Chapter 2

35 0 0
                                    

FLASHBACK

Julianna's POV

(a/n: guys 3rd year college na si Julianna or Jia dito.)

"Oy Jia! durog na durog na yung pagkain oh!" sabi ni Pat

eh ikaw kaya makita mo yung ex mo na sobrang mahal mo na may girlfriend na tapos nagsusubuan pa…… Huhubells :'"<

"Selos na naman yan! parang di ka naman nasanay diyan." epal pa ni Cha

"tignan mo naman kasi.. hala sige! Subuan pa! patapon ko yan sila sa Pacific Ocean eh" nangigil na talaga ako.

nag walk out ako

aish! ang epal talaga ng babaeng yun!! bakit pa kasi siya binuo ng nanay at tatay niya diba?!

dumiretso ako sa library at umakyat sa second floor, dalawang floors kasi yung library namen.

"Nakakainis! bwisit yung babaeng yun! Hinayupak siya! Ang sarap niyang ipakain sa mga asong ulul! Po---"

"Will you shut up? natutulog ako dito oh!"

hala! may tao.

malamang. -____-

"hindi kasi tulugan to. library kasi to." sabi ko.

totoo naman ah, hindi niya kuwarto to no!

"Oh library pala to, huwag ka dito maglabas ng sama ng galit ha?" tapos winalk outan niya ko.

ABA! Badtrip to ah.

umupo ako sa pwesto niya ng may mauupan akong---

*bzzzzt bzzzt*

O.O SHET! ANO TO?! NAGVVIBRATE?!

tumayo ako para makita kung ano

-____- nyemas cellphone pala!

binuksan ko yung phone at inamoy amoy ko pa baka mamaya amoy pwet ko mahirap na. nakakahiya pag ganun!

so yun nga, inopen ko yung phone niya at.... ano ba to?! wala pang password -___- buti nga walang password! para mabuksan mo daw agad. pero wag ka, iPhone to hahahaha.

pagkaopen ko tumambad sakin ang isang picture na kilalang kilala ko.

picture ni Gail Saavedra ang gf ng ex ko.

inopen ko yung messages at binasa ko yung conversation nila ni Gail. ang may ari pala ng phone na to ay ang ex ni Gail, siya pala si Axcel Sabater Ang gwapo ng name. hihihihi. Ang Lande ko!

so yun.. naglaro muna ako sa phone niya ng subway surf.

Hala! nabangga tuloy ako sa train badtrip naman.

"Excuse me that's my phone."

napatingin naman daw ako sa nagsalita

"pahiram lang nag lalaro pa ko eh." ngalngal ko

tapos inagaw niya yung phone niya sakin

"pahiram lang naman. andamot mo naman." bulong ko

"what?" tanong niya

nginitian ko lang siya

"excuse me... why did you read my messages?" tanong ni Axcel

"wala, napindot ko lang." palusot ko sa kanya

tapos kinalikot niya pa yung phone niya

"Hoy Axcel! ex mo si Gail?" feeling close kong tanong

tinitigan niya lang ako

inirapan ko siya at dumiretso ng classroom
------

How I Met Your Father? (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon