[SIRENE's POV]Prom...
The most awaited night.
Prom night na, nasa harapan ko si Celine. Minake upan ko sya gaya ng plano..
Binigay ko sa kanya yung gown na dapat sakin. Wala e. Ito lang yung alam kong plano na magiging successful..
Napabuntong hininga ako saka sya tinignan, pinapakalma ko yung sarili ko para di ako magmukhang tanga sa harap nya.
Pinipigilin ko yung luha ko na kanina pa gustong makawala.
Wala e! Ito lang yung naisip kong paraan para magka balikan sila! Kahit sobrang sakit. Tinitiis ko, tinitiis kong maging kalmado sa harap ni Celine
Iba kasi sana yung plano ko, this gonna be the first time na aamin sana ako kay Raico. This night, pero naudlot sa pagdating ni Celine sa buhay nya.
Tinitiis kong wag umiyak sa harap nya at sabihing 'pls. Pakawalan muna sya kasi mahal ko din sya!'
Tinitiis ko. Yun yung plano e! Kahit durog na durog na yung puso ko sa sakit.
Hindi ko na imagine to, from the day na nakuha ko yung gown
"Ready?"
I ask herHumarap sya sakin. Ito yung napaka sakit sa part ko. Ang magsilbing tulay nilang dalawa..
"Ready! "
She said at dali dali nang bumaba. Hinatid ko sya sa labas."Thank you Sirene. Utang ko to sayo"
She said and hug me. I hug her tooNung umalis si Celine. Dali dali akong nag bihis at sinuot yung hood na hanggang paa yung haba. Pumunta akong Prom.
Kahit masakit talaga, pumunta ako. Gusto kong tignan kung worth it ba yung pagsasakripisyo ko.
Nakita kong naka ngiti si Rai sakin pero kunot noot syang nakatingin sakin. habang lumalapit sya dito. He held my hand, pinag tinitignan kami ng karamihan dahil naka dress lang ako at naka hood pa
Masaya na din ako kasi kahit papano ganun pala yung magiging reaction ni Rai kung sakaling makikita nya ako.
"Sirene! Bakit di mo sinuot yung gown na binigay ko?"
Tanong nya sakin pero bakas yung pagka irita nya sakin"May surprise ako sayo"
Nabawi yung kaninang bad trip nyang mukha, napangiti sya sakin.
Mas lalo akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng sobrang higpit. Hindi ako nag pahalata na naiiyak na ako.
Ito na yun. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge ni Rai at hinalikan yun. Napangiti sya
"Enjoy the party"
sinenyasan ko na si Celine na lumapit.
Nagulat si Rai nung makita si Celine na nakatayo sa harapan nya suot ang gown na binigay nya sakin. At dun na nagsimulang nag bulungan ang mga tao. At dun na din nagsimulang tumulo yung mga luha ko.
Dali dali akong tumakbo at hinawi ang mga taong nakaharang sa dadaanan ko. Masyadong masakit, sobrang sakit.
Nang makalabas ako, napa upo ako sa hagdan sa labas, bakit ganito kasakit? Bakit ganito kasakit yung nararamdaman ko sa kanya?
Hindi naman to dapat nangyayari eh. Bakit ganito?
Sobrang sakit! Yung durog kong puso ngayon pulbos na.