Chapter Four

1K 19 1
                                    

"NAPAKATORPE mo talaga, Geo!" anang ni Geo na sinabunotan pa ang sarili ng makapasok na siya sa loob ng kanyang kwarto sa apartment niya.

Pabagsak na nahiga siya sa kanyang kama. Akala niya that night ay makapagtapat na siya kay Tessa pero bigo pa rin. Plano niyang magtapat na ng gabing iyon sa loob ng sinehan pero nangangatog ang tuhod niya. Puro lang pasaring ang tanging lumabas sa mga labi niya.

Matagal na niyang gusto ang dalaga since he saw her playing the piano on that room. Hindi lang naman isang beses niya na nakita niya itong tumutugtog doon. He found her beautiful when Tessa played the piano. Parang may sariling mga isip ang kamay nito kapag nasa harap ng piano.

Lagi itong nakapikit kapag tumutugtog ng piano. Tila ninanamnam nito ang bawat nota ng musika na lumalabas sa mga tiklado ng piano. Her talent in playing piano is exceptional also. He like Tessa as she is simple and adorable hindi kagaya ng ibang mga babae sa kanilang eskwelahan na siyang nanliligaw na sa kanya.

Hindi niya masisisi ang mga ito. Talagang nabulagan ang mga ito sa pagkatao niya. They love him because of his talent not for what he was. Pero iba si Tessa. Crush siya nito dahil siya ay siya. Hindi dahil sa pagiging campus figure niya.

"Kailan ko kaya masasabi ang nararamdaman ko sa kanya?"

Iyon ang katanungan niya sa kanyang sarili bago tuluyan niyang ipinikit niya ang kanyang mga mata. Bukas na lang siya magpapalit ng damit total linggo naman.

ARAW-araw na magkasama sina Tessa at Geo. Laging sinusundo at hinahatid si Tessa sa bahay nila ng binata. Kaya hindi na niya maipagtataka na matsismis sila bilang magkasintahan sa buong campus. She expected that it will happen lalo na at naging close at sweet ito sa kanya. Maraming mga babae na nga sa kanilang campus ang nagagalit sa kanya pero hinding-hindi naman siya magagalaw ng mga ito dahil kilala siya ng mga ito na walang inuurungan at siyempre alam din ng mga ito na kakampihan siya at ipagtatanggol ni Geo. Ang sasama pa nga ng tingin ng mga tingin nito sa kanya pero dinededma lang niya ang mga iyon.

"Magtapat ka nga sa akin babae ka! Ikaw ba'y may nililihim sa akin? Kayo na ba ni Geo Aranguiz?" sumbat-tanong ni Annie sa kanya.

"Kung kami, aba'y ang suwerte ko pag nagkaganun. Kaya lang hindi!" sagot niya. Nasa tree park sila ng kanilang campus isang hapon matapos ang uwian.

"Paanong hindi eh lagi kayong magkasama at nagdi-date?" tanong uli nito sa kanya.

"Sister date lang 'yun. Hindi naman siya nagtatapat sa akin. Alangan naman ako ang manligaw sa kanya. Pero feel ko naghahanap lang siya ng tiempo."

"Tiempo ka dyan! Ang sabihin mo torpe lang 'yang lalaking mahal mo."

"Hindi naman siguro. Baka humanap lang siya ng buwelo. Siguro he want to be memorable and romantic 'yung pagtatapat niya sa akin," pagtatanggol niya sa binata. Pero ang totoo'y naiinis na talaga siya dito. Isang buwan na mahigit silang laging magkasama at nagdi-date nito pero puro palipad-hangin lang ang ginagawa nito sa kanya.

"Naku. Turn-off 'yang mga torpe na 'yan. I think you need to buy kerosene para matanggal 'yang mga pulot ng langka sa bibig niya kaya hindi maibukabuka at nang makapagtapat siya ng damdamin niya sa'yo. O baka naman friend material lang talaga ang tingin niya sa'yo," turan nito.

Napaisip siya. May punto din si Annie sa mga sinasabi nito tungkol kay Geo. Pero never niyang gawin na siya na ang manligaw dito. Tama na 'yung inamin niya dito na crush niya ito. Kung hindi lang talaga siya nacorner nito ng araw na iyon ay hindi niya iyon ipagtatapat lalo pa at kahiyahiya talaga.

A Song For You ***Published under Lifebooks***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon