University of Santo Tomas,Espana,Manila
Halos hindi magkamayaw sa tuwa ang babaeng ito habang pinagmamasdan niya ang buong kabuuan ng gusali ng UST.Tunay ngang naka-miss ang kanyang buhay sa kolehiyo.Kanyang binalikan ang mga alaalang kanyang sinariwa buhat nang nag-aral dito sa UST kung saan siya nakakuha ng kanyang Bachelor's Degree sa kursong Travel Management.Tunay ngang nakakatuwa sapagkat pakiramdam niya'y nag-aral uli siya sa kolehiyo.
At ngayo'y nag-umpisa na ang isang palatuntunan na inaalay para sa mga alumni na kagaya niya,mas kapana-panabik ang bawat sandaling magbabalik-tanaw sa kasaysayan ng kanyang "college life" na tulad ni Arianne,isang babaeng hindi man kagandahan (ng konti )ay maswerte pa rin siya sapagkat tuluyan nang nakatapos ng pag-aaral ng may pinakamataas na karangalan.Ngayo'y muli na siyang nagbalik hindi para mag-aral muli,kundi para magsilbing Guess Speaker siya sa gaganapin na "Grand Alumni Homecoming" ng Batch '05 na karamihan sa mga nakasabayan niya ay puro graduate ng UST.
Isang malakas na tapik sa kanyang balikat ang siyang nagpapatigil sa alaala ng kanyang nakaraan,si Rio.
"Hoy babae! Kaganina ka pa diyan nagmumukmok ha.Ilang oras na lang at mag-uumpisa ang programa",ani Rio na halatang nagmamadali.
"Hindi ha! Alam mo namang nagpapractice ng mga sasabihin ko sa speech mamaya",palusot ni Arianne.
"Sigurado ka ba sa mga sasabihin mo?Baka mamaya kung kailan magsasalita ka sa harap ng stage eh nakalimutan mo na ung mga sasabihin mo",pagtitiyak nito.
"Oo nga.Aanhin ko yun talumpati kung hindi ako nagsasanay,di ba?"paniniguro niya.
"O,sige na.Tama na yan drama mo.Ang mabuti pa ay umakyat ka na sa stage at baka hinahanap ka ng buwisit na faculty member.Alam mo naman ang tindi manigaw yun with matching "P.I. nga,"utos nito.
"Pagpasensyahan mo yung taong iyon.Malay mo,kakalma din yan,"pagtitiyak din niya.
At nag-umpisa na siyang umakyat sa entablado na may kasamang ngiti sa labi.At doon sa kanyang talumpati ay sinalaysay niya ang mga mahahalagang bagay na tunay ngang pang-college life ang dating.College Life,ika nga!
(End of Chapter 1 !!!!!!!!!!!!!!!!)