Tupad Ng Pangarap (Camille Santos) (Tag)

213 2 0
                                    

Requested by: @CheRishMibaloSiBayan
~~~~
Kayraming pangarap minsan natutupad
Minsan 'di para sa atin
Sa mga pagkakataong ito
Ako'y nagpapasalamat pa rin

Sa pagsikat ng araw
Liwanag ng buwan at bituin
Tubig sa dagat, mga puno't bundok
Sariwang simoy ng hangin

Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko

Mga bituin sa kalangitan
Kailangan ba'ng abutin?
Ang liwanag nito'y nagniningning
Ay kaligayahan sa akin

Bahaghari pagkatapos ng ulan
Halakhak at awiting kay sarap pakinggan
Mga taong mabait at mapagbigay
Yakap at ngiti ng mahal sa buhay

Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko

Kagandahan, kabutihan, kaligayahan ang hatid...

Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko

(Oh kay ganda ng ating mundo)
Oh kay ganda ng ating mundo
Tupad na ang pangarap ko

Song LyricsWhere stories live. Discover now