One Shot ♥ (Completed) ♥

96 9 5
                                    

○ HER POV

Kakarating ko lang sa Pilipinas galing Korea. Halos 2 years din akong namalagi do'n simula ng operasyon. Naaalala ko pa ang mukha niya. Ang mukha ng lalaking nagpatibok ng aking puso sa simula't sapul.

KRINGGGGG! Napatigil ako sa pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag bago sinagot ang phone ko.

"Yoboseyo Eomma?"

"Hello baby! Nakarating ka na ba? We're already here at the school."

"Yes, mom. I'm on my way na po."

Then I hanged up. Pumara ako ng taxi papuntang school. Sa kalagitnaan ng biyahe, hindi ko maiwasang sariwain ang aking nakaraan.

HER FLASHBACK:

Andito ako sa hallway naglalakad pauwi. Gabi na kase. Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong pigil na hikbi na nagmumula sa C.R. Pinuntahan ko 'yon at nakita ang bestfriend ko... si Jeo Solamo.

"Awooo.." Nagpaka-trying hard mumu ako baka sakaling mapatigil ko siya sa kaiiyak. Bakit ba umiiyak 'tong isang 'to? Hindi naman 'to isang weakling eh.

"Buddy....." tawag niya. Hindi parin siya tumitingin sa akin. Nakatungo lang siya.

"Oh, baket? Anong ginagawa mo diyan? Tumayo ka na. May maraming germs diyan sa sahig. Sige na, tayo ka na." Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Budz... B-b-break na k-kami." Eh kaya naman pa----- O___O

"Ano? Pakiulit nga." 

"Wala na kami....."

'Di ba dapat maging masaya ako? Pero bakit parang nasasaktan din ako sa nakikita ko ngayon? Ang totoo niyan, matagal ko nang mahal ang "Buddy" ko. Mahal ko siya higit pa sa kaibigan. Nagising nalang ako isang araw na mahal ko na siya na aabot pa sa puntong gagawin ko ang lahat para lang maging masaya siya. Ilang minuto ang lumipas at wala paring nagsasalita sa amin. Parang pinakikiramdaman pa namin ang isa't-isa. Nagulat na lang ako nang bigla niyang binasag ang katahimikang namayani sa aming dalawa.

"Budz.... Tulungan mo naman ako oh."

"Sabihin mo lang budz. Gagawin ko ang lahat para lang matulungan ka."

"P-pwede bang maging rebound ka?"

"Oo."

Hindi na ako nabigla sa sinabi niya. Inihanda ko na ang aking sarili sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin pero isa lang ang alam ko. Mahal ko si budz at hindi ko kakayaning makita siyang nagdurusa't nasasaktan.

"Salamat budz. Sisikapin kong maging isang mabait na boyfriend sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Sana makalimutan na niya agad ang sakit na dinaramdam niya ngayon.

► FAST FORWARD NG FLASHBACK < 

February 14 ngayon. 1st monthsary namin ni Budz. Okay naman ang relationship namin. Mabait siya; gentleman, caring, sweet at understanding. Halos lahat ng katangiang gusto ko sa isang lalake eh taglay na niya. Napatigil ako sa pagmumuni dahil tumunog 'yung phone ko.

~1 MESSAGE RECEIVED FROM : BUDZ <3 <3 <3

- Budz, sorry hindi ako makakapunta diyan sa school. May gagawin kase akong importante eh. Sorry talaga. Babawi na lang ako.

~END OF TEXT

So? That's it? Wala man lang bang greet? Nakalimutan niya bang monthsary namin? Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Ewan ko sa sarili ko. Pagdating sa kanya ay napaka-emosyonal ko. Pinahiran ko na ang aking luha. Baka naman O.A. lang akong masyado. Baka may ginagawa siyang surprise para sa akin. :)))))))))))))))

Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon