R O O M 0 2

24 1 1
                                    

Panibagong araw na naman. Parang wala namang pinagbago sa mga nakaraang linggo. Siguro, nadagdagan lang ng mga pasyente at ng mga panibagong nurse - hanggang 'dun lang.

Naglalakad ako sa ika-apat na palapag ng ospital habang dala-dala ang gamot at pagkain ni Annie nang may biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Zero! Si Annie nasa rooftop!" sigaw ni Maxie na umalingawngaw sa kahabaan ng corridor ng palapag.

'Di ko alam kung bakit ako nagtatatakbo, bigla na lang tumakbo ng kusa ang mga paa ko. Nakaramdam ako ng kaba at sobrang pag-aalala sa pasyente ko.

Sa unang pagkakataon.

Hindi kailanman ako naging attached sa mga pasyente ko pero iba siya, iba si Annie sa kanila. Ang pagiging isang misteryo niya siguro kung bakit ako naging mas malapit sa kanya.

May iba sa kanya at kailangan kong malaman kung ano 'yun.

Pagdating ko sa rooftop ay nandoon siya. Nakatayo ang isang 14 years old na bata na may mahabang nagbubukod-tanging puting buhok. Tanging ang mga kamay niya lang ang nagpo-protekta sa kanya sa pagkahulog mula sa six-story building ng asylum. Sobrang daming nakapalibot na nurse at madre upang tulungan siya ngunit walang isa sa kanila ang kayang magpababa sa maaring dahilan ng kanyang pagkamatay.

"ANNIE!" sinigaw ko ang pangalan niya at dahan-dahan siyang napatingin sa direksyon ko.

Kinilabutan ako sa itsura niya habang nakaharap siya sa'kin. Kasama ng nakakatakot niyang ngiti ay ang dugong tumutulo na nagmula sa ulo niya habang hawak-hawak ang manika na dala niya simula noong unang araw niya sa Dalavance.

"Hi kuya!" bati nito sa'kin habang kumakaway gamit ang kamay ng kanyang manika.

"A-annie... tara, ibababa na kita d'yan, okay?" kabado kong sabi sa kanya habang dahan-dahang humahakbang patungo sa kanya.

"NO! STAY THERE! 'WAG MO KONG LAPITAN!" pagwawala niya habang nakita ko na muntikan na siyang mapabitaw sa poste na hinahawakan niya.

"Annie... kung ano man ang binabalak mo, 'wag mong gagawin, please? Mag-uusap tayo ni Kuya Zero, okay?"

"Hindi kuya, ayoko! Di na tayo mag-uusap! Inuuto mo lang naman ako eh... Lahat kayo na nandito, niloloko niyo lang ako! Kuya... kala ko ba tutulungan mo ko?! Nasaan ka nung muntik na nila kong kuryentihin para maayos daw 'tong bwisit 'kong utak! 'Di na to maayos kuya... makakalimutan ko lang lahat kapag kinuryente nila ko. Kaya ngayon, itutuloy ko na ang gusto niyong mangyari at 'wag na 'wag mo kong pipigilan!"

Habang umiiyak at sumisigaw ang galit na galit na si Annie ay napansin ko ang isang nurse na may hawak na tranquilizer at sinenyasan ko ito na huwag ituloy.

"Annie, kung ano man ang binabalak mo, 'wag na 'wag mong itutuloy. May promise tayo sa isa't isa diba? Ang promise ko sa'yo, tutulungan kita. Ano ang promise mo sa'kin?"

Bahagyang kumalma si Annie sa mga sinabi ko at dahan-dahang nag-salita.

"N-na tutulungan rin kita para g-gumaling po a-ako..." sabi niya habang nagpipigil ng luha.

"Ano pa ang promise mo?"

"Tutulungan kita s-sa pamamagitan po ng m-maging mabait na b-bata." dahan-dahan na siyang bumababa sa pinagkalatayuan niya at tuluyang tumakbo papunta sa direksyon ko at bigla na lang niya ko niyakap habang humahagulgol sa iyak.

"I-im sorry, kuya. Dapat d-di ko ginawa at sinabi 'yun. Alam ko naman na h-hindi ka katulad nila, na p-protektahan mo ako sa mga u-umaaway sa'kin..." patuloy pa rin siyang umiiyak habang nakayakap siya sa bewang ko.

"Okay lang Annie. Ang importante, ligtas ka, okay?" sabi ko habang pinapakalma siya sa pamamagitan ng pag haplos sa buhok niya.

"Tara na, pagkatapos mong maligo, kakain tayo ng paborito mong mga pagkain at ako ang magluluto para sa'yo."

Pagkatapos ko sabihin 'yon ay masigla siyang ngumiti at tumango habang tuluyan niyang hinawakan ang kamay ko.

Bago kami umalis ay nakarinig kami ng isang nakakabinging sigaw mula sa loob ng ospital.

Dali-dali kong dinala muna si Annie sa kanyang ward at nang papaalis na ako ay hinawakan ako ng bata sa braso ako upang pigilan sa pag-alis sa kwarto niya.

"Kuya, 'wag kang umalis! 'Wag ka nang pumunta 'dun! Baka saktan ka nila - baka patayin ka nila, kuya! Please... dito ka lang sa tabi ko. 'Di ka mapapahamak kapag kasama mo ako." pagmamakaawa ni Annie sa'kin.

Nakaramdam ako ng magkahalong tuwa at kaba dahil sa sinabi niya. Natutuwa ako dahil may pakialam siya sa'kin ngunit kinabahan ako sa mga maaring pwedeng mangyari lalo na sa mga kababalaghang nangyari noong mga nakaraang linggo.

"Gustuhin ko 'man na samahan ka dito, pero trabaho ko 'to. Kailangan nila ng maraming tulong kung ano 'man nangyayari sa baba. Okay? Promise, 'di ko pababayaan sarili ko, okay?" sabi ko sa kanya habang ginugulo ko ng bahgya ang buhok niya.

Tumango lang siya sa'kin bilang sagot at niyakap ako ng mahigpit bago ako umalis.

Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ay tumakbo ako ng mabilis kung saan nanggaling ang sigaw kanina. Habang tumatakbo ako sa pasilyo ay may isang tao rin na tumatakbo na tumabi sa gilid ko.

"Zero! Ikaw pala 'yan!"

"Gian! Ano nangyari? Bakit may sumigaw kanina?"

"Sabi nila galing daw sa women's shower room ng mga pasyente sa second floor."

"'Dun ka rin ba papunta?"

"Oo pre, tara na, bilisan na natin!"

Ilang sandali lang ay nasa second floor na kami at katulad ng inaasahan naming ni Gian ay maraming nakapaligid na mga tao sa shower room.

"Excuse me po! Excuse me mga sisters!"sigaw ni Gian upang hawiin ang mga madre na nakaharang sa pintuan.

"Huy! Anong ginagawa niyo d'yan! Alalahanin n'yo mga pasyente niyo! Nakikichismis lang kayo dito. Tangina, alis!"rinig ko na naman ang galit nag alit na si Levi na binubulyawan ang kapwa naming nurse na nakikiusyoso sa pangyayari.

"Maxie, padating na daw yung ambulansya."sabi naman ng isang nurse kay Maxie

Ano ba nangyayari? 'Di ko makita!

"Hoy Nuevallo! Wala ka bang balak tumulong dito ha? Nakatanga ka na naman d'yan?"sigaw sakin ni Levi mula sa loob ng shower room.

Hinatak ako ni Gian mula sa maraming tao at doon ko nasaksihan ang nakakapanlumong itsura ng paliguan.

Talsik ng mga dugo mula sa pader at tumulo na hanggang sa sahig. Ga-lawa na dugo naman sa sahig at bath tub.

At ang pinakahuli sa lahat,

Isang nurse na nakahiga sa bath tub. May malaking hiwa sa tyan at leeg at mistulang naliligo sa sarili niyang dugo.

Sinong demonyong kayang gumawa nito dito mismo sa asylum?

---

A/N: WoAAaaaHHHHH!!! One year na halos nung huling update ko. Sorry kung sobrang bitin talaga. Nagka-writer's block ako for 1 year HAHAHA!

Kidding aside, medyo may will to continue na ko para ipagpatuloy 'tong story kasi ang dami kong inspirations for this work (naks) Sana sa mga nag-aantay netong update ko, 'di kayo magsawa sa pag-antay pa lalo ng mga susunod ko pang updates.

Ayun lang!

Salamat sa mga nagbabasa neto!

Love y'all! ° ͜ʖ ͡ - ✧

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A S Y L O S Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon