Chapter 5 (Last Hopia)

565 12 0
                                    

[Vice's POV]
"Hindi ko siya ma-contact, naka patay phone niya"sabi ni Anne
"Tumawag ako dun sa hotel, sabi niya kanina pa raw naka alis si K" sabi naman ni Billy
Naiiyak na ako "hindi pwede, naniniwala ako sisiputin niya ako"sabi ko
Vhong placed his hand on my shoulder "Sorry Vice, pero mahigit isang oras na Tayong naghihintay"
"Hindi" at tuluyan na akong napahagulgol
Hindi pwedeng hopia parin ito, mahal ako ni Karylle nararamdaman ko...
Pero aaminin ko na nawawalan na talaga ako ng pag asa
Inakap naman ako Nina Anne, Billy, Vhong, Jugs, Teddy, Jhong, at kuya Kim
Rinig ko pang nagbubulungan ang mga press "paniguradong laman nanaman siya ng balita mamaya"
Mas Napa iyak ako
Nabigla naman kaming lahat ng bumukas ang pintuan ng simbahan
Para nalang umatras ang luha sa mga mata ko ng makita ko si Karylle na naka cream white na gown at naka belo
Nagsimula namang itinugtog ng pianist at violinist ang piano at violin sa saling ng kantang 'Buko'
*Naalala ko pa,
Nung nililigawan pa lamang kita,
Dadalaw tuwing gabi,
Masilayan lamang ang iyong mga ngiti*
Nakita ko siyang papalapit ng papalapit
And everything went blurry all I can see is her like she's the only woman in the world
Naiiyak na ako sa tuwa
Enebe te! Ganap na talaga akong naging tiboli, kick out na talaga ako sa pederasyon pero ayos lang worth it naman
*Kung inaakala mo,
Na ang pag-ibig ko'y magbabago,
Itaga mo sa bato,
Dumaan man ang maraming pasko"
Parang nagiislow-mo ulit ang mundo at bumabalik lahat ng alaala
ayan na siya...
Napansin ko namang medyo magulo na ang look niya
pero ang ganda niya parin
"Sorry na-late ako"sabi niya "traffic nanaman kasi sa EDSA"
Tumawa naman ako at lumapit sa kanya at patay malisyang bumulong
"At dahil pinag antay mo ako at pina iyak, humanda ka saakin mamaya sa honeymoon"
Namula naman siya
Sinimukan na ng Pari ang seremonya
Hanggang sa dumating na ang pagpapalitan ng pangako
"Binibining Kurba, nanay ng mga Vicerylle Babies ko, ang tanging babaeng tunay Kong minahal, Ang buhay ko.... Labyu!"
Nakarinig naman ako ng hiyawan
"Nabuo ang ating tambalan dahil sa katuwaang halik, inaamin ko nandiri ako ng beri beri light doon, eh pano allergic kasi ako sa Tahong....... well dati yun"
Nakita ko ang pag ngiti niya
"Pero Di ko inaasahan na doon na pala ako magsisimulang mahulog sa iyo"
Nakarinig ulit ako ng tilian
"Dati, pinapantasya ko lang ikasal kaso ako yung bride doon sa pantasya ko eh"
Napuno naman ng tawanan
"Pero ngayon, okay lang na hindi ako ang maging bride, basta't ikaw lang ang bride ko"
Tumawa naman si Karylle kasabay ng hiyawan ng mga tao
"Ansabe!"sabi ko
tumawa ulit lahat
"Pero seryoso na, kahit komedyante ako seseryosohin kits, ipinapangako ko sa harap ng Diyos, sa harap ng pamilya natin, sa harap ng malalapit saatin mapa showbiz man o hindi, sa harap ng madlang people, sa harap ng mga anak natin" tumingin naman ako sa mga Vicerylle babies na naka pasok sa simbahan na mangiyak ngiyak na at ang iba ay nagtitilian pa "at ipinapangako ko sa harap mo, Na mamahalin kita hanggang sa dulo ng aking hininga, to the peculiar girl that I love, ang converter ko, to the BU of my KO, I am here in front of you promising to love you... In sickness and in health, in richer or in poorer, ti'll death do us part"sabi ko sabay shot ng wedding ring namin sa kanyang daliri
"I love you Kurba, kahit kulot ka man"bulong ko
Now its her turn to vow...
"Vice------"
"Ayusin mo K kung hindi, kukutusan talaga kita--charot!"
Napuno ng tawanan ang simbahan
Nag salitang muli si Karylle "I want to make this short------"
"Kasi excited ka na sa honeymoon?"multi kong pagputol sa sasabihin niya
Tumawa ulit lahat at napatingin ako sa Pari
Umiling-iling lang siya
Nag peace sign lang ako sabay sabi ng "Sorry po"
"Hay nako Vice, Ewan ko sayo!" Natatawang sabi ni Karylle "I want to make this short because there's only one thing I wanted to tell you.. Gusto Kong sabihin na walang araw na Di kita minahal Vice"naiiyak niyang sabi
Pati tuloy ako naiiyak na
"I want to say na whatever they say about us, wala akong pakialam all I know is that I love you and I will always love you, in sickness and in health, in richer or in poorer, ti'll death do us part" at isinuot naman niya saakin ang singsing
"I love you Vice"bulong niya
I smiled
At dumating na rin ang pinakaantay Kong part
"Jose Marie Viceral, do you take Ana Karylle Tatlonghari as your wife?"
"Ay pak na pak! Father!!"sagot ko
Siniko naman ako ni Karylle at tinignan ng masama
"Este------I do, Father"
"Ana Karylle Tatlonghari, do you take Jose Marie Viceral as your husband?"
"I do"
"By the power vested by me, I now pronounce you Man and Wife, you may now kiss the bride"
Humarap ako Kay Karylle at itinangal ang belo niya
Oh yes naman!
"This is really is it!"
Ngumiti lang si Karylle
Inilagay ko ang kamay ko sa bewang niya at unti-unting lumapit
Ng lumapit....
Ng lumapit at humiwalay ulit
"Chaka Di na ako hopia!!!"sabi ko
Tumawa naman lahat
Lumapit ulit ako Kay Karylle
Lumapit......
Lumapit.......
Lumapit at humiwalay ulit
"Nay Rosario! Binata na ang dalaga mo!!!"sabi ko Kay nanay na naiiyak na
Tumawa ulit sila
Tinignan ko si Karylle na mukhang naiinis na
Ang kyot naman ng asawa ko 😂
Lumapit ulit ako ng lumapit
At lumapit
At lumapit
At lumapit at aatras na sana ulit ako kaso hinila na ako ni Karylle at hinalikan
Lumaki ang mga mata ko na agad ko namang isinara
It was a long passionate kiss
"Ang dami mo kasing ek ek eh"natatawang sabi ni Karylle nung humiwalay na kami
"Isa pa! Isa pa! Isa pa!"
Ako naman ngayon ang lumapit at hinalikan si Karylle sa noo, ilong at finally sa labi niya

Pinatugtog naman ng Itchyworms sa pangunguna ni Jugs ang 'Inlove ako Sayo'
Napuno naman ng palakpakan ang buong simbahan
"Congrats Mr. And Mrs. Viceral"sabi ng Pari
Sa wakas, Di na ako hopia...
To the only woman I loved, Ana Karylle Tatlonghari-Viceral, I love you ti'll death do us part
END.
-----------------------------------------
Natapos narin ang panghohopiang ito...
Kahit sa story man lang na ito nagkatuluyan ang Vicerylle 😢
Salamat sa pagbabasa mga sibs at sa suporta love ya all
Lumayag lang kayo ng lumayag mga pusong dilaw sabi nga ni Moana "No one knows how far it goes"
Hindi natin Alam kung hanggang kelan ang tambalang Vicerylle pero para saatin hangga't may hopia at buko pa sa World----the Universe rather 😂 Vicerylle will stay together
Solomotttt sa pagababasa hope you like it 😘😂

-Nikiiicat2

Truth Behind the Camera [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon