Chapter 6

11 1 0
                                    

{Sia}

Makalipas ang limang oras ng nakakaantok na mga lectures ay sa wakas makakapag lunch na ako...at my special lunch for today...octopus dogs at fried rice na niluto ko...yum makakain ko na rin sya yeheyy!!!

"Excuse me nandyan ba si Sia? O nandyan ka lang pala engot ka! Kanina ka pa hinahanap ni Princess" Sabi ni Thea .Ang isa sa mga kampon ni Princess sa kasamaan

Great...

Just great...

Bakit nga uli ako sumusunod sa isang bobong katulad ni Princess...ay oo nga pala dahil sa dream job ng mga magulang ko...

Hay Sia kaya mo pa yan ...

Remember one more year pa...

Since hindi ko naman magawang tumangi, kaya agad akong tumayo sa desk ko at dalidali akong tumakbo papuntang canteen kung saan matatagpuan si Princess.

Buti nalang at black flat shoes yung suot ko ngayon.

Nang makarating ako sa canteen nakita ko si Princess na naka upo na may hawak na stop watch...

Grabe ano ako aso?!

Unahan lang ang peg?!!

"Urgh kahit kailan ang bagal bagal mo Sia! Di bale na nga nagugutom na ako so ikuha mo ako ng isang strawberry cake at isang latte at dapat sa starbucks ha naiintindihan mo noob" Sabi ni princess sabay sarado ng stop watch nya habang binato nya sa akin yung pera na ipang bibili ko ng mga pinabibili nya...

kahit kalian talaga ang imature nya...

Tumango na lang ako at dali dali akong tumakbo sa labas ng school.

Dahil medyo malayo layo yung Starbucks sa school naming kaya mas lalo kong dinalian yung takbo ko kasi thirty minutes lang yung lunch naming.

Lintek na yan! Sobra na talaga ito pero buti na lang at kasali ako sa tracks nung elem kung hindi baka nawalan na ako ng malay sa layo at pagod ng tinakbo ko.

Kung iisipin nyo na bakit hindi nalang ako sumakay...

Well for starters mas matagal kung sasakay pa ako sa jeep o taxi o whatever kasi napaka traffic ng street kung saan matatagpuan yung pinaka malapit na Starbucks dito.

Nang makarating ako sa Starbucks, napansin ko na nakatingin ang mga tao sa loob ng Starbucks sa akin.

Sa totoo lang di ko sila masisisi kasi kahit ako mapapatingin ng ganun pag nakita ko rin ang itsura ko; Eh paano ba naman mukha akong gumulong sa isang maputik na bangin na maswerte pang may ilog sa ibaba na sumalo sa akin.

Grabe ang description ko no pero sa dugyot ng itsura ko parang malinis pa sa akin yung taong grasa eh.

Pero wala na akong paki sa mga sinasabi o sasabihin ng mga tao sa akin basta makatapos ako dito!

Makalipas ng tatlong minute sa pag hihintay sa pila, agad kong inorder yung strawberry cake at latte ni princess.

Pag kabigay sa akin nung cashier yung inorder ko; Agad kong kinuha yung inorder ko sabay karipas sa pag takbo na akala mo'y may ninakaw ako eh.

Kung di lang talaga pangarap ng mga magulang ko na magtrabaho sa kompanya ng mga magulang mo princess di ko naman talaga gagawin ito!!

Pagkadating ko sa school naming nakita ko na nagsitinginan ang mga fellow estudyante ko sa itsura ko na tila parang isa akong taong grasa na naligaw ng pinuntahan pero wala akong oras para sa kanilang mga walang kwentang rumors mas mahalaga ito.

Paperplanes (A Normal Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon