Chapter 1

15 5 0
                                    

7:00am
Sacramentum University
Zara's POV

First day of school. Bagong teacher,classmate, at syempre di mawawala ang bagong struggles. Mag t-tatlong taon narin ako dito sa Sacramentum at isa lang ang hindi mag babago dito ang favorite spot ko ang Library. As usual andito ako sa Library, nag b-basa ng kung anu-ano basta konektado ito sa mystery.

Bubuksan ko na sana ang bagong kuha kong libro nang biglang nag ring ang bell tanda na mag uumpisa na ang first subject namin. Agad kong binalik ang libro sa shelf at nag madali ng pumunta sa classroom.

Pag pasok ko sa room, agad akong naupo sa aking upuan. Hay salamat wala pa si Mam...

"Mali ka ng akala, kanina pa andito si Mam lumabas lang saglit para mag-cr"

Mind Reader eh? S'ya nga pala si Zander Ramirez ang seatmate ko and also ang no.1 na ka kompitensya ko pagdating sa deduction show.

Maya-maya pa ay dumating na si Mam na may kasamang new student na babae

"Goodmorning class, pasensya na kung natagalan ako pinatawag pa kasi ako sa office para ipakilala sainyo ang bago ninyong k-klase. Please introduce your self Ms. Dela Pasion" anunsyo ng aming guro

"Hi my name is Phoebe Dela Pasion, Im 15yrs old, I love reading books, my favorite subjects are Science,Math,English...."

Jusme andaming sinabi magpapakilala lang eh. Yumuko na lamang ako sa aking desk at aantayin ko na lamang s'ya matapos.

"Someday I want to be a model sayang naman kasi yung ka sexyhan ko at ganda ko kung diko magagamit...."

Napa upo ako ng maayos dahil sa aking narinig, takteng yan buhat sariling bangko bes?

"Pst! Hey Zara."  bulong ni Zander. Agad naman akong napatingin sakanya na may halong pag tataka

"Sa tingin ko may furniture shop 'tong si Phoebe hanggang dito ba naman kasi sa classroom buhat-buhat n'ya yung bangko niya eh" wika nito.

Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa kanyang sinabi hays. Zander is Zander.

"I'm also a valedictorian. That's all I hope na maging close ko kayong lahat"

Pag ka tapos ng kanyang SONA... I mean ng kanyang pag papakilala, agad syang humanap ng bakanteng upuan and guess what? sa tabi ko pa talaga. Errr! I guess this school year will be worst.

She Was A Nerd BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon