FGG? Maybe?

255 5 5
                                    

Point of View: Zel's

Wednesday. Nakakaasar talaga schedule kapag Wednesday. Ang haba ng pagitan. 10 tapos break tapos 3. Ano namang gagawin ko sa limang oras na 'yon? Isang oras pa nga lang ng klase parang taon na eh., limang oras pa kaya ng walang kahit ano? Wala naman akong makakasama kasi sila may lunch date, yung iba umuwi na kasi ayaw na nila pumasok, tas yung iba hindi ko mahagilap - cannot be reached. Mga alien na to. Blah blah blah. Lakad. Wala. Nagdecide na lang ako tumambay sa McDo. May pagkain, may cr, may aircon at syempre, may WiFi. Talino ko talaga, pero joke lang yun. McFloat tsaka Regular fries lang inorder ko. Diet ako eh. Tsaka naengganyo ako sa pageendorse ni Papa Xian Lim. Hahaha. So ayun, dun ako sa may window para may view. Chos. Arte ko. Blah blah. Facebook. Uy, may event. Ay. Okay, kapal naman nito. Birthday nga pala ni Lance next week. Pake ko kung birthday niya? Pagkatapos niya akong lokohin. Magsama sila ni precious Vanessa niya. Bitter? Di naman. Magsama silang basura at basurera. Mean pero totoo. Basuraperdo minahal ko. Chuks to go! Ano to? Teleserye? Dahil walang kwenta Facebook, Twitter naman. Odiba? Kahit papano may social life ako. May nagsabi bang wala?

Here at McDo. #NP - Stars by Kang Min Hyuk #ForeverAlone

Tumuloy ako sa pagnguya ng fries. Nagearphones ako kaya ayon, tuluyan nawalan ng care sa mundo. Biglang may umupo sa katapat kong table, gwapong koreano. Om, pwede!  Nakikanta ako. "You're my star!" Tas tawa ako bigla. Feel na feel ko siya masyado eh. Palibhasa yun lang yung english dun sa kantang yun eh. Biglang may kumalabit sa akin bigla.

Lumingon ako. Si gwapo galing sa kabilang table. Parang nakita ko na siya dati. Familiar Gwapong Guy, FGG. Tinanggal ko earphones ko.

Ako: "Yes?"

FGG: 'Annyeong!" (Hello!) Ngumiti sa akin tsaka kumaway. "Neo gwaenchanhni?" (Are you okay?)

Medyo natawa tawa siya.

Ako: "Do I know you?"

FGG: "Oje? Ohu?" (Yesterday? Afternoon?)

Ako: "Sorry, I'm not Korean." Ngumiti nalang ako, 

Umupo siya sa harap ko. Wow ha, close tayo kuya. 

FGG: "Akala ko korean ka din, mukha kasi eh. Di mo ba ako namumukhaan? Kahapon? Sa park?"

Ay, oo! Sabi na eh. Kasama ni Impaktong Hudas maglaro.

Ako: "Kasama ka ni Chris kahapon." Tumango ako tas biglang inom.

FGG: "Oo. Pasensya ka na dun sa pinsan kong iyon ah."

Muntik ko na siyang mabugahan ng float.

Ako: "Magpinsan kayo ni Impaktong Hudas?"

Oops. Natawa siya sa sinabi ko. Pinsan ni Impaktong Hudas, PIH.

Ako: "I mean, ni Chris?"

PIH: "Di ba halata? Maraming nagsasabing magkahawig daw kami."

Ako: "Oo nga no? Pero bakit ikaw nakakapagtagalog tas siya hindi?"

PIH: "Eh kasi, hindi naman yun nakikipagfriends sa mga Pilipino. Tsaka ayaw niya ring matuto.

Ako: "Maarte yun eh."

PIH: "Onga pala. Ako si Ken."

Nagoffer siya ng kamay. Tinanggap ko naman.

Ako: "Zel."

Ken: "Hazel o Kazel?"

Ako: "Switzel."

Nagtawanan kami.

Ken: "Sige, order lang ako. Balik din ako."

Ako: "Hindi ka pa nagoorder?"

When Two Ends MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon