CHAPTER ONE
NAGMAMADALI si Geo na makarating sa gym ng kanilang eskwelahan para sa praktis nila ng basketball para sa nalalapit na interschool basketball challenge para sa Charter Day ng kanilang lungsod ng may marinig siyang tumutugtog ng piano sa isa sa mga kwartong lagi niyang nadadaanan. Bumalik siya sa kwartong iyon at sinilip kung sino ang tumutugtog doon. Namangha siya ng makitang muli ang babaeng iyon na nakaupo at tumutugtog sa harap ng piano. Lagi na niya itong nakikita doon. Gusto niya itong makilala noon pa pero laging may sagabal at hindi niya ito tuloy malapitan. Natigil siya doon at nakalimutan niyang may praktis pa siyang hinahabol.
Nakapikit ang babae na tila ramdam na ramdam nito ang mga notang tinutugtog nito sa piano. Maganda ang hugis pusong mukha nito na nababagay naman sa mahaba at kulay itim at tuwid nitong buhok. Malalago ang mga pilik-mata nito. Maliit na matangos ang ilong nito na nababagay din naman sa maliit at manipis na mga labi nito.
Napapikit siya sa ganda ng saliw ng musikang dulot ng pagtugtog nito. Kung hindi siya nagkakamali iyon ay Piano Sonata No. 3 in C major ni Ludwig van Beethoven. Iyon ang paborito niyang komposisyon ni Beethoven. Sa katunayan ay may CD ang Daddy niya ‘nun na laging pinapatugtog nito na kalaunay naging paborito na rin niya. Pumapalakpak siya. Talagang kuhang-kuha nito ang timing ng naturang komposisyon. Parang si Beethoven mismo ang tumugtog niyon.
“Ang galing!” aniya at nilapitan niya ito.
Napatayo naman ang babae ng marinig siya. Halatang nagulat ito sa presensya niya doon. Nakapikit kasi ito kanina at feel na feel nito ang pagtugtog at hindi namalayan nito na nakikinig lang pala siya sa likuran nito.
“K-kanina ka pa d’yan?” nauutal na tanong nito sa kanya.
Tumango siya. “Ang galing mo talaga. Ngayon lang ako nakakita ng estudyante sa paaralang ito na ganun kagaling tumugtog ng piano.”
“Salamat. Hindi naman ako magaling. Natsambahan ko lang siguro. Ilang buwan ko na rin naman kasi itong tinutugtog kaya namaster ko na.”
“Pahumble ka pa. I know magaling ka talaga,” pagpupumilit niya. “By the way, I’m Geo. And you are?” At inabot niya ang kanyang kamay rito.
“I know you. Sikat ka naman dito sa eskwelahan eh. Ako nga pala si Tessa,” pagpapakilala nito na atubili pang iabot ang kamay nito sa kanya.
“Nice to meet you, Tessa. Oh, I have to go na. May practice pa pala ako,” aniya. “Hope to see you again.” At tumalima na siya agad.
HOPE to see you again. Umaalingawngaw iyon sa pandinig ni Tessa habang hatid-tanaw niya ang papalayong si Geo. Ibig sabihin makikipagkita pa ito sa kanya? Tuloy hindi niya maiwasang kiligin sa isiping iyon.
Kanina pa siya doong tumutugtog ng piano. Lagi siyang tumutugtog doon ng mga ganung oras ng hapon dahil sa pagkakaalam niya ay wala nang dumadaan doon papuntang gym. Marami kasing nagsasabing may multo doon kaya wala na gaanong dumadaan doon lalo na kapag nag-iisa lang. Pero napatunayan naman niyang hindi totoo ang tsismis na iyon dahil sa tinagal-tagal na ng pagtutugtog doon sa silid na iyon ay wala naman siyang nakita o naramdaman na kakaiba.
Bukas ang kuwartong iyon para sa mga estudyanteng gustong tumugtog doon ng mga musical instrument. Malayo din ang kwartong iyon sa ibang mga kwarto sa loob ng university nila at kanina ay wala ring tao sa paligid nang magtungo siya roon.

BINABASA MO ANG
A Song For You ***Published under Lifebooks***
Teen FictionThe first day na nakita ni Tessa si Geo ay nasabi na niya sa kanyang sarili na ito ang lalaki para sa kanya. Kaya laking tuwa niya ng isang araw ay nilapitan siya nito at pinuri sa pagtugtog niya ng piyesa ni Beethoven sa music room ng unibersidad n...