan-dahang inilapit ng matanda ang mukha nito sa kanyang tenga at bumulong dito.

"Give me his head, then I'll give you my mercy" anito bago dumaretso muli ng tayo at tumalikod. Muli itong naglakad at dumeretso sa pintuan.

Muling napa kuyom ng kamao ang lalaki nang maka labas ang matanda sa loob ng opisina.

"Eto ang mga bagong litrato ng inutusan ng Don. Alam na nila kung saan sya ulit nagtatago" nilingon nya ang isa sa kasamahan.

Inabot nito ang hawak na enveloped ng kasamahan. Agad nya itong binuksan at inilabas ang mga laman, ibat-ibang litrato ng lugar at ng iisang tao.

Napa tiim ng bagang ang lalake nang mapag masdan ang litrato ng lalakeng naka talikod.

Naka hubad ito at naka lantad ang tato sa likuran. Masinsinan nyang tinitigan ang tato ng lalaki.

Hindi nya makakalimutan ang tatong iyon dahil iyon ang tato na huli nyang nakita nung mga oras na malapit na sya sa bingit ng kamatayan.

Hindi sya papayag na mamamatay sya nang hindi nakaka ganti dito. Sisiguraduhin nya. Uunahan nya ito bago pa man sya mamatay.

-------------

Thanks for reading.

His Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon