One

21 0 0
                                    

"Help! I-I need help!" narinig ko'ng sabi ni daddy mula sa baba, nakita ko ang malaking orasan sa kuwarto ko at alas-tres palang ng madaling araw.

Tumakbo ako mula sa kuwarto pababa kung ano ang nangyayari.

Nakita ko si mommy sa sala na duguang nakabulagta sa sahig at wala nang buhay, samantalang si daddy naman ay nakadapa at duguan na naghahabol ng hininga.

"Mom!! Dad!!" sabi ko at tumakbo ako palapit sa kanila.

"R-Run! Heather! RUN!" sabi ni daddy.

"N-no dad." sabi ko at tuluyan akong umiiyak. Halu-halo ang emosyon ko pero nananaig ang takot ko.

"I told you to run! papatayin ka nila!" sagot niya sa'kin.

"S-sila? Dad, nasaan ang mga bodyguards, bakit hinayaan nila kayo?!" sabi ko at naramdaman ko'ng may tao sa likod ko.

Pagharap ko sa kanila,

May nakita akong mga tao'ng naka-hood ng itim. Hindi ko makita ang mukha nila dahil madilim ang paligid.

Lumapit ang isa sa akin at may itinakip sa mata ko na panyo.

"AAAAAAAAAAAAH!" nagising ako ng naghahabol ng mabigat na hininga.

"What's wrong, anak?" nakita ko'ng pumasok sila mom and dad sa kuwarto ko na nag-aalala.

Panaginip lang pala.

"D-dad, mom." sabi ko at niyakap ko sila. "I had a nightmare. Mom, dad pinatay nila kayo." sabi ko habang umiiyak.
"Sshh. It's just a nightmare, okay?"

"P-pero dad, parang totoo kasi eh." sabi ko.

"It's just a nightmare. You don't have to worry, we will be fine we promise." sabi ni mom at niyakap ako.

Nang mapatahan na nila ako, ay napagpasyahan narin nilang umalis.

"Sige na, may meeting pa ako sa office. We need to go." sabi ni dad at tumayo na. Nginitian naman ako ni mom.

"Be careful mom, dad." sabi ko.

"We will. Kumain ka na, nakahain na ang breakfast mo doon." sabi ni mom at umalis na.

Naligo at nag-ayos na ako dahil papasok pa ako. Pagkatapos ko kumain ay hinatid na ako ng driver ko papunta sa campus.

"Siiiis!!!" narinig ko'ng sigaw nila Danica at Mia mula sa school grounds. Sila ang mga bestfriend ko since 1st year college.

Graduating student na ako ngayon at Nursing ang course na kinuha ko.

"Oh, hi sis!" bati ko sa kanila.

"Do we have a plan for this Friday night?" tanong ni Danica, kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papasok sa pinaka-loob ng campus. Malaki ang campus, pagkapasok ay school grounds ang makikita pero sa likod nito ay puro building ng iba't ibang department.
"Mag-mall tayo mamaya!" excited na sagot ni Mia.

"Seriously Mia? Shopaholic ka talaga, kaka-shopping lang natin last week eh." sabi ko habang natatawa.

"Why? Ang saya kaya mag-shopping." sabi niya habang naka-pout.

"Mag-movie marathon nalang tayo mamaya." sabi ni Danica.

"Mas gusto ko pa 'yong idea ni Danica." sabi ko.

"Tsk. Mall nalang kasi." pagpupumilit niya.

"Heather, tayong dalawa nalang mag-movie marathon. Hayaan mo si Mia'ng mag-isang mag-shopping." sabi ni Danica.

Fear Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon