Look After You

2K 118 56
                                    

Written by: Ninzwood

Prompt by: yellie_1927

-

"What the heck!" Sigaw ni Maymay, ngunit napatakip siya ng kanyang bibig nang makitang nakatingin na sa kanya ang mga tao sa  restaurant. Inayos niya ang ang kanyang cap at shades,na nagsisilbing disguise niya sa araw na iyon. Hindi pwedeng may makakilala sa kanya kasi paniguradong pagkakagulohan na naman siya. Hindi pwedeng mabulilyaso siya sa pagsunod kay Edward at sa babae nito.

"Aba.. iba din..iba din ang babaeng ito,paraparaan eh." Bulong niya sa sarili.

Nakita niya kasing ipinatong nito ang kamay sa kamay ni Edward na nasa ibabaw ng mesa. Napansin niya ang pag iwas ni Edward sa kamay ng babae.

"Buti nga sayo.."

Maya maya nakita niyang nasa kanya na ang direksyon ng mga mata ni Edward kaya dali dali niyang kinuha ang menu board at itinakip sa sariling mukha. Hindi pwedeng makita siya nito. Hindi pwedeng malaman nito na sinusundan niya ito. Edward is also disguising, naka cap din ito at naka shades pero nagtataka siya kung bakit hindi man lang ito nakikilala ng mga tao. Inilibot niya ang paningin sa sa mga taong kumakain pero wala kina Edward ang mga atensyon ng mga ito. Kaya siguro walang nakapansin na kasama nila sa restaurant na ito ang isang Edward John Barber, isang napakahusay na actor at Ka loveteam niya, Oo. loveteam niya pero nakikipag date sa iba at Oo hindi siya nagseselos. Sinusundan lang talaga niya ito dahil... trip lang niya.

Napapitlag siya nang biglang nag vibrate ang phone niya. Lumaki ang mata niya nang makitang si Edward ang tumatawag. Hindi niya ito sinagot. Dumako ulit ang paningin niya sa dalawang nag dadate pero napamura siya nang makita si Edward na nakatingin sa kanya hawak hawak ang cellphone sa kaliwang teynga nito at naka kunot ang noo. Tinakpan niya ulit ang mukha.

"Wala na. bistado na ako.." bulong niya sa sarili.

"Maam..may i take your order?" tanong ng waiter na di niya namalayan na kanina pa pala ito nakatayo sa tabi niya at hinihintay ang kanyang order. Nginitian niya ito.

"I'm waiting for someone.. later nalang please?" malambing na sagot niya sa waiter. Tumango lang ang waiter at umalis. Nag vibrate ulit ang phone niya. Si Edward ang nag text.

'WHERE ARE YOU?' Text nito. Hindi niya ito nireplyan. Ibinalik niya ang phone sa bag at muling tiningnan ang dalawa. Napasimangot siya nang makitang nagtatawan na ang mga ito. Naka focus na ngayon ang atensyon ni Edward sa babae. Bigla siyang nanghina. Ano nga ba ang ginagawa niya? Nahihibang na ba talaga siya? Bakit magsasayang siya ng oras sa mga ito? She took a deep breathe and force to stand even if her knees is getting weak. She suddenly felt the pain in her chest and she doesn't know what's that for. Is she hurt? Why? There's nothing going on with her and Edward and she must accept the fact that Edward has his own life and he needs to be happy too even with.... someone else.
Tumayo siya at paalis na sana nang may biglang bumangga sa kanya. Nalaglag tuloy ang shades na suot niya.

"Ms. Marydale?!" Bulalas ng babaeng nakabangga sa kanya.Nakatakip ang kamay nito sa sariling bibig. Shock na shock sa nakita.

Dali dali niyang pinulot ang shades na nahulog at agad na isinuot.

"Ohmygod!!! pa selfie po!"

"Hindi.. Nagkakamali ka, kamukha ko lang iyon.Bye.."

At tumakbo na siya palabas. Pero nagkakagulo na ang mga tao dahil sa sigaw ng babae. Buti nalang nakita siya agad ng kanyang driver at pinapasok siya sa loob ng kotse.

"Okay ka lang Ma'am?" tanong ni Mang Andres nang nasa loob na siya ng kotse.

"Opo." mahinang sagot niya.

MES: TwentyWhere stories live. Discover now