Written by: RedbutterflyJasmine
Prompt by: DePoitiers
-
"Part-time wife mo lang naman ako Edward. Kung bakit kasi ang bait-bait mo at ang guwapo mo talaga. Ayan, pinaasa ko din talaga ang sarili ko na magugustuhan mo ako."
Paulit-ulit ko na nasasabi sa sarili ko yon na tamad na tamad sa pagliligpit ng mga gamit ko.
Iniikot ko ang paningin ko sa kuwartong yon. Malungkot ang feels ng kuwarto ngayon a. Nahagip ng paningin ko ang framed-photograph na nasa may side table.
"Bakit ba kasi ganyan ka nakatingin sa akin. Mamimiss ko ang mga titig na ganyan, Edward. Gusto talaga kita ng over over; as in super like; hay, alam ko sa sarili ko na chuva chocho na talaga ang nararamdaman ko para sayo."
Kausapin ko ba naman ang larawan ni Edward at dampian ng halik. Wala na talaga, may turnilyong lumawag na sa utak ko o talagang natural na ganito ang feeling na umaasa sa wala. Kasi naman dapat sa umpisa pa lang at pinadlock ko na ang puso na ito na PBB teens lang ang peg.
Ang careless kong makaramdam ng pag-ibig na para bang may forever.
Buti na lang talaga at konti lang ang gamit ko na dinala dito sa condominium unit ni Edward. Humugot pa talaga ako ng matalim na buntong hininga bago isinara maleta.
Parang nakakadena ang paa ko na hirap na hirap humakbang palabas ng kuwarto.
"Last na talaga to"
Kinuha ko ang kumot ni Edward at inamoy.
.
"I'll gonna miss this scent. .his scent.."
Niyakap ko ang kumot na yon at iniisip na lang na kahit papano ay nagawa naming matulog na gamit ang isang kumot na yon.
"Ang sakit naman Edward, mamayang Gabi wala ng may magsasabi sa akin ng 'Babe Time'.
Kung bakit kasi magkasalungat tayo ng kinalakhang buhay.
Mayaman ka, poor naman ako.
Matalino ka, pasang awa lang ako.
Guwapo ka , samantalang ako may kalakihan ang bibig ko, binutasan lang ang ilong ko, in short, I'm not beautiful.
Naiiyak na talaga ako habang palabas ng kuwarto.
"Where do you think you are going?"
Ang tanong sa akin ni Edward habang nakasandal sa dingding sa labas ng kuwarto at pinaglalaruan ang car keys niya.
Tiningnan ko lang siya at sinubukan humakbang palayo sa kanya.. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang maleta..
"I said, where are you going?" Ang tanong nito na may authority.
Hindi ko alam kung paano ba ako haharap sa kanya na parang gripong bukas ang mata ko at umaagos lang ng malaya ang mga luha ko.
Wala sa hinagap ko na lumuwas ng Maynila galing sa probinsiya para lang maging luhaan ng dahil sa pag-ibig.
Nagresign ako sa trabaho ko sa probinsiya para makipagsapalaran dito sa Maynila.
"#trabahobagolovelife "
Yon daw ang motto ko sa pagtapak ko sa Maynila.
Nakinuluyan ako sa Tiyahin ko. Okay pa ang unang linggo nang pananatili dito sa Maynila pero nang ikalawang linggo na ay ramdam ko na ang chaotic life na meron dito.
YOU ARE READING
MES: Twenty
FanfictionWith a common love for MayWard, seventeen writers came together to create "Marydale and Edward Schriftstellers" (MES). Twenty is MES' first collection of MayWard fictional stories and poems based on an array of prompts we have given to each other fo...