~●~
"STAG party?"
"Yes"
Napa iling si Livia.
"Ms. L.. Akala ko po ba doon kami mag-p-perform sa stage?" Tanong nito.
"Wala akong binanggit na sa stage kayo mag-p-perform"
"Pero--"
"No buts!" hinampas nito ang kaharap na table gamit ang magkabilang kamay.
"Huwag na huwag nyo ako ipapahiya sa kliyente ko. Lalo ka na Livia.." ani Ms. L
Tinitigan pa sila nito ng masama bago naglakad palabas ng office.
"Ugh!tanginang matandang bakla yun! Kung hindi ko lang sya amo. Nasakal ko na sya ng choker!" Inis na sabi ni Livia.
"Pa'no yan?"
"Akong bahala" lumapit sa kanya ang kaibigan at hinawakan sa magkabilang kamay.
"Sasayaw lang tayo, Ei.. Remember this. No skin contacts. Kapag nararamdaman mong binabastos ka na ng ibang customer, magsabi ka sa akin"
"O-ok" tinanguhan nya ito.
Ramdam ni Eina ang pagdagundong ng kanyang dibdib. Para syang tatakasan ng malay sa sobrang kaba. Wala pa nga sila sa kwarto ng pagdadausan ng stag party ay parang gusto na nyang mahimatay sa kaba.
Ganun nga siguro talaga ang pakiramdam ng first timer sa ganoong uri ng trabaho.
"Good. Halika na. Nasa third floor ang ating mga customers, sa room 030"
Napa kagat ng labi si Eina. Parang gusto nya biglang umatras.
Pagdating nila sa third floor ay hinanap nila ang room 030 at pagpasok nila ay nadatnan nila ang tatlo pang babae na mga naka maskara, kaparehas ng mga ito ang mga suot nilang makikintab na two piece. Mukha sila ang magiging kasama nila sa pag entertain ng mga bisita.
"Kayo na ba sina Livia at Eina?" Tanong ng naka pulang maskara. Parang sya ang leader ng dalawa pang dancer na nandoon.
"Oo" sagot ng kanyang kaibigan.
"Ako nga pala si Merced. At ang dalawang kasama ko ay sila Cath at Macy. Kami ang makakasama nyo sa trabahong ito"
"H-hi! Ako si Livia. Tapos ito naman ang kaibigan ko na si Eina" pagpapakilala ng kanyang kaibigan sa kanilang dalawa.
"Kilala kita" seryosong sabi ng babae. Ang tinutukoy nito ay ang kanyang kaibigan.
"... Good" si Livia. Bahagya pang taas ang dalawang kilay nito.
"Isuot nyo ang mga maskarang ito" inabot nito sa kanila ang dalawang maskara na may mga magagarbong dekorasyon.
"Nasa rules na bawal nating ipakita ang ating mga mukha sa mga customers sa tuwing tayo ay magsasagawa ng isang stag party. Kaya isuot nyo na ang mga yan bago pa dumating ang mga customers" anito ng seryoso bago bumalik sa kaninang pwesto.
Kaagad nilang isinuot ang ibinigay na maskara sa kanila.
Muling huminga ng malalim si Eina. Eto na talaga. Wala nang atrasan.
Napa tingin sya sa malaking salamin na nasa gilid. Halos hindi na nya makilala ang kanyang sarili. Halos kita na ang mga naka tagong parte ng kanyang katawan.
Patawarin sana sya ng kanyang ama.
Inilibot pa nya ang kanyang paningin sa kabuuan ng malawak na kwarto.
BINABASA MO ANG
His Secret Identity
Misteri / ThrillerIlan Gilford Cervantes's Story Storyline by: Provokersss Publish by: niina_chan All Rights Reserved 2017