Laging binabagabag ng iyong alaala
Puso't diwang dati'y hindi balisa;
Kay hirap pala ng gawang pagsinta
Lalo't higit sa tulad kong bata pa.Oo mahal, ikaw nga ang dahilan
Sa lihim na pagluha ko't kasawian
Hindi maipakita yaring kalungkutan
Sa takot na ako'y baka pagtawanan.Ang sabi ni Inay, ako'y bata pa raw
Gawang pagsinta, akin munang iwasan
Pagkat luha lamang ang mararanasan
Sakaling umibig, pusong walang malay.Ngunit pag-ibig sa aki'y dumatal
Kahit musmis ang puso, natutong magmahal
Gaano kalakas yaring aking isipan
Upang damdamin aking mapigilan?Sadyang pag-ibig daw ay ganito
Kusang nag-uugat sa puso ng tao;
Ang kaligayahang iyong matatamo
Higit pa sa halaga ng mamahaling bato.Kapag pag-ibig naman ay biglang naglaho
Puso'y magdurugo dahil isang bigo
Ang pait na dulot sa puso'y titimo
At kahit na musmos, luha nga'y tutulo.-------
Written sometime in 1983
YOU ARE READING
Footprints in the Heart
PoetryA collection of poems I had written when I was still a young student. Too young to know what's love then with all its joys and sorrows. But just like any young heart, I started to fall in and out of love, to hope and believe, to hold and to cherish...