Balana'y namangha ng ika'y tanggapin
Ng ang pag-ibig mo, akin ding angkinin;
Ang iba'y natawa, ako'y sukat laitin
Itunuring na hangal ng ika'y mahalin.Puso ko'y nanangis sa mga pagkutya
Ang ipagtanggol ka'y hindi ko magawa;
Nagmistulang umid, lakas at nawala
Nalunod man din sa sariling mga luha.Sa gitna ng dilim lihim na nagdusa
Labis na nasaktan sa pagkabahala
Pagkat inutos ngang layuan ka sinta
Limuting tuluyan, iwaksi sa diwa.Gaanong lakas ang aking tinataglay
Upang ipaglaban pag-ibig mong tunay?
Hindi ko magawang sa kanila'y sumuway
Pagkat utang ko, yaring aking buhay.Paalam pag-ibig, ako'y patawarin
Sa karupukan kong sumugat sa atin;
Bagamat nasaktan aking sisikapin
Sa muling pag-ibig, katatagan'y maangkin.-------
Written: March 1987
YOU ARE READING
Footprints in the Heart
PoetryA collection of poems I had written when I was still a young student. Too young to know what's love then with all its joys and sorrows. But just like any young heart, I started to fall in and out of love, to hope and believe, to hold and to cherish...