We're Done

1K 50 11
                                    

We're Done

For everything, sana ay hayaan niyo kong magpasalamat sa inyong lahat. Sana ay basahin niyo pa rin po ito.

Hindi ko kayo kayang isa-isahin. Unang una dahil alam ko naman po na may silent readers ako. But I still want to thank each and everyone of you. Sa mga bumoto at nagcocomment consecutively, lalo na sa mga walang palya, sobrang nagpapasalamat po ako. For voting and commenting, thank you for giving me a piece of your time.

Kahit ilang oras kong sinusulat ang isang chapter, kahit ang dami ko ng ginagawa, kahit sinisiksik ko lang sa oras ko 'to, I never gave up dahil sa inyo. Kahit minuto lang ang oras ninyo ay napakalaking bagay na sa'kin. Lalo na kapag nagvovote at nagcocomment kayo. Mas namomotivate ako. Mas ginaganahan ako.

Siguro may ibang hindi na nagpatuloy pa sa pagbabasa nito. Siguro may ibang hindi na nagustuhan pa 'to. But it's fine with me. Nagpapasalamat rin naman ako sa mga nagbibigay ng critique. Dahil natututunan ko rin namang mag-improve at itama ang mga mali ko.

Sa lahat ng sumubaybay ng Reaching The Stars simula umpisa hanggang sa pagwawakas, maraming maraming salamat po. Sinamahan niyo ko sa unang kwentong natapos ko. Yeah, maybe this is not my first story but this is the first story I was able to finish. Hindi ko 'to magagawa kundi dahil sa inyo.

Sa mga nagchachat sa'kin sa facebook, sa mga comments niyo every chapter at sa mga nagmemessage sa'kin dito sa wattpad. Alam niyo po bang sobrang naappreciate ko yon? Sobrang natutuwa ako sa mga messages ninyo. Hindi ko inaasahan na may susuporta sa kwentong ito at sa'kin. Sa mga comments, natutuwa talaga ko dahil nagagawa ko minsan ang goal ko sa isang chapter, ang bitinin kayo, paiyakin, pakiligin, galitin o pasayahin. Thank you po sa mga comments. Sorry po kung di ako nakakasagot sa mga comments niyo pero namomonitor ko po lahat yon. At masaya kong mabasa ang kahit smiley na comment lang. For all those na sumali po sa cameo at role announcements ko, maraming salamat din po. Thank you for participating and giving a time para dun. :)

Writing is not that easy. Isa yan sa natutunan ko. Marami kang dapat isipin, hindi lang ang gusto mong mangyari kundi pati na rin ang iisipin ng mga mambabasa mo. Kung paano mo bubuhayin ang bawat characters sa kwento mo at kung paano mo mabubuhay ang interes sa kwento. In this story, ang dami kong mali. But that's part of writing naman diba? Kaya sa pagtatapos nito, maliban sa pagpapatuloy sa iba ko pang kwento at sa paggawa ng panibago, irerevise ko rin 'to. Sa mga humihingi ng soft copies, hindi ko pa po kayo mabibigyan. Pero thank you rin po dahil sa kagustuhan niyong mabasa ito kahit wala kayong wattpad app. Nakakatuwa na gusto niyong subukan basahin ang kwento. Salamat po. Sa mga nagpapadedicate sa'kin na hindi ko po nabigyan ng dedication, sorry po. You can message me or comment here para po kapag nirevise ko na 'to, maidedicate ko po sa inyo ang ibang chapters. Let me make it up to you.

Yeah. Hindi lang po kayo ang gusto kong pasalamatan. Kundi ang best friend ko na din. Without her, hindi ko rin 'to maipagpapatuloy. Sa una, sinubukan lang talaga namin 'to. We are both addicted to CNBLUE at naisipan naming gumawa ng kwento tungkol sa kanila. Opo, isang kalokohan lang talaga ito nung una. Never did we expect na may magmamahal rin sa kwentong ito. Na may susubaybay dito. Pati po siya ay nagpapasalamat sa inyo. So yes. Best friend ko, maraming salamat sa'yo. Nagawa natin, hindi lang natin naumpisahan, natapos rin natin. Thank you so much. Me loves you, alam mo yan. Alam kong susuportahan mo ko sa kahit anong isulat ko diba? Salamat, best friend!

