Two

12 0 0
                                    

Nagising ako and all I can see is darkness.

Di ko maaninag ang kapaligiran ko dahil medyo nanlalabo pa ang paningin ko, kukusutin ko na sana nang maramdaman ko'ng nakatali ang mga kamay ko at nararamdaman ko'ng may malamig sa paa ko. Ginalaw ko ang paa ko at napansin ko'ng nakakadena ito.
Nagising ako sa aking huwisyo at tuluyan nang gumising ang diwa ko.

Nasa loob ako ng isang kuwarto, madilim na kuwarto, hinanap ko ang bag ko pero di ko 'yon makita, wala na rin ang phone ko sa bulsa ko. Tanging ilaw lamang mula sa labas ang dahilan kung bakit medyo nakikita ko ang paligid. May kama sa harapan ko pero wala itong unan at kumot, gutson lang na puti ang mayroon dito at ang kadena naman ay konektado sa bandang paanan ng kama ko. May lamesa sa tabihan nito, mayroong bintana naman kung saan naka-tapat ang lamesa at may banyo naman na di kalayuan sa kama at katabi pa ng isang pintuan patungong labas. Nandidiri ako sa amoy dahil amoy kulob dito at maalikabok pa ang mga gamit.

Nakarinig ako ng mga yabag mula sa labas, napatayo ako at pumunta sa may bintana, napansin ko'ng may nakaharang na fence na gawa sa bakal  ang bintana kaya imposible ako'ng makalabas dito.

Napansin ko'ng nasa mataas na lugar ako at makikita mula dito ang itsura ng siyudad na punong-puno ng ilaw, napatingin ako sa baba at napansin ko'ng walang katao-tao sa kalye. Abandonado yata ang lugar na 'to.

Nararamdaman ko'ng lumalakas ang yabag ng mga paa mula sa labas.
Palakas nang palakas ang yabag katulad ng paglalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala na ako'ng magawa kundi ang sumigaw.

"TULOOONG!! I NEED HELP! PLEAAASE!!" paulit ulit ko'ng sigaw.

Hanggang sa naramdaman ko'ng lumiwanag ang kinatatayuan ko dahil sa ilaw na nagmumula sa labas ng pintuan at narinig ko ang malakas na pagbukas nito.

Napaharap ako sa mga pumasok, akala ko kanina ay iisang tao lang dahil sa mga yabag pero nagulat ako dahil marami sila.
Nakita ko ang itsura ng lalaki na nasa gitna pero di ko masyado ito maaninag dahil sa liwanag na nagmumula sa labas. Nakasuot siya ng polo na black, makikita na kumikinang ang dalawang maliit na hikaw niya at may hawak siyang baril. Hindi ko naman makita ang itsura ng lalaki sa bandang kaliwa dahil sa naka-hood siya at nahaharangan ng di-gaanong mahaba niyang buhok ang kaniyang mukha, samantalang dinaig naman ng babaeng nakamaskara sa bandang kanan niya ang kpop fan dahil sa crop top niyang may nakalagay na 'EXO' at sa mini skirt niya.
Hindi ko na makita ang iba sa likuran nila, basta ang alam ko lang ay may mga hawak silang mga baril at patalim.

"Tumigil ka na kakasigaw diyan. Akala mo ba may makakarinig sa'yo? Nasa teritoryo ka namin at nasa 8th floor ka ng abandonadong apartment na 'to." sabi ng lalaki sa gitna. Halata sa boses niya ang coldness at walang emosyong pagkasabi.

"A-ano'ng gusto niyo? P-pera?! S-sabihin k-ko kay d-dad, k-kahit magkano! pera lang n-naman d-di ba? M-magkano ang r-ransom?" sunod-sunod ko'ng pagtatanong na may halong kaba.

Napatingin sa likod ang lalaking naka-polo at humagalpak ang lahat kakatawa. Bukod lamang sa lalaking naka-hood dahil nakatayo lang siya doon at tila ba'ng pinagmamasdan lang ako.

Napaka-mysterious niya.

"P-pera? g-gusto m-mo b-ba s-sabihin s-sa d-daddy m-mo? eh p-pacifier g-gusto m-mo?" pang-aasar ng lalaki sa likuran niya sabay tawa.

Mang-aasar na sana ulit siya pero itinutok ng lalaki sa gitna ang kaniyang baril sa lalaking nasa likuran niya.

"Manahimik ka kung ayaw mo iputok ko ito sa utak mo." napayuko ang lalaki sa likuran niya at tumingin muli sa'kin ang lalaking nasa gitna.

"Hindi namin kailangan ng pera." sabi niya nang marahan at unti-unti siyang lumapit sa'kin.

Nang makalapit na siya sa'kin ay unti-unti siyang yumuko hanggang sa maramdaman ko na ang hininga niya. Naaninag ko narin ang mukha niya, wala siyang pinapakitang emosyon pero nahahalata sa mga mata niya ang galit.
Iniisip ko kung sino siya at ano'ng kailangan nila sa'kin.

Kasi mukhang hindi naman nila talaga kailangan ng pera dahil sa itsura niya. Makinis ang mukha niya, may piercing ang ilong niya at mukhang laki sa yaman. May pagka-singkit siya at makapal na mapula ang labi. Naaamoy ko rin ang gel na ginagamit niya pati narin ang mabango niyang hininga. Nakikita ko rin na may kulay ang buhok niya na pula at malinis tignan ang pagkaayos ng buhok niya.

Itinutok niya ang baril sa leeg ko kaya napapikit ako.

"Kailangan namin ay buhay."

Napamulat ako sa sinabi niya, naramdaman ko ring lumayo na siya sa'kin pero nakatayo parin sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko dahil mas matangkad siya sa'kin, hanggang balikat niya lang yata ako.

"M-my life? p-papatayin niyo ako?" sabi ko at hindi ko maiwasang maluha.

I saw him smirked.

"No. We aren't morons to abduct you just to kill you." sabi niya at hinawi niya ang ilang hibla sa mga buhok na nakababa sa pisngi ko na nagbigay sa'kin ng pagkatindig-balahibo.

Umiling ako para itaboy ang kamay niya.

"What do you need, then?" sabi ko, galit at takot ang nararamdaman ko ngayon.

"Your father's precious life." sabi niya at narinig ko'ng tumawa siya, dahilan upang kilabutan ako.

"A-anong gagawin niyo sa kaniya?" sabi ko na medyo tumataas na ang tono ng boses ko.

"Something worst than what he did."

Tinignan ko lang siya.

"We will use you as a bait, pagkatapos ay pagtitripan namin siya. Kailangan niya muna'ng mag-panic at matakot para mas may thrill. Dahil ang kaniyang unica hija ay nawawala. Pagkatapos no'n ay papatayin na namin siya. Simple as that." dagdag pa niya

Nanghina bigla ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako, di ko namalayang humahagulgol na ako rito.

"B-bakit? B-bakit niyo 't-to kailangan gawin?"

Tumalikod siya at sinenyasan ang ibang kasamahan na lumabas.

Nasa pintuan na siya at hawak ang doorknob nang muli siyang magsalita.

"Kasi demonyo siya." sabi niya at isinarado na niya ang pintuan.

Muling dumilim ang paligid samantalang hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Parang ito lang ang napanaginipan ko kanina ah?

Nabalot ako sa takot, baka patayin nila ang mga magulang ko.

Natatakot ako sa mga mangyayari, lalo na kay daddy. Hindi ko gusto ang gagawin nila at ako nama'y napuno ng mga tanong.

Ano ba'ng nagawa ni daddy sa kanila? tapat naman siya sa trabaho niya as a Governor ah? Sa pagkakaalam ko ay hindi siya corrupt at wala siya'ng tinatapakan na tao.

Naiinggit ba sila kay daddy? may koneksyon ba sila sa mga kalaban ni daddy noong eleksyon?

Kilala ko si daddy at alam ko'ng wala siyang kinakalaban na tao.

Pero bakit may ganito?

Bakit nila sinasabing demonyo siya?

Wala akong magawa kundi ang umiyak lang nang umiyak.
Bukod sa pagod na ako, nakakaramdam narin ako ng gutom at natatakot pa ako. Kasama narin na nananakit na ang mga braso ko dahil kanina pa 'to nakatali sa likod.

I need to find my way to escape, kailangan ko makatakas dito for the sake of my dad's life.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fear Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon