Sa buong byahe nakatingin lang ako sa bintana..
Pero asa. Nakatingin lang ako kay Seokjin oppa. Buti nalang di nya pansin kasi bukod sa nakashades ako at parang tulog, busy sya sa pag selfie at pagkain.
Si Nici naman di na natigil sa kakakuha ng stolen pictures ni Tae oppa. Buti nalang din at tulog si Tae oppa.
Narinig nalang namin na nagsalita ang piloto na mag seatbelt na dahil magtotouchdown na ang eroplano sa Incheon Airport.
Eonni! Eonni! Sana pagbaba natin ng eroplano makapagpapicture tayo sa kanila!!!
Oo nga e!
Ngayon naniniwala ka nang andito ang BTS?
Oo na. Oo na.
Nakalapag na ang eroplano at nakababa na halos lahat ng pasahero. Pero kami ni Nici at ang BTS ay nagpahuli. Hoping na makakapagpapicture kami sa kanila.
Pero bigo kami. Pina una kami ng managers nila. Kaya wala kaming nagawa kundi ang sumunod at lumabas nalang. Tinext ko na si Ate We na andito na kami sa airport. Nagreply naman agad sya na andito na yung pinsan nya at may hawak na sign na may nakalagay na "Chael and Nici Welcome to Korea".
Chael..
Oh? Hanapin na natin yung pinsan ni Ate We. Andito lang daw yun.
Chaeel.
Ano?
Chaeeel.
Ano nga??
Nawawala phone ko..
ANO?! Baliw ka ba? Nasa labas na tayo, pano natin yun mahahanap?
Ewan ㅜㅡㅜ
Haynako. Tara sa loob. Tanong tayo sa customer service. Baka may nakapulot.
Jusko. Yung phone pa talaga yung nawala. Pwede namang panyo. O lipstick. Phone pa. Hay.
Miss? I think this is yours?
Napalingon kami ni Nici sa nagsalita.
Taehyung oppa??
At nahimatay si Nici.
Nici! Omo. Help! Medics! Anyone!
Here, let me help you.
Seokjin oppa?
It's my turn to faint.
Touchdown at Incheon, South Korea.
YOU ARE READING
Flight 621
FanfictionFirst time namin sa Korea, first time namin magtravel na kaming dalawa lang. First time din namin himatayin sa airport.