Chapter17

70 2 0
                                    

^^Ella’s POV^^

            “oh boys tama na yan .. mukhang hindi na kaya ni Yvo panget ... tignan niyo nga kung nakakakita pa”--Asiong

Nilapitan nila si Yvo tapos hinawakan yung baba .. saglit na pinagmasdan tapos .. iniwan din.     

Naiiyak ako sa mga nangyayari.

Hindi ko akalain na kailangan pang umabot sa ganito para lang malaman ko na si Yvo ang dahilan ng pagtibok ng puso ko.

DAMN.

Kasalanan ko ito eh !

            “nakakakita pa boss”--totoy gala

            “good.. dahil mag-uumpisa na ang show”--Asiong

            “kfhvk ..f-f.fref.vc ..... ~~”--Yvo

            “boss may sinasabi yung Yvo”--boy kuto.

            “tanggalan niyo na ng panyo ..bilis excited na ako”--Asiong

Mas lalo atang naging masama ang mga ugok na to simula ng makulong. Kaya hindi na ako magtataka ba’t nagagawa nila to.   Bwis*t !

            “yun lang ba kaya niyo?malakas pa ako o-oh ? ... h-aha ..p-panget na nga k-kayo mga w-w-weak pa”

Napapikit ako.

YVO !! ano ka ba naman !! malakas? Eh hinang-hina ka na! Pinipilit mo lang maging malakas !!! bakit mo ba to ginagawa ??

Tama na ...

Please ....

            “aba gago ka  ah !!!”--Asiong

Biglang sinuntok niya ng malakas si Yvo. Kitang-kita ko yung  dugo na tumalsik dahil sa pagkakasuntok niya kay Yvo.

            “y-yun lang b-ba? L-lakasan mo p-pa !!”

            “ginagalit mo ako !!! .. mga bata !”

Pagkatawag niya kay boy kuto .. inabot nito kaagad yung kahoy na kaninang ginamit para pagpapaluin si Yvo.

            “ayoko sa lahat ginagalit ako”

Napapikit nalang ako ng makitang hahampasin na niya si Yvo.

Hindi ko na kaya pang makita ang mga susunod na pangyayari....

Nasasaktan na ako....

Yvo ...

            “ooooo.. kanina ka pa ah .. hindi naman ata patas na kalabanin mo yung taong nakagapos? Gay ka ba?”

HAH??

*dilat-dilat*

NICK PAANONG?

            “wait lang Ella ha? Bibigyan ko lang ng lesson to learned tong mga ungas na to”

O_o paano siya nakatakas?

WOW. AMAZING.

Pinagsususuntok niya sina Asiong. May mga times din naman na natatamaan siya .. pero agad siyang nakakarecover tapos suntok ulit kina Asiong...

After 1 hour.

JOKE.

Mga ilang minutes lang naman ng pakikipagbak-bakan...

Ayun.

 Sleeping beauty ang mga ugok.

May ilang mga sugat si Nick pero carry niya padin.

Wow. Ang daming superheroes sa mga friends ko.

Lumapit siya sa akin ng medyo paika-ika.

 Di biro yung ginawa niyang pakikibaka.sa mga panget na yun. Kaya saludo ako kay Nick.

Kinalagan niya ako sa pagkakatali ng mga ugok na yun.

Medyo masakit din ang kamay ko gawa ng mahigpit nilang pagkakatali sa akin. Pero hindi ako dapat magreklamo. Kumpara sa mga ginawa nila .. para sa akin .. utang ko na buhay ko sa kanila.

            “salamat Nick”

            “wala yun ayos ka lang ba?”

            “oo .. ikaw? Sorry Nick nadamay ka pa”

            “wala yun .. buti nalang tanga yung nagtali sa akin ..”

            “huh? Oo nga no.. paano ka nakatakas?”

            “tulog talaga ako .. pero kasi nung magising ako .. wala man lang ka-effort effort yung nagtali sa akin kaya ayun ... leggo ako ! yii” sabay peace sign.

Ang ever positive man na nakilala ko =) salamat sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Kundi dahil sa kanya baka ... kung ano ng nangyari .. salamat sa kanya dahil naging tunay siyang kaibigan ... dahil naging matapang siya...

            “salamat Nick ..ang swerte ko naging kaibigan ka namin”

Umiiyak na ako .. katouch naman kasi tong kaibigan ko na to eh !

            “oh ..tama na yan .. yung sipon mo .. nako. Uhugin ka na .. wala nga yun sa akin. What friends are for? Mabuti pa puntahan mo na yung ‘YOURMAN’ mo”

Yourman !?

My gosh ! si YVO !!

Agad naman akong kumawala sa pagkakayakap sa kanya ... tapos pinuntahan ko kaagad si Yvo. Tinanggal ko kaagad yung tali sa kamay niya.

Napaupo kami ..matapos ko siyang kalagan.

Sa tingin ko hindi na talaga niya kaya.. kaya napaupo siya.

Kawawa naman si unggoy :<

            “Yvo? Huii Yvo unggoy magsalita ka ! huii ! wag ka namang ganyan ! SUSTANTIVO ! HOY !!”

Walang sumasagot.

Kinakabahan na ako =_=

            “Yvo ... naman ! hoy ..ano ka ba sumagot ka nga ! babangasan kita ! pag di ka nagsalita !”

“a-arrayy ~~ naman .. sini-sigawan m-mo padin a-ako?”

            “WAAAAAH !!!YVO ?? YVO !!! BUHAY KA  Yiiii :”3 THANK YOU LORD !”

            “a-ray !”

            “ay ..sorry ...”

            “mabuti pa dalhin na natin siya sa hospital ... madami ding dugong nawala sa kanya”--Nick

            “sige :”3”--Me

            “tara na yourman ... ako naman sasagip sayo ... “--Me

One Crazy SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon