Move On

1.3K 29 4
                                    

ayan ang simpleng salitang mahirap panindigan.. salitang madaling sabihin sa sarili pero ang tanong.. kung kaya mo bang panindigan?

Naisip ko tong blog ko dahil naranasan ko na rin magpaka dakilang tanga. ngayon. ang bottom line eh ang mahirap sa salitang move on ay ang "PALAYAIN MO SYA" at palayain mo ang sarili mo.

para sakin mas madali kang makamove on kung papalayain mo muna ang sarili mo sa nakaraan.

Sa move on na yan eh pwedeng ikumpara sa salitang "mag didiet na talaga ako" yan ang salitang walang katapusan.. dahil ang katapat nyan ay ang salitang "BUKAS NA TALAGA" it's easy to say but it's hard to do. right? hindi naman talaga magiging mahirap kung may control ka sa sarili mo.

parang love yan. "kakalimutan na kita" , "magmove on na ako" pero pag nandyan na sya. haha. hala sige iiyak ka lalo na pagkinausap ka nya.. bibigay ka kaagad. gets mo?

Ahaay! anak ng tinapa! ang ibig kong sabihin eh kung baga sa handaan. kung maraming pagkain. eh tingin mo macocontrol mo ang katakawan mo? hindi diba? kakain ka ng kakain tapos pag tumaba ka? magsisisi ka na at sasabihin mong "SANA DI NA LANG AKO KUMAIN!" loko ka ba? sinong niloko mo aber?

tapos iapply natin yan sa LOVE.. 

Kahit anong pag-ayaw mo sa kanya.. pag nandyan na sya o lalapit sya.. mawawalan ka ng control sa sarili mo. konting iyak nya.. konting drama.. konting arte.. OKAY. isang malaking OKAY. tatanggapin mo. 

at eto ang fact. pag nasira ulit kayo.. magsisisi ka ng bongga. iiyak ka ng bongga.

yan naman ang hirap sa tao eh. pag nagsisisi.. sasabihan ng kung ano ano "gago talaga sya binigyan ko sya ng pagkakataon ulit pero inaksaya nya" fact yan sa babae. eto pa "walang hiya talaga sya!" okay? tama diba? yan ang mga sinasabi ng mga BITTER. para saakin. kung sino ang nagbigay ng chance sya ang "gago" sya ang "tanga" dahil kung matalino sya. bakit binigyan pa nya ang chance ang taong nanakit sa kanya. diba? yun yon. dahil kung hindi sya tanga o mas matalino talaga sya kaysa sa nanloko sa kanya eh hindi nya tatanggapin dahil alam nya sa sarili nya na masasaktan sya. KUHA MO? 

kung hindi mo kuha. aruuy! wala na! sumakit na ulo ko. haha!

pero kidding aside. yang "move on" thing na yan maraming epekto sa buhay ng tao yan. minsan may madaling makatanggap. minsan emo laslas forever. minsan dadaanin sa kanta. sa tula. yuck! ang kakata :)) *wait nosebleed* 

pero seryosong usapang walang tadyakan. habang mas maaga pa lang. gawin mo na ang alam mong tama. hindi yung TAMA TAMAAN! baka matamaan ka ng wala sa oras sakin. haha! what i mean is kung 

alam mong saan ka magiging maayos. Oo. this point. think for yourself. wag mong sabihing "buhay ko sya" Wow! gasgas na ang salitang yan pap! at hindi totoo yan. alam mo kung bakit? 

kasi yang katagang yan *wow! very tagalog* .. hindi mo sya buhay pare. dahil nung mabuhay ka? nung pinanganak ka? kasama mo na ba sya? hindi naman diba? kaya wag mo sayangin buhay mo dahil sa kanya.

kung titignan mo lang ang tunay na buhay. makikita mo ang totoong buhay sa sarili mong buhay . kuha mo?

at isa pa ha! ang mga dakilang emoterong nagtatangkang magpakamatay. wow. wasted much? maglalaslas. magbibigti. lalasunin ang sarili. iinom ng baygon. tatarakan ng kung ano ang sarili. sus. kahit anong klaseng pagpapakamatay mo. hindi ka mamatay kung hindi mo pa oras! aysus. maghintay ka lang. baka bukas nga eh mawala ka na. Haha!

alam kong weird dahil ang move on ang topic tapos napunta sa suicide? 

yeah bebe! connected yan. lalo na sa mga wasted ang buhay. konting problema eh sasaktan ang sarili. baliw noh? wag mong sasabihing "tao lang ako nagkakamali" wow ha? jinsutify mo pa :)) lahat tayo tao hindi lang ikaw. kaya pwede ba? 

Ang mas magandang gawin mo eh hayaan mo na lang sya. maging matatag ka sa sarili mo dahil isipin mo nga! nanghinayang ba sya nung iniwan ka nya? gano ka nakakasigurong nasaktan sya sa nangyari sa inyo? gaano ka nakasigurong totoo ang rason kung bakit kayo naghiwalay kung alam mo sa sarili mo na hindi nag kulang?

napaisip ka diba? no assurance diba? yan kasi ang katotohanan. wala kang alam sa totoong nararamdaman nya. kaya please lang? magtira ka sa sarili mo. at pag tuunan mo ang sarili mong pamilya na naghahanap ng pagmamahal mo.

Alam kong mahirap talaga ang makalimot sa nakaraan. lalo na kung lahat ng bagay sa paligid mo eh nagpapaalala sa kanya. Oo, hindi maiiwasan yun. pag punta mo ng school. kahit sa bahay nyo. iisipin mo na "sana hindi na nangyari yun, sana kami pa hanggang ngayon" pang famas ka dear!

hayaan mong magsilbing nakaraan na lang sya. hayaan mong magsilbing lesson sayo ang nangyari.hindi naman kasi bigla bigla mawawala ang nararamdaman mo sa kanya eh. dahil hindi mo makukuha ang isang bagay na gusto mong matutunan kung hindi mo pagtyatyagaang pag aralan.

basta ang alam ko lang gawin ko ngayon is take my life cool. dahil alam ko bago pa lang ako ipinanganak God has a big plan for me. and God knows everything.

Kaya wala man akong maitulong sayo sa problema mo. magdasal ka. tignan mo mas epektib! kaysa da blog na toh :))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Move OnWhere stories live. Discover now