Eto na nga po. Maraming salamat po talaga sa inyong lahat. Hindi ko alam kung gaano karaming pasasalamat ang dapat kong sabihin sa inyo. Napakathankful ko kasi talaga dahil may readers akong katulad ninyo. Salamat sa pagsama sa pagluha, sa pagtawa, sa kilig, sa galit, sa lungkot at saya nina Nikka at Ynnah kasama ang CNBLUE. Ngayon, alam kong sobrang mahal niyo talaga ang CNBLUE at mas minahal niyo pa sana sila. To my non-kpop fans, sana ay nagawa kong ipakilala ang boys sa inyo. Sana ay nagustuhan niyo rin po sila. At kaya ko rin po 'to irerevise ay para sa mga non-kpop fans. Ipapaintindi at mas ipapakilala ko sa kanila ang CNBLUE. Pero maraming salamat pa rin po talaga. Salamat! Salamat! Salamat!

May mga nagsasabing sana daw ay mapublished ito. And unexpectedly, pwede ko na talaga siya ipapublish dahil may interesado ng printing press, ang LIB. But we'll see. Iuupdate ko po kayo at sana po sa pagsuporta niyo dito, sana kung sakali ay suportahan niyo rin po ang published book ng RTS. Thank you, Life Is Beautiful printing press pati na rin sa'yo Layzelle. :)

Sa mga susuporta pa rin po sa mga stories ko, ngayon pa lang po ay pinapasalamatan ko na rin kayo. I'll continue to write fan fictions. At ang susunod ko pong isusulat ay baka EXO fan fiction na po. Sana sa mga CNBLUE fans ko na hindi trip ang EXO or what, sana subukan niyo pa rin basahin yon. I swear, you will also like them. Hihihihi! We'll see. This is not yet finalized.

Basta, maraming salamat po. At sige na nga. Aamin na po ako sa inyo bago ako magtapos o bago pa tayo maghiwalay. My codename Yuhi is from the letters 'U and E' of CNBLUE. Gets niyo po? Bakit? Dahil bias ko sina Yong Hwa (Emotional) at Jung Shin (Untouchable) at sa story, napansin niyo naman po sigurong sina Yong Hwa at Jung Shin ang bias ni Nikka diba? Opo, ako kasi si Nikka. And that's my real name, I'm Nikka Mae. I know may mga readers na kong nakapansin nun. While Ynnah Dominique is my best friend's real name. Sa mga kabilang po sa text clan ng BOICE PH, once na po akong nakasali dun pero kinailangan ko pong magquit. Si Ynnah naman po ay kasali pa rin dun. Kaya kung kilala niyo siya, kulitin niyo at awayin niyo na. Lol :))) At hello kina Geng, Marvs, Zy at Jorie, pinabanggit kayo ni Ynnah. :D Hello, sana makilala ko rin kayo. ^^

Hindi na ko magdadamot pa. You can interact with me and Ynnah through twitter, my username is @iamnikkawesome and Ynnah's username is @iamhyunique. Dahil hindi po ako nakakasagot sa mga comments niyo dito, sa twitter sasagutin ko na po kayo. Wag po kayong mag-alala, hindi po ako snobber. Hahaha! And you can ask us there about anything. Hindi po kami masungit. Promise! At mas active po kasi kami pareho sa twitter. :)

So yeah. Ynnah and I didn't decide to make this story just because of ourselves. That's not the issue here. This story is not just for us but also for everyone, for every CNBLUE fan and for other fandoms. Hindi ko goal ang paasahin kayo sa mga bagay bagay, my goal here is to make you believe. To believe in yourself. In reality, yes this is impossible. But we should continue to dream, we should continue to work hard, we should continue to believe to make everything possible. Katulad ng pangarap ng bawat isa na pumunta sa Korea, I think all of us can. And all of us have our own stars to reach, keep reaching it. Keep dreaming at mismong bituin niyo na ang lalapit sa inyo.

Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Let's keep on supporting and loving CNBLUE. Thank you everyone! 사랑해요~ 화이팅!

"Every story has an end but in life every end is just a new beginning."

-Nikka Mae

🎉 Tapos mo nang basahin ang CNBLUE: Reaching The Stars (The Last Part - PUBLISHED UNDER LIB) 🎉
CNBLUE: Reaching The Stars (The Last Part - PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon