Blood 7

4 1 0
                                    

Adrastreia Thana Blood

"Queen ang daya mo naman eh! Hindi mo kami sinama kagabi *pout*" Nakangusong sabi ni Ciro. Nandito kasi sila ngayon sa loob ng kwarto ko nalaman kasi nila ang nangyari kagabi sa battleground.

"Oo nga queen, madaya ka!" Sabi din ni Lorcan at inirapan pa ako nito. Napataas naman ako ng kilay sa ginawa niya. Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto ng may maalala ako.

"Anyway, mamaya na ang Rank Battle"

'Yown!'

'Bakbakan na!'

'Makakapag-exercise nanaman ako!'

'Yes!'

Narinig ko pang sabi nila bago ako umalis. Napangisi nalang ako sa mga narinig ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may sumitsit sakin kaya napahinto ako at pinakiramdaman kung sino 'to pero hindi ko siya maramadaman kaya nagpatuloy ako sa paglalakad pero may sumitsit ulit hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad pero paulit-ulit nitong ginagawa ang pagsisit sakin pinakinggan kong mabuti kung saan galing. Nanggagaling ito sa likod ko at palapit ng palapit kaya hinanda ko yung sarili ko sa paglingon.

Ayan na

Nang maramdaman kong malapit na siya sa likod ko ay dali-dali akong humarap pero imbis na kalaban ang makita ko ay sumalubong sa muka ko ang muka ni Vox. Ilang pagitan na lang ang layo ng muka namin sa isa't-isa. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw. Nanlaki mata ko ng tawidin niya ang konting pagitan ng muka namin at naramdaman ko na may malambot na bagay na dumampi sa ilong ko. Nag tagal ng ilang segundo bago siya humiwalay. Nanlalaki pa din ako mata kong nakatingin sakanya. Nakita kong binasa pa nito ang labi niya habang nakatingin sakin.

"I want to taste that sweet lips of yours but i want to do it with your permission and i know that you want to strangle me to death so i'll leave before you kill me. Bye Thanababes!" Sabi niya at tumakbo paalis. Naiwan akong nakatayo doon . Ilang segundo pa bago pumasok sa isip ko yung nangyari. Agad naman namula yung muka ko sa galit.

"WHAT THE FUCK DID JUST HAPPEN!? ARGGGGGGH!"

-

Ciro Maldives

Nandito kami ngayon sa isa sa mga kwarto sa Hell'Visio naghahanda para sa magaganap na Rank Battle. Napatingin ako sa ginagawa ng dalawang kupal na mag-pinsan naglalaro ito ng baraha kasama si Craige. Sunod ko namang tinignan ang gawi ng dalawang maharot sa harapan ko. Nakita kong nagsusubuan silang dalawa muntik na akong masuka sa ginagawa nila kaya sgad ko inalis yung paningin ko sakanila napagawi naman ako sa pwesto ni queen. Nakita kong nakasimangot ito well wala namang bago doon pero iba talaga yung aura nito parang pag lumapit ka dito ay matatagpuan mo nalang yung ulo mo na gumugulong gulong sa may hagdanan. Sa takot ko na baka ulo ko yung gumulong ay binawi ko na agad yung tingin ko. Aba! Pano nalang pag nawalan ako ng ulo? Edi nawalan na ng gwapo sa mundo at siyaka baka mag-iyakan mga chikababes ko!

"ARRRRRGH! THAT JERK! I REALLY WANT TO RIPPED HIS HEAD OFF AND CHOP HIS BODY INTO PEICES!" Napatingin ulit ako sa gawi nito ng marinig ko siyang sumigaw. Nakita ko din napatingin na din ang iba at nakita ko pang nagbago ang kulay ng mga mata nito. Kung sino man yung tinutukoy ni queen magtago ka na dahil mukang hihiwalay yang ulo mo sa katawan mo. Napatingin naman samin si queen kaya agad kaming nag iwas tingin at bumalik sa mga ginagawa namin na parang walang nangyari.

Napatigil kami sa mga ginagawa namin ng may marinig kaming kumatok.

"Come in" Narinig kong sabi ni queen. Bumukas naman ito at pumasok. Nakamaskara naman na kami kaya hindi niya makikita muka namin. Yumuko muna ito bago nagsalita.

Half moon: Different worldsWhere stories live. Discover now