Prologue

82 4 4
                                    

One week ago

Maaliwalas ang panahon ng araw na iyon. Isang kotseng pula ang pumasok sa napakalaking establisiyamento sa lalawigan ng Dalavance. Bumusina muna ito sa malaking entrada ng gusali bago pumasok. Tumingala ang isang babaeng lulan ng sasakyan at doon niya nabasa ang pangalan ng pupuntahan.

DALAVANCE ASYLUM

Pumarada na ang sasakyan sa tapat ng hagdan patungo sa kahoy na pasukan ng nasabing gusali.

Bumaba na ang lalaking nagmamaneho kasama ang babaeng nakaupo sa harap. Parehas silang nakasuot ng puting polo shirt at sabay tumingin sa pintuan.

"Ang tahanan ng mga pasyenteng nawala ang landas sa pagkanormal." sabi ng lalaki at pumaling sa direksyon ng sasakyan. "Palabasin mo na siya. Kanina pa tayo hinihintay." utos niya sa babaeng kasama na may salamin sa mata.

Sumunod naman ang babae at agad na binuksan ang passenger seat. Niluwa nito ang isang dalagang maputi ang balat. Maaliwalas sana ito tignan kung hindi lang sa magulong buhok nito at sa straight jacket na suot niya.

Pagkadala nito sa tabi ng lalaki ay saktong bumukas ang pinto at bumungad ang isang madre at tatlong nurse.

"Inaasahan na niya kayo, mga doctor. Tuloy po kayo at sumunod sa'kin." pambungad ng madre na may halong ngiti.

Pagpasok ng tatlo ay agad na dinala ng mga nurse sa harapan ang dalagang naka-straight jacket. Nilibot ng dalawang doctor ang kanilang paningin at nakita ang mga pasyente na may mga bantay na madre at nurse. May mga nagwawala, sumisigaw at ang iba naman ay tumatakbo upang makatakas sa bantay.

Tumigil ang grupo sa tapat ng isang kwartong may nakasulat sa harapan.

HEAD DIRECTRESS

Kumatok muna ang madre bago pumasok.

"Ma'am, nandito na po sila."

"Salamat, Sister. Papasukin mo na sila at pwede ka nang bumalik sa ginagawa mo." sagot ng nasa kabaling panig ng pintuan.

Tumalikod na ang madre at ngumiti sa tatlong bisita sabay yumuko, senyales na maari na silang pumasok.

Pumasok na ang mga ito at pinaupo ng mga nurse sa harapan ang dalaga at nilagyan ng lock ang magkabilang pulso nito sa armrest ng silya. Umalis ang isang nurse at naiwan ang dalawa sa pinto upang magbantay.

"You must be Mr. Ford Salvador and Ms. Hayley Quintana." bati ng babaeng naka-itim na coat at nakatali ang buhok. Kung titignan ito ay hindi masyadong bata at hindi rin ito masyadong matanda. Inalok niya ang kanyang kamay sa lalaki.

"Dr. Ford and Dr. Hayley." pagtama ng lalaki sa kausap at agad na nakipagkamay. Ngumiti na lang ang kasama nitong babae at nakipagkamay rin.

"I'm sorry, where are my manners. I forgot na kayo nga pala ang doctor niya. Please have a seat." ngumiti ito at umupo ang mga ito.

"It's okay ma'am, hindi naman po tatagal at kayo na rin po ang mag-aalaga sa kanya." tugon ni Hayley

"Nako dear, no need for ma'am. Di pa pala ako nakakapag-introduce. I am Dr. Cristy Castañeda, Head Directress of Dalavance Asylum. Cristy na lang mga hijo at hija." pagpapakilala nito sa dalawang doctor na nasa harapan niya.

"Nice to meet you, Cristy. Ito na pala ang patient file niya. Nandyan na rin po ang file niya for transfer. Naayos na po namin ang lahat at pirma niyo na lang po ang kulang." sabi ni Ford at iniabot ang tatlong folder kay Cristy.

"Para saan naman ang folder na'to?" pagtutukoy nito sa extrang folder na nasa pinakahuli.

"Iyan na po ang record niya sa hospital namin. Ang utos po kasi ng president ng hospital namin ay bigyan kayo ng kopya ng records niya para tignan kung paano kayo makaka-adjust sa pag-uugali niya."

"Ford, you and your president have nothing to worry about kung paano kami makikitungo sa kanya. Marami kaming pasyente and believe me, nakakatiis ako sa iba't ibang pag-uugali ng lahat ng tao dito. This asylum is running for decades and I'm handling this institution for almost 10 years. Clearly, you have nothing to worry about." paglilinaw ng directress at hinubad ang salamin.

"Gusto lang po namin makasigurado na magiging maayos siya at kayo rin po." depensa ni Hayley.

"Thank you for your pure concern, Hayley but as I said wala kayong dapat ipagalala."

"Sige Cristy, mauuna na kami. Marami rin kaming aasikasuhin sa hospital." paalam ni Ford habang tumatayo.

"Maraming salamat po at sana po maging matatag pa po kayo at ang asylum na ito." ngiti ni Hayley at tumayo na rin.

"Ako dapat ang magpasalamat sa inyo, Dr. Ford at Dr. Hayley. Salamat sa pagtitiwala niyo sa kakayahan naming mga bumubuo ng institusyon na'to. Sisiguraduhin kong hindi lang siya ang tutulungan namin." tugon ni Cristy.

"Mauna na po kami." paalam ni Hayley.

Ngumiti at yumuko ang directress at sinenyasan ang dalawang bantay na samahan ang mga ito palabas ng kwarto. Pagkasara ng pinto ay ang pasyente na lang at ang doctor ang naiwan. Tumingin ang doctor sa loob ng folder at dinukot ang isang stick ng sigarilyo at agad na sinindihan. Hinubad  niya ang coat at nilagay sa likod ng kanyang upuan. Ipinatong niya ang kanyang paa sa lamesa at hinithit ang sigarilyo.

"Annie De Castro. Ano bang problema ng utak mo at pinasa ka sa'kin ng mga walang kwentang doctor na yon? At napapadalas ang tantrums mo, hindi ka ata napapainom ng gamot ng maayos. Mga walang silbi." paglait ng directress sa mga bisita habang hinihithit ang paubos nyang sigarilyo.

"Ano nga ba meron sa'yo, Annie? May ginawa ba sila sa'yo? Kitang kita ko ang pasa sa mukha mo." tanong ulit nito sa dalaga.

Mukhang napansin siya ni Annie at tumingin sa doctor na tila naluluha.

"Ayoko sa kanila. Dito na lang ako, mukhang magiging masaya kayo kalaro. Hindi niyo naman ako sasaktan 'di ba?" ngiti nito at pigil na tumulo ang luha at kaagad yinuko ang ulo.

Tinapon na ni Cristy ang yosi niya at kaagad na lumuhod sa harapan ng pasyente.

"Hindi ka namin sasaktan kung magpapakabait ka, okay? Bukas na bukas ay ipapakilala kita sa magiging bantay mo." sabi niya sa dalaga at tatawagan niya na sana ang kaninang dalawang nurse ng biglang nakarinig sila ng sigaw ng isang pasyente at nasundan ito ng marahas na pagbukas ng pintuan ng office.

"Anong ingay yun?" sigaw ni Cristy sa madre na dumating

"Nakita niya po ang bantay niya na duguan sa kusina. Tadtad po ito ng saksak."

"Ano?!"

Natuon ang pansin ng dalawa ng mag-umpisang tumawa ng malakas si Annie.

"Nagsisimula na siya makipaglaro sa'tin." sabi niya at tumawa ulit ng ubod ng lakas hanggang sa ang boses niya na lang ang tanging maririnig sa gusali kasama ng iyak ng pasyenteng nakakita ng karumal-dumal na kamatayan ng isang nurse.

A S Y L O S Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon