Empake

30 1 0
                                    

"Siguraduhin mong wala kang naiwan. Icheck mo gamit mo. Kung nandyan na lahat, damit, camera, phone, chargers, lahat. Lalong lalo na yung ticket at passport mo."

"Chill ka lang Chael. Nacheck ko na. Tatlong beses na. Excited na talaga ako!! Anong oras mo ba ako susunduin?"

"Eh kasi. Baka may makalimutan ka. Excited na rin akooo! Mga 9:30 kita susunduin. 1:45pm pa naman flight natin."

"Sige sige. Bye na at one last check at hihintayin nalang kita."

"Okay. Text nalang kita pag malapit na 'ko."

Nakakaexcite. Hihi. Lalabas kami ng bansa ni Nici. Bestfriend ko sya pero magkapatid na ang turingan namin. Since grade 7 magkakilala na kami.

Si Nici yung taong palaban, masayahin, extrovert. Mahilig din gumala. Ako naman yung masayahin pero madalas introvert. Nag iingay lang ako madalas kapag kasama ko ang squad namin ni Nici.

Sa Korea kami pupunta. South Korea to be exact. Regalo na 'to sa amin ng parents namin para sa graduation namin ngayong 12th grade. Ang saya lang kasi pinayagan kaming kaming dalawa lang ang magkasama papunta dun.

Ate Chael! Tumatawag si Kuya Wa! Sagutin mo daw dali na!

Wait lang Echo! Patapusin mo muna ako mag ayos!

Pag di mo daw sinagot si Kuya, di daw nya dadagdagan pocket money mo.

Ay hehehe. Sabihin mo papunta na.

Ano ba naman 'tong mga kapatid ko.

Oh kuya Wa? Kamusta kayo ni ate We?

Antagal mo. Okay naman kami. Sabi ni We text mo daw sya pag paalis na kayo, tatawagan daw nya yung pinsan nyang taga Incheon para masundo kayo. Dun na daw kayo tumuloy sa Seoul. May isa pa silang pinsan na taga Seoul e.

TALAGA KUYA?! OMO. THANK YOU THANK YOU THANK YOUUU!

Oo na. Oo na. Sunduin mo na si Nici. Baka malate pa kayo. *Ingat kayo Chaeeeel! Enjoy sa Korea!

Sige sige. Thank you ulit Kuya! ATE WEEE! THANK YOU HAAA?! Love you both!!

Pero wait, tapos na ba ako mag empake?

Tapos na pala. Susunduin ko na si Nici. Hihi.

Flight 621Where stories live. Discover now