Frenemies?

299 9 1
                                    

Point of View: Zel's

Ano ba yan. Bakit ba kasi? Simula nung nakilala ko tong koreanong to, puro malas na nangyari sakin. Not to mention na nung araw na nakilala ko siya, umulan at nastranded kami ni Grace sa Ruins. Nung Sunday, nalaglag ako sa kama.  nalate ako sa pagsimba. Pagbukas ko ng pintuan sa kwarto ko, tumama yung tagiliran ko sa doorknob. Nung kumakain ako, tumama sa kanto ng table yung tuhod ko. Nakabasag ako ng plato. Nakalaglag ako ng singkwenta. Binangga ako siguro ng mga limang malalaking tao sa mall. Tumama yung ulo ko sa dashboard ng kotse. Ano ba? Nangyari lahat yon sakin sa loob ng dalawang araw. Alam ko namang clumsy talaga ako at malas na rin. Pero parang dumoble ata yung kamalasan ko nung nagkrus yung landas namin nitong impaktong to. Tas ngayon, nalate ako ng gising, nagslide yung suklay ko kaya napagtawanan ako, tapos siya pa partner ko sa subject na bagsak ako. Jusko. Di ko na keri! Makakapasa pa kaya ako nito? Feeling ko hindi. Kasi hanggang ngayon ang init init pa rin ng ulo ko sakanya. At wala na siguro kaming gagawin nito kundi magaway. 

At eto kami ngayon ni Impaktong Hudas, face to face sa Library. kunwari nagbabasa ako ng libro, pero sumisimpleng tingin, iwas naman siya.  Kahit ang taas ng dugo ko sa kanya at kahit magkasalubong yung mga kilay niya, gwapo pa rin siya. Sa lahat ng taong nakilala ko, ito lang ata yung Hudas na mukhang anghel. Tapos mayamaya, may mga dumaan sa harap ng table naming mga babaeng nagtitilian at humahagikgik. Irita. Tinignan ko ngayon si Impaktong Hudas. Nakangiti. Yumuko yuko at kumaway  pa. Ganon? Nasita tuloy yung mga babae ni Ms. Librarian. Tapos nung wala na yung mga babae, lumipat yung tingin niya sakin, sumimangot bigla. Leche. Flan. Kataastaasan sa balat ng Pilipinas. Napabulong tuloy ako. "Tsh, Plastic."

IH: "What did you just say?"

Nilakihan ako ng mata. Wow, lumalabas na ang sangkatauhan ni Hudas. 

Ako: "Wala, sabi ko gwapo ka sana kaso pagmalapitan, mukha kang bading."

Inirapan ko at humarap sa libro. Yes, hindi niya naintindihan! Tapos mamaya nakahanap na ng libro yung mga blockmates ko at nakiupo na sa table namin. 

IH: "Kahloh" (Carlo) 

Nakakatawa. Carlo lang di pa mapronounce ng maayos.

Carlo: "What, Chris?"

IH: "What does bahding mean?"

Lagot. Tinignan ko ng masama si Carlo. Tapos umiling iling.

Ako: "Wag nyong sasagutin yan. Makakatikim kayo sakin."

Tapos nagtanguan yung mga nasa table. Alam nila kasing kapag nahighblood ako sa kanila, dirediretso na. Hahaha. Mga under talaga tong mga to. Nakahinga ako ng maluwag. Tas mamaya napadaan si Ryan, dakilang tanga sa barkada namin. Kinalabit ni IH si Ryan.

IH: "What does bahding mean?"

Eh sa nagbabasa ng libro si Ryan, hindi niya nakita yung talas ng tingin ko.

Ryan: "Gay." 

"Uh-oh" Narinig kong sabi nila Jess at Sara. Dahil don, napalingon samin si Ryan. Sinalubungan ko siya ng kilay. 

Ryan: "Sorry! Gotta go! Bye!"

Facepalm. Napatayo ngayon si IH.

IH: "Naleul? Ddorang? Toejora!" (Me? Gay? Go to hell!)

Di na ako nakatiis. Napatayo na din ako. 

Ako: "Hoy! Kundi mo alam kahit papaano nakakaintindi ako ng Koreano! Sa dami dami ba naman ng K-dramas na pinanood ko! Huwag na huwag mo kong masasabihan ng go to hell dyan! Bakit? Totoo naman ah! Gwapo ka sana kaso pagmalapitan, MUKHA KANG BADING! Ikaw maggo to hell dyan! Hudas!"

When Two Ends MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon