First Stop! Jeon Cafe

146 1 0
                                    

“Yuri, summer naman e kung gusto mo, maghanap ka muna ng summer job ..”

Hayy nako si tita, talagang ayaw ako pag-stayin sa bahay lang. Pero ok narin yung summer job. Atleast .. may panggastos ako, nasa malamig na lugar pa ko. Syempre gusto ko sa restaurant o kaya basta anong fastfood chain na may aircon. Kay Tita Ailee na ko lumaki, kapatid siya ni mama. Si mama at papa nasa Canada.. dun sila nagtatrabaho. Mabait si Tita, SOBRA! Super close kami .. sa totoo lang, mas close pa kami ni tita kaysa kela mama.

“Tita Ailee! San ba ko pwedeng mag-apply? Yung may aircon ha!”

“Aba! Demanding ka pa ha”

“E syempre tita ayoko namang maging haggard. Ang hirap magtrabaho sa mainit na lugar”

“Hay ikaw na bata ka! May alam ako, coffee shop.”

“Ay sige tita! May aircon?”

“OO! Maganda ung coffee shop nayun. Sosyal. Jeon Café ata ang Pangalan nun”

“APPROVE! Tita ibigay mo sakin ang address at para mapuntahan ko na”

“Now na??”

“NOW NA TITA!”

Binigay na sakin ung address. Wow! Sa Pangalan palang mukang ang ganda ganda nung coffee shop nayun .. Jeon Café .. parang may pagka-Korean ang dating. Gumayak nako, as usual, Shirt .. pants .. rubber shoes .. saka ung MCM backpack ko.

-after 30 mins ..-

Di ko parin nararating kung nasaan ba ung coffee shop nayun! Tama ba yung binigay ni tita? Binabasa kong mabuti ung nakasulat habang naglalakad ako ayan natuloy!! Nabangga ako sa lalaki .. nahulog yung papel. Pinulot ko tapos tumayo ako agad para mag sorry sa nabangga ko.

OMGGGGGG!! He’s so handsome na para siyang Kpop idol! Pero .. nung nag sorry ako, sinungitan pa niya ko.

“So..sorry!”

“Next time kase BE CAREFUL!”

“Nag sorry na nga e.”

“Whatever”

Aba! Layasan ba ko! Porket gwapo siya ganun nalang siya magsungit? Syempre di ako papatalo. May nakita akong papel .. nilamukos ko saka ko binato sa kanya.

“Hey!” sigaw niya

Tumakbo nalang ako na parang ninja sa sobrang bilis. Buti nga sa kanya. SAYANG! Gwapo pa naman saka ang bango bango.

Thank God! Nakatulong pa pala ung pagtakbo kong yun. Nakita ko rin sa wakas ung coffee shop! Pumasok na ko sa loob. Nag-apply ako. Pag sinuswerte nga naman .. natanggap ako nung mismong araw nayun. I’m so impressive daw sabi nung nag-interview. Sabi nila pwede na kong magstart bukas. YES! Sana eto ang maging best SUMMER EVER!

Mr. Spoiled BrattTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon