Chapter1

35 7 2
                                    

~●~

I'M so excited!" Pumapalakpak na sabi ni Livia, ang matalik na kaibigan ni Eina.

Sinulyapan nya ito saglit at naiiling na ibinalik ang tingin sa maliwanag na gusaling iyon sa kanilang harapan. Napapalibutan ito ng iba't-ibang kulay ng ilaw na animo ay sumasabay sa ritmo ng tugtugin. Pinasadahan nya ng tingin ang maliwanag na karatula na naka lagay sa itaas ng gusali.

Club Forty six

Napa lunok sya sa kaba nang marinig bigla ang malakas na hiyawan sa bungad ng pintuan.

Anak ng patis! Hindi nya akalaing aabot sya sa ganitong sitwasyon.

Kung hindi lang sya nangangailangan ay hinding-hindi sya papasok sa sitwasyong ito.

"Halika na Ei! Baka hinihintay na tayo ni Ms. L!" Sabik na sabi ng kanyang kaibigan bago sya hinila papasok sa loob ng bar.

Lalong lumakas ang kanyang kaba nang tumungtong ang kanyang nanlalamig na mga paa sa maingay na loob ng bar.

Halos mabangga pa sya ng ibang nagsasayaw nang muli syang hilahin ni Livia papunta sa pinaka dulong pwesto

Napa ngiwi sya nang ma realized kung saan sya dinala ni Livia, sa isang maliit na stage.

Napapalibutan ito ng mga lasing na lalaki na nagtatawanan habang nagpapasabog ng lilibuhing pera sa ere at may mga babaeng halos labas na ang kaluluwa sa mga kakapurat na suot na damit. Hindi nya alam kung damit pa bang maituturing ang suot ng mga ito.

Hindi ba sila nilalamig sa mga suot nila. Samantalang sya ay balot na balot na sa suot na loong sleeve at maong pants, eh nakakaramdam na sya ng ginaw sa lakas ng aircon.

"Ohw! Finally! You're here!" Isang matinis na boses ng lalaki ang kanyang narinig mula sa likuran.

Nilingon nya ito at halos matawa sya nang makita ang itsura ng may ari ng boses.

Kahit medyo may pagka dim ang ilaw ay kitang-kita nya ang makapal na make up nito, parang neon color ang mga kolorete nito sa buong mukha lalo na ang kulay orange nitong lipsticks. Sobrang hahaba din ng mga pilik mata nito, animo ay pamaypay na gumagalaw ng mabilis sa talukap ng mga mata nito. Naka suot pa ito ng maikling wig na kulay green. Para itong pinasmang payaso sa itsura nito.

Napaka colorful nya hah.. Ani nya sa kanyang isipan.

"Sya na ba yung sinasabi mo sa akin, Livia?" Matinis nitong sabi bago lumapit sa kanya at hinagod ng tingin ang kanyang kabuuan mula ulo hanggang paa.

Bumaba ang tingin nya sa suot nitong noen pink na hanging sleeveless at sa skinny jean na kulay itim. Muli syang napa ngiwi. Ang laki ng biceps nito pero ang lakas ng loob na magsuot ng ganun.

Pakapalan na lang siguro talaga ng mukha kapag nasa loob ka talaga ng bar. Wala naman kasing may pakialam sa'yo kahit maghubo't hubad ka habang sumasayaw.

"Opo Ms. L!.. Sya si Eina Gonzales, best friend ko" ani Livia habang mula sa kanyang likuran ay naka hawak pa sa kanyang magkabilang balikat.

Halata sa boses ng kanyang kaibigan ang labis na excitement.

"Ei, sya si Ms. L. Sya ang manager ng club na'to" bulong ng kanyang kaibigan sa kanyang kaliwang tenga bago kumalas ng hawak sa kanyang magkabilang balikat.

Muli nyang ibinalik ang tingin sa kaharap na Payaso.

Kung ganun, ito pala yung kinekwento sa kanya ng kanyang kaibigan na pwedeng tumulong sa kanila na kumita ng napaka laking pera sa isang gabi lamang.

His Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon