ACT 3

87 4 1
                                    

ACT 3

“YOU’RE A GIRL???!” sabay-sabay na sigaw ng members ng EXO.

“Bakit ano ba dapat maliban sa babae? May iba pa bang gender na nageexist sa mundo maliban sa mga alam ko?”

“Hindi niyo ba nahalata mula sa simula?”sabi ni D.O. mabuti pa tong isang to. Nakikita ang pinagkaiba ng BABAE sa LALAKI maliban sa spelling.

“At bakit hindi mo naman sinabi kaagad? Pinahirapan mo pa muna ako. Kailangan ko tuloy tiisin tong bunganga ng madaldal na to.” Correction, hindi ako madaldal, sinasabi ko lang kung ano yung nasa isip ko.

Napa evil stare lang si D.O. ng parang Duh?-Nagtanong-ka-ba? at  hindi pinansin yung monster na si Kris.

Aba, aba, aba. Kahit pangalan ko nga nakalimutan mong tanungin, ang bagay pa na yan kaya?

“Ah talaga? Sorry po, hindi naman po kasi kayo nagtatanong eh.” Sarkastiko kong sagot. Ilang beses ba dapat nila aaksayahin yung laway ko? Ok, narito ako ngayon sa headquarters ng EXO. Hep, hwag nang magtanong kung paano nangyari yun! Sila lang naman kasi ang may ganitong building dito sa loob ng school. Kumpleto ng facilities;  rooms, lobby, cafeteria, pool, at entertainment area.  May sarili kasi silang building, dorm at parking lot dito. GAnito ba ka monopolized dito ang paaralan na to? Bakit dito pa ako napasok? AHH!! Kung di lang sana ako late enrolee, hinding hindi ako mag-aaral dito!! NEVER!!!!

“Sayang. Akala ko pa naman may bago na tayong member talaga eh.” Sabi ni Kai na nakaupo sa couch sa tabi. Oo, kilala ko na medyo sila. Kasi naman kung hindi ko ba naman nakasalubong tong si Faye ulit sa cafeteria, hindi niya ako titigilan para panoorin ang ginawa niyang presentation/orientation tungkol sa EXO para sa mga baguhan dito, at malas ko, bago ako dito eh. No choice naman diba? Kung pwede lang sana na kahit isang araw man lang, o kaya’y isang segundo na lang na hindi pag-usapan ang EXO dito, siguro sasaya na ako! *Hallelujiah!*

 At kung paano naman ako napunta dito sa HQ nila…PINAKIDNAP NA NAMAN ULIT AKO! Deehhh, joke lang. Nagpadala lang naman sila ng mga tauhan nilang men in black with matching guns, walkie talkie and etc (yeah, you get the picture), eh hindi sana ako sasama eh, pero anong magagawa ko? Baka ipasalvage nila ako ng disoras! Me guns sila eh, eh ako? So, sumama na lang ako ng maayos. See, walang kidnapping at harassment ang naganap.

Again, kumpleto na naman sila at as usual, interrogation mode na naman sila. Kailan ba nila titigilan to? Namiss ko na yung first day ko ng klase, ayokong magka bad impression ako sa mga professors ko no.

“Seryoso?” tanong ko naman. Ah, hello? Para atang walang nakikinig sa akin kanina pa ah? Pwede nang mag escape? Tutal, kung hindi niyo naman ako kailangan so…

Nasa pinto na ko at ilang pulgada na lang na pagpihit at mabubuksan ko na ang pinto na walang nakakapansin  nang may marinig akong hindi kanaisnais at napahinto ng disoras.

“Oi, Suho, paano kaya kung pagpangappin na lang natin siyang lalaki?”

Ha? ME? AKO? Sigurado? HINDI PWEDE!  Ano to? Hana kimi? To the Beautiful You? Kala ko ba sa TV lang yan nangyayari? Uh, guys? We live in reality. Alam niyo ba yan? Blah…blah….blah…”

“OO nga no? Tama ka Tao! Nice Idea.” At naghigh five pa silang dalawa.

Sabi  ngang ayoko eh! Pano kung mabuko ako? Ayokong maexpel noh! Tapos magpapaenrol naman ulit ako…blah…blah…blah…ayokong umulit ng isang taon..blah…blah…blah…paano na ang kinabukasan ko? Blah…blah…blah…”

“Kailangan na natin siyang ayusan. Tapos, mukhang OK naman yung mga damit niya … blah… blah …blah…”

Hello!!!!!!!!!!???????? Naririnig niyo pa ba ako??????” Busy na busy na sila sa kakaplano, sobra sa mga babae maexcite, tapos ako inechos lang nila dito sa isang sulok? Wala na bang freedom of speech dito sa university nila? *buga hangin.*

Not so ordinary (EXO fanfic)[on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon