Point of view: Zel's
Typical weekend day. Tambay sa BF kasama si Grace Fullante, best friend ko. Bili nito, bili niyan. Kain dito, lamon doon. Tawa sa taas, tawa sa baba. Kwento here, kwento there. Lakad forward, lakad back. Wala lang. Trip lang. Boring sa bahay eh. Buti pa sa BF. korean left, korean right.
Grace: "Tignan mo oh. Uber white korean. Black v-neck shirt. Rugged pants. Vans. Aviators. 8 O'Clock. Harap ng Starbucks."
Napatingin naman ako. Shit. Ang gwapo. Type ko. Simple lang pero may dating. Kaya pala ang init dito sa Pilipinas eh, kasi may nageexist dito na katulad niya.
Ako: "Oh em! Lakas! Omg. Ang hot ~"
Napatigil lang ako ng may babaeng sumunod sa kanya palabas at inakbayan niya. Too bad. Maganda naman yung babae. Korean din. Maputi . Kaso grabe pumorma. Daming kulay, nakakasilaw.
Grace: "Sayang. "
Ako: "Oh well, papel. But he can do better. "
Grace: "Tara na nga. "
Hinila niya ako papunta ng Ruins. Mahilig kasi si Grace mamili, ako din naman. Pero walang tatalo sa pagiging magastos niya.
Nakarating kami ng Ruins. Mahangin naman pero sobrang init. Malayo layo din naman yung nilakad namin. Di ko na keri.
Ako: "Teka, una ka na. Same store naman, diba? Bibili lang ako ng inumin. "
Nauna na si Grace. So, ayun. Bumili ako ng buko juice. Sarap, grabe. Refreshing. Nagsimula akong maglakad papunta dun sa store na parati naming pinagbibilhan. Eh sa sobrang aliw ko sa pagiinom ko sa aking delicious buko juice. Hindi ko napansin na meron palang wire ng electric fan. Dahil ako tong si clumsy, napatid ako. Nakakahiya like ugh. Ang masama pa dun, may natapunan pa yata ako. Ugh. Facepalm.
Tumingala ako. Shit. Omg. Si Hot Korean Guy, HKG. Ito na ata pinakanakakahiyang bagay na naexperience ko ever. Pagtayo ko, nagsorry ako agad. In korean ha, Since favorite ko naman mga K-Dramas.
Ako: "Mianhe." (Sorry)
HKG: "Ya! Dangsingessda danyeoyo!" (Hey! watch where you're going!)
High blood? Nakita naman niya siguro na di ko sinasadya diba? So ayun, inulit ko nalang.
Ako: "Mianhamnida. " (Sorry)
Tinignan ako ng masama. Asar ha. Sayang ka, gwapo ka pa naman.
HKG: "Babo! Neon amudo dasi eobsa!" (Stupid! You're a nobody!)
Hindi ko naintindihan yung iba niyang sinabi. Pero alam ko ibig sabihin ng Babo. Naginit yung dugo ko.
Ako: "You have no right to call me stupid. Can't you see that this is all an accident? I've already said sorry. It's my fault I know. But you can't insult me just because of one mistake! "
Ugh. Hindi ko na napigilan sarili ko. Nakakaasar eh. Sama ng ugali. Ako? Stupid? Really?
HKG: "Sheba-nom! " (Screw you!)
Tapos biglang nagwalk out. Sinundan ko ng tingin, nandun pala yung kasama niyang girl sa may CR. Malapit lang kaya naoverhear ko yung convo nila ni Makulay Korean Girl.
MKG: Chris! What happened?
So, Chris pala pangalan niya. Di bagay, mas bagay Hudas.
Chris A.K.A HKG: Some stupid girl drenched my shirt with her drink.
What the?! Nageenglish pala to eh. Kinoreano pa ko? Fudge. Panira ng araw. Sayang, pangit ugali.
Che! Gumora na ako papunta kay Grace. Ishoshopping ko na lang tong imbyerna ko.
_____________________________________________________________________
Monday
May pasok. Haggard sa pagcocommute. Nagmamadali. Late nako. Napuyat kakanood ng TV Series. Sana wala pa si Prof. Please? Parusa na naman to eh. Halos mamatay sa pagakyat sa stairs. Nagmadaling pumasok sa room. Nakahinga ng malalim. Wala pa nga si Prof. Macaraeg.
Init ng ulo sa akin nun eh, palibhasa hindi ko gets yung tinuturo niya. Waves and Thermal Physics ba naman. Halos mabaliw na ako para makapasa sa Physics nung High School. Hanggang ngayon ba naman? Pero hindi lang naman ako nahihirapan sa subject niya. Madami-dami naman.
Nagulat ako ng bigla akong sinabunutan ni Jess. Blockmate ko.
Jess: "Uso magsuklay."
Ako: "Sorry naman! Natakot lang malate. Di ako prepared."
Naconscious tuloy ako at nagsuklay.
Biglang nagsiayusan ng upo. Dumating na si Prof. Binati namin siya. Blah blah blah.
Prof: "Kung di niyo napapansin, halos lahat kayo bumabagsak na sa subject ko. And I wouldn't want that. I'm not that kind of professor. So I asked some of the Engineering students who has Physics as their major to help you. They are the best and at the top of their classes. I have already partnered you up. " Kinuha niya yung folder niya.
Sa sobrang galawgaw ko, nagslide yung suklay ko. Alangan namang hindi ko pulutin, mapapagalitan kami ni Prof. So, dahan dahan akong nagcrawl para makuha yun. Patay! Nasa banda dulo ng classroom.
Blah blah blah. May mga pumasok na tao. Blah blah. Partner partner.
Prof: "Switzel, what are you doing?"
Patay. Nagtawanan yung mga kaklase ko.
"Get up, you will be partnered with Taejin."
Omg. Koreano to for sure. Swerte. HAHA. Suck it, girl blockmates. Gwapo yung kapartner ko. Nakuha ko na rin yung suklay ko. Nagulat ako pagtalikod ko si...
"Babo!" - "Ikaw!"
Malas nga naman oh!
Tignan si Papa Chris sa multimedia. :">
BINABASA MO ANG
When Two Ends Meet
HumorSwitzel Rose Lopez. 16. Full-blooded Filipina. First Year College. Bachelor of Science in Civil Engineering. Walang kasing baliw. Fan of everyone and everything that is Korean. Concert groupie. Boyish na girly. High blood sa mga lalaking di marunong...