Epilogue
[Nikka's POV]
"Habang lumalaki siya, nagiging kamukha niya si Yong Hwa."
"Ma naman, e sino bang tatay niyan? Siyempre magiging kamukha niya yon."
"Ibig kong sabihin parang lahat sa tatay niya nakuha. Kung hindi ikaw ang nagluwal sa kanya, Nikka, iisipin kong si Yong Hwa lang ang magulang niya."
"Ay nako, Ma! But it's a good thing diba? Gwapo siya! Kung kamukha yan ni Nikka edi---"
"O ano, Ate? Sige ituloy mo yang sasabihin mo."
"Wala. Ikaw talaga. But seriously, Nikka. Wala ka bang balak ipaalam ang tungkol sa baby niyo kay Yong Hwa?" Napalunok ako sa tanong ni Ate. Nilingon na rin ako ni Mama na kanina pa sa baby ko nakatingin.
"Oo nga naman, Anak. Alam mong may karapatan si Yong Hwa sa anak ninyo. Malapit na rin siyang mag-isang taon. Kapag lumaki siya, hahayaan mo bang wala siyang makilalang ama? At kaya nga ayaw mo siyang pabinyagan pa dahil sa wala si Yong Hwa. Ang pangalan din niya, hindi dapat apelido mo kundi ni Yong Hwa."
"At eto ang pinakaengot na ginawa mo, Nikka. Alam ko naman na matalino ka pero hindi ko alam na magiging tanga ka rin pala at sa ganitong sitwasyon pa. Alam mo na nung nasa Korea ka na buntis ka, dapat sinabi mo na sa kanya. He needs to know, he needs to do something for the sake of his child and for you. Pero anong ginawa mo? Inunahan ka ng katangahan. Tinago mo ang baby niyo."
"Mama, Ate, eto na naman ba tayo? Hindi ko 'to ginusto pero kailangan e. Oo na, ako na ang tanga. Naunahan ako ng takot, takot para sa baby namin, takot para kay Yong Hwa, takot para sa inyong pamilya ko."
"Alam namin yon, Anak. Pero dapat inisip mo rin ang mag-ama mo. Pinaghiwalay mo sila. At sa ginawa mo, pakiramdam ko ay si Yong Hwa ang mas nasaktan. Sa sandaling panahon na nakilala ko siya noon, kahit hindi kami nagkakaintindihan talaga, alam mo bang ramdam na ramdam ko kung gaano ka niya kamahal? Kaya nga naging masaya na ko para sa'yo, kaya ipinagkatiwala na kita sa kanya dahil mahal ka niya at nakikita ko yon. Sinabihan pa niya ko noon na aalagaan ka niya pero hindi ko alam na ikaw pa pala ang mang-iiwan. Okay lang sana, Anak e. Pero hindi lang sarili mo ang inihiwalay mo sa kanya, kundi pati ang parte ng buhay niya ay inihiwalay mo sa kanya."
"Alam ko po yun. Alam ko po yun... Alam ko." And here I am again, tumutulo na naman ang mga luha ko.
"Pero ano pa ngang magagawa natin? Ilang buwan na rin ang nakalipas. At hindi ko magawang magalit sa'yo, Anak. Kahit sabihan pa kita ng paulit-ulit, wala na. Nagawa mo na." Niyakap ako ni Mama at hinagod ang likod ko. Hindi pa rin talaga nauubos ang mga luha ko.
"Pero sa pag-alis mo ng Korea noon, Nikka, umasa ka bang susundan ka ni Yong Hwa? Na pupuntahan ka niya dito sa Pilipinas?"
Tumango lamang ako sa tanong ni Ate. Oo. May parte sa'kin na kinabukasan noon sa paggising ko, ay makikita ko ang CNBLUE, o kaya si Yong Hwa. Umasa akong hahabulin niya ko at susundan dito sa Pilipinas. Akala ko ay babawiin niya ko muli at sasabihan na bumalik sa Korea kasama siya. Pero nagkamali ako. Umasa ako sa wala. Hindi niya ko sinundan. Lumipas ang maraming buwan hanggang sa mailabas ko na ang baby namin, wala pa rin siya.
Hindi niya ko sinubukang tawagan o imessage pagkatapos kong umalis. Naisip ko na noon na galit na siya sa'kin. Siguro nga. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa pero mas nasaktan lamang ako. Pero ano pa bang magagawa ko? Natatakot na ko, natatakot na ko kapag nagkapakita pa ko sa kanya. Nasusubaybayan ko pa rin naman ang CNBLUE sa mga nakalipas na buwan. Natutuwa ako dahil patuloy sila sa pagkanta at pag-arte. Tinupad ni Eun Sung ang ipinagkatiwala ko sa kanya. That's enough. Matagumpay pa rin ang CNBLUE.
BINABASA MO ANG
CNBLUE: Reaching The Stars (The Last Part - PUBLISHED UNDER LIB)
FanficAnd we are finishing the story. The story about two fangirls who planned to be with their Idols, their stars. They did everything. They became part of them. They loved them. Yes, everything was planned. Will it end the way they planned it or fate...