C18: Trust me, I'm lying

239K 5K 1.5K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---


Denise's POV

"Andy?"

Inulit ko muli ang pagtawag sa pangalan niya ngunit para bang hindi niya pa rin ako naririnig. Ang mga mata niya ... nakatitig lang sa mga mata ko. Kitang-kita ko na pinagpapawisan siya. Pansin ko ring nanginginig ang buo niyang katawan at namumutla ang mukha niya. Atras pa rin ako ng atras hanggang sa nakasandal na ako sa pader. Lumapit pa rin siya sa akin hanggang sa magkalapit na ang mga mukha namin.

"D-Denise?" Ramdam ko ang tensyon sa pagtawag niya sa pangalan na para bang hirap na hirap siyang sabihin ito. Mas lalo kong naamoy ang alak.

Inilapit pa niya ang mukha niya.

Hanggang sa biglaan siyang bumagsak sa akin. Buti na lang at nahawakan ko siya ngunit sobrang init niya. "Andy!" pilit kong siyang ginising ngunit nagsalita lamang siya.

"Ang... lamig." Bulong niya.

Tinawag ko agad si mama at papa. Inihiga nila si Andy sa kama ko. Sobrang init pa rin niya.

"Denise. I-check mo ang temperature niya."

Agad ko namang kinuha ko ang thermometer sa may first aid kit ni mama. Nagmamadali akong bumalik sa kwarto. Ngayon lang ako nataranta nang ganito.

"Ma, 38 celsius po!" tumakbo agad ako kay mama. "Anong gagawin natin? Isugod na kaya natin siya sa Hospital?"

"Relax lang anak. Ipunas mo ito sa paa't kamay niya pati na rin sa mukha niya. Pakainin mo siya at painumin mo siya ng gamot. Obserbahan natin siya ng ilang oras at baka bumaba na rin ang lagnat niya." Ibinigay sa akin ni mama ang bimpo na binabad niya sa maligamgam na tubig. Kinuha ko ito at sinimulang punasan ang magkabilang kamay ni Andy.

Andy, sorry.

Sorry sa lahat.

May tumulong  luha galing sa kaliwa kong mata. Agad ko namang pinigilan ang pag-iyak ko at pinapatuloy na lang ang pagpupunas sa katawan ni Andy. Pinagpapawisan pa rin siya at patuloy ang panginginig ng buo niyang katawan.

"Ang lamig." Muli niyang sinabi.

Tinititigan ko ang mukha niya habang dahan-dahan kong pinupunasan ito. Nakakunot ang noo at halatang hirap na hirap siya. Paulit ulit niyang sinasabi na nanlalamig siya. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa mukha niya hanggang sa leeg.

Bigla kong naalala ang nanyari kanina--ang mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam na matagal na pala siyang nasasaktan. Sa mga ginagawa ko, sa mga sinasabi ko--hindi ko alam na naapektuhan na pala siya. Masyado akong naging makasarili, masyado akong naging manhid. Ngunit, huli na ba? Baka hindi na niya ako patawarin. Hindi ko kayang mawala si Andy sa akin.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon