Namara's Point of View
"Hoy kayo'ng dalawa! Bilisan niyo nga!" Sigaw ko sa dalawang kay ku-kupad magsi-kilos.
"Teka lang naman, Namski. At bakit ba lagi kang naka-sigaw?" Sagot ni Jena.
"E paano bang hindi ako sisigaw? Late na tayo sa orientation, hindi pa tayo nakaka-kuha ng schedule, wala pa tayong locker!" Pumasok na kami sa loob ng university.
"Sorry naman 'di ba? Saglit nga lang alam mo naman naka-heels ako e." Napa-irap na lang ako kay Jena. Si Deri, naman ay busy sa pagka-likot sa cellphone niya.
"Bahala nga kayo diyan!" Agad na akong dumeretcho sa administration office para kumuha ng schedule.
"Namara Santos?" Basa nung babae sa papel na pina-fill up niya saakin.
"Opo." Sagot ko. Nasa ibang counter sila Deri, dahil magka-iba kami ng course na kinukuha.
HRM ang akin at Business Management ang dalawa, sila kasi ang magma-manage ng mga kompanya ng pamilya nila. At halata naman na magaling sila dahil napa-takbo nila ang 1999 cafe ng walang tulong nila Titos and Titas. Ako naman, pinangarap ko ng maging chef bata pa lang ako. Pero sabi nila mag-model na lang daw ako kasi kahit anong kompanya hindi raw tatanggihan ang gandang nananalaytay sa dugo ko. But modeling is not my passion.
"Here's your schedule, you can now proceed to your orientation." Kinuha ko na ang papel at nag-pasalamat bago umalis.
"Namara!" Napatingin naman ako sa mga kulungkoy na tumatawag saakin.
"Huwag kang pupunta sa Orientation Hall." Napakunot naman ang noo ko. Nasa likod na rin pala sila Deri.
"Huh? Bakit?" Nagkatinginan silang apat bago ibalik ang tingin saakin.
"Nandun lahat ng admirer mo kahit sa ibang department. At may hawak silang kung ano-ano...." Kwento ni Timmy, "May mga bulaklak, chocolates, Flowers, at kung ano-ano pa." Dagdag ni Owen, "Halos naghalo-halo na ang perfume nila doon." Dagdag din ni Von, "kadiri nga yung amoy. Yuck!" Huling dagdag ni Jian.
"Hindi naman ganun ka-importante ang mga sinasabi sa orientation, let's go hang out na lang." Pangyaya ng apat na unggoy.
Si Timmy, Von, Jian, at Owen, ay ang mga lalaking hinahabol-habol ng mga babae rito sa Lacxamana University. Sila din ang outstanding player ng soccer team, and kahit mukha silang mga tarantado which is totoo pala, ay magaganda naman ang grades nila. Mga tarantado lang talaga. BM din ang course nila, dahil katulad ng mga beshywap ko, mga tagapagmana rin.
"Hay nako! Tigil-tigilan niyo ako, sayang ang time! Mag-trabaho na lang tayo sa cafe." Saamin, ako lang ang KJ inaamin ko naman yun.
"Gaga! You forgot na ba? Na day off natin ngayon and sarado ang cafe." Paalala ni Deri. Ay oo nga pala.
"Ah basta! Hindi ako sasama sa inyo." Kinurot ako ni Deri, sa tagiliran bago simpleng bumulong,
"Beshy, sumama ka na. 'Wag mo naman ipagkait ang ka-gwapuhan ng apat na nilalang na iyan." Pag-seryoso at may hinihiling dun lang nakakapag-salita ng straight Tagalog si Deri.
"Hindi ko naman hawak ang buhay na mga yan. Kayo na lang." Bulong ko rin pabalik.
Hindi talaga ako sasama sa kanila, ang dami ko pang gagawin noh.
*****
"Namski, dito tayo dali!" Hinatak na ako ni Deri, sa couch. Andito kami sa Gabrizaa bar na pagmamay-ari ni Timmy.
"Dude! Huh? Himala ata na hindi ka pwedeng gumimik?! Dude, may chick rito....tss! Bahala ka its your choice." Binaba na ni Timmy ang cellphone niya.
"Ano sabi niya?" Agad natanong ni Jian.
"Hindi raw siya makakapunta, hahaha! Himala yun! Ang Onse Fernandez, tinanggihan ang pag-gimik?" Natatawa pa rin siya, at nakitawa na rin yung tatlo.
"Sino si, Onse?" Sabay na tanong naming tatlo.
"Ah si Onse, ba? Tropa din namin yun kaso sa Arema Academy siya nagka-kalat ng ka-gwapuhan." Natawa na lang kami'ng tatlo sa ka-hanginang taglay nila, Timmy.
Hindi ako uminom, literal na hindi talaga. Dahil alam kong ako ang maga-asikaso sa dalawa kong dakilang kaibigan.
"Von, you didn't drink?" Nahalata ko iyon dahil hindi namumula ang mistiso niyang mukha.
"Not that much." Sagot nito bago directhong nilagok ang beer na hawak niya. Tinignan ko naman ang mga kasama namin, and yes! si Jian, bagsak na. Si Timmy, Owen, Jena, at Deri, andun sa dancefloor at naghahasik ng lagim.
Imbis na mainis ay natawa na lamang ako sa pinaggagawa nila, si Jena at Deri, ay nagt-twerk dance battle at si Owen at Timmy ang taga-cheer kasama ang ibang tao roon. Ganyan ba talaga nagagawa ng stress? buti na lang ako kahit stress maganda pa rin.
*****
BINABASA MO ANG
Beauty And The Medyo Bastos
Teen FictionBANANA! -Bob (Minions) IMAGINATION! - SpongeBob